Pagdating sa bahay, nagmamadali si Micah na bumaba ng Porsche ni Damian. Nagtatakbo papasok sa loob. Ayaw niyang magmukhang talunan. Pero talo naman talaga siya. Masyado siyang napahiya ni Damian kanina. Kusang bumigay ang katawan niya. Nawala siya sa sarili. Nawalan siya ng kontrol. Imbes na si Damian ang bumigay, siya ang bumigay kay Damian. Imbes na si Damian ang madala sa eksena, siya ang nadala. Imbes na si Damian ang masarapan sa kanya, siya ang nasarapan. Sa huli, siya pa rin ang talo sa mga mata ni Damian. Ganoon pa man, hindi naman iyon ang mahalaga sa kanya. Pera ang mahalaga. Wala nang iba. Hindi niya dapat kalimutan ang goal niya. "Micah..." Natigilan siya sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ang tinig ng Ninang Giselle niya. "Kasama mo bang bumalik si Da

