18

1071 Words
Paglabas namin sa exit ay mayroon ng nakaabang na magandang kotse. Mamaya ay ise-search ko kung anong model ang kotse ni sir dahil natutuwa ako. Ngayon lamang kasi ako nakakita ng ganitong klase ng sasakyan. “Take a seat in the backseat, Khiaza.” Binuksan n'ya ang pinto para makaupo s'ya sa front seat. Pero muli n'yang isinara ang pinto. “Do you want me to open the door for you, Khiaza?” Nanlaki ang mga mata ko, “N-no, sir! I'm fine. Salamat po.” “Okay.” Binuksan na n'ya ang pinto at sumakay. Nakakakaba at nakakatakot na matanong at matingnan ni sir Dash. ** Tumigil ang sasakyan. “We're here, Khiaza.” Narinig ko na binuksan na ni sir Dash ang pinto. Sumunod din ako. Napanganga ako sa laki ng bahay nila. Bahay ba ito? Ay hindi lang basta bahay, ito ay isang mansion. Grabe ang bahay n'ya, kasing laki ng limang mall siguro. Nagsimula ng maglakad si sir Dash. Kaya sumunod na ako. Pero huminto s'ya. Humarap s'ya sa akin. “Think of my house as your house too, Khiaza. You will be my mom's personal maid, so be comfortable at home.” “Yes, s-sir.” Nag-bow ako. Pinagbuksan kami ng pinto ng dalawang maid para makapasok sa loob ng mansion. Kahit ang pinto nila sa bahay ay sobrang laki. Napayakap ako sa braso ko dahil ang lamig dito sa loob. Hindi ko kaya ang lamig. Nanginginig na ang buo kong katawan. Aakyat na sana sa hagdan si sir Dash pero tumitig s'ya sa akin. Bigla akong nahiya kaya yumuko ako. “Khiaza, are you okay? Do you want a jacket? Wait, one of my maids will take one for you. Just follow me to the second floor. Room 3.” Tumango ako ng mabilis. “Copy, sir.” Muli kong niyakap ang aking sarili. Lumapit sa akin ang isang maid. Sinabihan n'ya ako na kukuha na s'ya ng jacket. Kaagad naman akong nagpasalamat. Maya-maya ay nakita ko na ang isang maid. Inabot n'ya sa akin ang jacket. Labis ang pasasalamat ko sa kanya. Umakyat na ako sa hagdan. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Nasa second floor na ako. Hinanap ko agad ang room 3. Tinitigan ko ang pinto ng room 3. Kakatok na ako? O tatawagin ko si sir Dash? Parehas ko na lang gagawin. O kakatok na lang ako dahil inaasahan naman ni sir Dash na susunod ako. Kumatok ako ng tatlong beses. Bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si sir Dash. “Khiaza, come on, come inside.” Tumango ako ng mabilis. Pagpasok ko sa loob ay medyo nagulat ako. Nakita ko kasi ang isang babae na nakahiga sa kama. Tulog s'ya. Siguro ay s'ya ang mother ni sir Dash. “Khiaza, meet my mother, Dallsh. She was comatose for almost 7 years. I don't know when she will wake up. Don't worry, I won't make you my mom's caregiver because I've already hired someone. The only thing you have to do is talk to her as if you were friends. Or talk to her like she's your mother too. Tell her how you feel or how your day went. I'm a busy person, Khiaza. Every time I come home, I'm doing a lot of work, so sometimes I forget to talk to her and fall asleep right next to her.” “Naiintindihan ko po, sir.” “Thanks. You can start your work now. By the way, you will only work for 4 hours with me, and the rest you will work with my mom. Thanks for your understanding, Khiaza.” “Yes, Dash, copy. Thanks. You're welcome.” Nag-bow ako. Lumabas na s'ya sa kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Nakakatuwa s'ya. Sa likod ng mukha n'ya na cold at parang masungit ay mapagmahal pala s'ya sa kanyang ina. Sigurado ako na mabuti rin ang kanyang ina. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama. “Hi, ma'am, ako po si Khiaza. Kumusta po kayo? Pasensya na po kung feeling close ako ha. Pero gusto ko sanang i-share sa inyo ang nangyari kanina.” “Alam n'yo ba, ma'am Dallsh, habang papasok ako sa kompanya n'yo ay matinding kaba ang bumalot sa katawan ko? Nakakatawa man po pero, hindi ko malaman kung naiihi ako or natata*. Pasensya na po sa words na nagagamit ko ha? Pero sa reality lang po tayo. Tsaka alam n'yo ba, nang makita ko na ang anak n'yo, aba, akala ko po'y isang bampira sa sobrang puti.” “Ano po ba ang sabon ng anak n'yo? Ang sabon ko kasi walang effect sa akin, binababad ko naman po sa katawan ko ng matagal. Pero hindi s'ya recommended dahil nahapdi ang balat ko.” “Masyado na po ba akong madaldal, ma'am Dallsh? Pasensya na po ha. Wala na po kasi akong pagsasabihan about sa day ko. Wala na po akong magulang. At wala na rin po akong asawa. Ma'am Dallsh, ikaw na lang ang pagsasabihan ko ha ng mga hanash o ng mga nangyayari sa akin. Okay lang kahit hindi muna kayo sumagot. Hihintayin ko kayo.” Bigla akong napatigil. Hindi ko pa rin makalimutan ang salitang ‘hihintayin’ 'yun 'yung palagi kong sinasabi kay Sav. Pero wala na akong hihintayin. Mayroong kumatok kaya bigla akong napatayo. Bumungad sa akin si sir Dash. “Sir, mayroon po ba kayong nakalimutan?” “Nothing. I have something to tell you. Hmm, her favorite song is Take Me Home; you can play it once or you can play it every day.” Ngumiti ako, “Noted, Dash.” “Thanks, Khiaza. Thanks.” Isinara n'ya ang pinto. Bakit parang kapag kaharap ko si sir Dash ay nawawalan ako ng hangin? Grabe ang impact n'ya. Muli akong umupo sa upuan. Ngumiti ako kay ma'am. “Ma'am Dallsh, ang ganda-ganda mo. Mukha po kayong prinsesa. Ma'am, nakarinig na ba kayo ng story patungkol sa isang lalaki na green flag o isang lalaki na mabuti? Sigurado po ako na hahanga kayo sa kanya.” “Masarap at masaya pala talagang ma-inlove 'no, ma'am? Lalo na kung ang lalaki ay isang responsable, maaasahan, mabuti, honest, at lahat ng katangian ng isang lalaki na halos pinapangarap ng karamihan.” Naiiyak ako. Pero ayaw kong maging emotional sa harapan ni ma'am. Ayaw kong maramdaman n'ya na malungkot din ako. Kaya hangga't maaari ay ikukwento ko lang sa kanya ang masasaya naming alaala ni Sav.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD