She came to play with fire. He was the inferno. *** “Sir Damian, nakahanda na po ang magiging opisina ninyo,” saad ng babae na marahil ay magiging secretary ni Damian. Dumungaw ito sa pintuan. Napasulyap pa sa kanya ang babae dahil saktong pababa siya mula sa mesa at inaayos ang kanyang dress. Sa uri ng sulyap ng babae sa kanya at kay Damian, mukhang may malisyang nabuo sa isip nito sa nakitang pagbaba niya mula sa ibabaw ng mesa at pag-aayos ng kanyang bestida. Nag-angat lang siya ng mukha. Hindi naman niya dapat ikahiya ano man ang inisip ng babae. Proud pa nga dapat siya. “Sige, salamat. Pupunta na kami,” saad ni Damian sa babae na agad ding nagpaalam kay Damian at isinara ang pintuan. “Wow, may instant opisina ka na agad,” nakangiting saad niya kay Damian na napakalamig p

