Bad liar "Pinagkatiwalaan kita, Emery! Ang tagal kong nawala, kampante ako kasi alam kong wala kang gagawing masama--" "Wala naman kasi talaga, Kuya!" basag ang boses ko kakaiyak mula pa kanina. Nakaupo ako habang siya naman ay nakatayo sa harapan ko, galit na galit sa akin. Sobra talaga ang takot ko kanina nung makita niya kami ni Sir Shaun na magkayakap, nawala rin kasi sa isip ko na dadating na siya anumang oras dahil nadala na rin ako sa emosyon ko. Mabuti na lang at napakiusapan ko si Sir Shaun na 'wag na munang kausapin ang kuya at umuwi na lang. Umiiyak ako mismo sa harapan niya, nagmamakaawa na. Hiyang-hiya ako. Ni hindi man lang tinignan ni Kuya si Sir Shaun habang paalis ng bahay, sa akin lang talaga siya nakatitig at hindi kumibo hanggang sa makaalis na nga si Sir Shaun.

