Some men are ice. But even ice melts when touched by fire. *** Matiyaga siyang naghintay hanggang matapos ang meeting ni Damian. Nagulat siya sa sarili dahil hindi siya nabagot, kahit wala naman siyang naiintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito. Lalo na’t hindi naman ganito ang mundong kinagisnan niya. Sanay siya sa ingay sa labas ng kalsada. Sa mga nagsasalitang walang modo. Sa busina, sa sigawan, sa gulong na walang tigil. Pero sa loob ng conference room, iba ang takbo ng usapan. Matalino. Matalas. Bawat salita, may bigat. Bawat tanong ni Damian, may sagot na diretso at walang paligoy. Kapag may hindi sumasang-ayon, isang tingin lang ni Damian, tumatango na ang kausap. Ang sarap pakinggan ni Damian. Kapag nagsasalita ito, pulido. Lalo na sa Ingles—sanay na sanay. Walang “uhm,” walan

