Smooth Talker "Where are you?" "Malapit na sa kanto, pababa na- kita na kita. Wait." Binaba ko na ang tawag at kumuhang sampung piso pambayad sa tricycle driver. Nawala sa isipan ko na um-oo nga pala ako sa alok ni Kristoff na pumunta sa art museum ng kaibigan niya. Wala akong matinong damit para sa lakad na ito dahil hindi ko naman talaga napaghandaan. Pinaalala lang sa akin ni Kristoff kahapon. "Alam mo, pwede naman kitang sunduin mismo sa pintuan ng bahay niyo." Pinagbuksan niya akong pintuan. Ngumiti na lang ako at mabilis na pumasok sa loob. Tinakbo ko talaga ang distansya ng binabaan kong kanto at kotse ni Kristoff. Sa gara kasi ng kotse niyang sports car, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao, 'yung tinging mapanghusga. Sa tagal kong nanirahan sa lugar na 'to at ito lang nama

