Hindi pwede Nag-early out ako sa trabaho. Nagmamadali akong umuwi dahil ang sabi ni Kuya ay ngayong araw siya uuwi. Dumaan muna ako sa tindahan ng lechon manok at bumili na ring isang bote ng softdrinks at naglakad na lamang imbis na sumakay pa sa tricycle. Sayang din ang sampung piso. Dahan-dahan pa akong naglakad para hindi maalog ang softdrinks. Yakap ko ang softdrinks at bitbit naman ng kaliwa ko ang lechong manok. "Uy, Ate MJ! Ano 'yang dala mo?" nakasalubong ko si Janus, bunsong anak ng kapitbahay namin. Payat siyang bata at mukhang malnourish tignan. Inangat ko ang hawak kong plastic. "Ah, eto ba? Pagkain para kay Kuya Elias." Tumango-tango si Janus habang humihigop sa softdrinks niyang nasa plastic. "Saan ka pala pupunta? Hindi ka pa ba uuwi?" Umiling siya at tinuro ang mg

