Sa komedor, kumpleto na silang lahat at siya na lang ang hinihintay. Nahihiya siyang tumuloy kaya sandali pa siyang nakatayo sa may pinto, parang sinusukat kung dapat ba siyang pumasok agad o maghintay pa ng pagkakataong hindi gaanong mapapansin. Pero wala naman siyang pagpipilian. Kaya marahan siyang humakbang papasok at agad na bumati kay Mr. Navarro. “Magandang umaga po,” magalang niyang bati habang may tipid pero maayos na ngiti sa labi. Napatingin sa kanya ang matandang lalaki at agad itong gumanti ng ngiti. “Magandang umaga rin, Micah. Maupo ka na at sabay-sabay na tayong kumain,” tugon nito na may natural na authority sa boses. Banayad siyang tumango. Hindi niya maiwasang pakiramdaman ang bigat ng presensya ng buong hapag. Lalo na ang taong hindi pa niya tinitingnan nang diret

