Kinabukasan, nagdalawang-isip siya kung lalabas na ba siya ng silid niya para sumabay sa almusal ng pamilya ng Ninang Giselle niya. Pinapababa na siya ng Ninang niya sa komedor dahil nakahanda na ang pagkain at hinihintay na lang siya at si Damian sa hapag. Masyado siyang natatakot kay Damian dahil sa kagaspangan ng ginawa nito sa kanya kagabi, sa maling akala nitong anak siya ng Ninang Giselle niya sa ibang lalaki. Puno ng galit ang mga mata nito nang tignan siya, na para bang kaya siyang patayin gamit ang mga nanlilisik nitong tingin. Hindi galit lang ‘yun. Galit na may kasamang pagkasuklam. Galit na para siyang dumi sa sapatos nito. “s**t,” mura niya sa sarili at bumangon mula sa kama. Iyon ang unang encounter nila ni Damian. Napaka-impulsive, napaka-raw, at hindi niya inaasahang g

