Slut Simula noon ay palagi na akong hinahatid ni Shaun papasok ng school pero hanggang doon lang sa bookshop, ilang minutong lakaran pa bago makarating sa main gate ng Rosehill. Iniiwas ko lang din ang sarili sa gulo. Kung magkataong kasing may makakita sa aming dalawa ni Shaun, tiyak na makakarating agad iyon kay Blanca. At 'yon ang kinakatakot ko. Sa buong school ay ako lang ang nakakaalam na wala nang kasalang magaganap sa pamilyang Rizaldo at Pereira. Maliban kay Jean, syempre. Sa totoo lang, takot rin akong may makaalam sa kung ano man ang estado ng relasyon namin ni Shaun. Takot akong mahusgahan at mabato ng masasakit na salita. Oo, simula pagkabata ilang beses na akong nakarinig no'n pero hindi ibig sabihin no'n ay immune na ako. Hindi ko rin naman mapo-protektahan ang sari

