Pagkasara ng pinto ng Porsche, hindi agad inistart ni Damian ang kotse. Nakatingin lang ito sa harap. Panga, matigas na naman. Kamay, mahigpit sa manibela. Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang lakasan ang loob niya. Alalahanin niya milyon ang premyo pag napanalo niya si Damian. "Thank you, Damian," sabi niya. Malambing. Mahina. Puno na naman nang pang-aakit. "Sa pagpanggap na boyfriend ko kanina kay Alex." Hindi lumingon si Damian. Pero nakita niyang gumalaw ang panga nito. "Wala yun," sagot nito. Matipid. "Ayoko lang ng eksena." Ngumiti siya. Hindi dahil naniwala siya. Dahil alam niyang nagsisinungaling si Damian. Nakita niya kung paano nito ipinatong ang kamay sa kamay niya kanina. Hindi yun para iwas-eksena. Pag-angkin yun. "Talaga?" Umusog siya palapit. Konti lang

