Makalipas ang isang taon.
Ang pagmamahal ay hindi makasarili. Kaya pinaubaya ko na ang urn ni Sav sa lugar na kung saan ang urn ni Sav ay kahelera ng mga urn ng ibang mga sundalo.
Mahal na mahal ko ang late na asawa ko. Pero kailangan kong magpatuloy sa buhay. Alam ko na hindi magiging masaya si Sav kung hindi ako magpapatuloy.
**
Kasalukuyan akong nasa harap ng isang malaking kompanya. Itong kompanya na ito ay hindi basta-basta kompanya lamang at hindi basta-basta ang may-ari dahil ayon sa aking research ay bilyonaryo ang may-ari nito.
Ang kompanya nila ang nagsu-supply ng ibat-ibang klase ng langis.
Mag-a-apply ako bilang isang secretary dahil nabasa ko online na hiring sila. Sana ay ako ang palarin. Sana ay sa akin na ang opportunity na ito.
Kinakabahan ako nang makapasok na ako sa kompanya. Para bang nasa sampung mall ako sa laki ng kompanya. Hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa ganitong klase ng kompanya.
Nakita ko ang pila para sa position na secretary. Bigla akong nahilo sa sobrang haba. Tutuloy pa ba ako? Mukhang hindi na ako matatanggap.
Pumila pa rin ako. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.
Makalipas ang kalahating oras.
“Next, Khiaza Halrin.”
Kinakabahan ako. Pero nandito na. Kaya ko ito.
Pumasok ako sa isang room. May sumalubong sa akin na isang babae na mukhang empleyado na rito sa kompanya.
“Goodluck, girl, lahat ng nauna sayo ay hindi natanggap. Ang boss kasi rito ang nag-i-interview. Galingan mo.” Tinapik n'ya ang balikat ko.
Mas lalo akong kinabahan. Parang gusto ko ng mag-back out.
Itinuloy ko paabante ang paglakad ko. Kaya ko ito. Kailangan ko ng permanenteng trabaho para makadagdag sa ipon ko.
Nasa malayo pa lang ako ay amoy ko na ang isang matapang na pabango. Medyo malabo ang mata ko sa malayo. Ang naaaninag ko lamang ay ang kulay puti na buhok ng isang lalaki na nakaupo.
Nakalapit na ako sa lalaki na nakaupo sa swivel chair. Napaatras ako dahil sobrang puti n'ya, para na s'yang walang dugo. Mukha s'yang bampira. Pero mapula ang labi n'ya.
Isa lamang ang masasabi ko, ngayon lang ako nakakita ng isang katulad n'ya. Kakaiba ang mukha n'ya. Oo, mukha s'yang highest paid model at celebrity, pero iba, ibang-iba sa lahat. Singkit ang mga mata n'ya na mapungay at sobrang tangos ng ilong. Para s'yang hindi totoo, para s'yang hindi tao.
Hindi maitatanggi na isa s'yang bilyonaryo dahil sa blue formal suit pa lamang na suot n'ya ay kitang-kita na.
“Good morning, sir.” I bowed. Hindi ko dapat ipakita na kinakabahan ako. Pero paano? Nanginginig na ang buong katawan ko.
“You are Ms. Halrin, right?” malamig na tanong n'ya. Nakakatakot s'ya.
“Y-yes, s-sir.” I bowed.
“Okay. You're free to take a seat.”
“So, Ms. Halrin, can you work as my secretary and my mother's nanny? Yes or no is all I want to hear,” he added.
Kinabahan ako. Ano ba dapat ang isagot ko? Sa totoo lang ay pumunta ako rito para magtrabaho as secretary. Wala akong alam kung paano magtrabaho as nanny ng mother n'ya dahil baka ibang service ang gusto nito. Pero kailangan ko ng trabaho.
“Yes,” matipid kong bulong.
“You're hired, Ms. Halrin. You can start now; follow me.” Tumayo s'ya at nagsimulang maglakad.
Natulala ako. Ano raw? Sumunod ako sa kanya? Pero saan? Hay! Ano ba itong pinasok ko?
Nagmadali akong maglakad. Tumigil ako nang makita kong mayroong kausap si sir. Ang tangkad pala n'ya. Siguro ay nasa 6'11 s'ya.
Nang lumabas si sir sa room ay dali-dali akong sumunod. Ang bilis n'yang maglakad.
Luminga-linga ako dahil bigla s'yang nawala sa paningin ko. Nakita ko na lang na papalapit na s'ya sa elevator kaya tumakbo ako para maabutan s'ya.
Nang makalapit ako sa kanya ay dumistansya ako. Pumwesto ako sa likod n'ya. Ang bango n'ya pero ang tapang ng amoy. Ngayon lang ako nakaamoy ng ganitong klaseng pabango, palibhasa ay mayaman s'ya.
Bumukas ang elevator. Sumakay na s'ya. Kaya sumunod ako agad.
Tatanungin ko sana s'ya kung anong floor pero s'ya na ang pumindot.
Tahimik lamang ang paligid. Sa sobrang tahimik ay nakakabingi.
Nang lumabas s'ya sa elevator ay dali-dali akong sumunod. Masakit na ang mga paa ko sa taas ng heels ko.
“Here's my office.” Pinagbuksan n'ya ako ng pinto. Kaagad naman akong nag-bow.
Umupo s'ya sa swivel chair. Isinuot n'ya ang transparent eyeglasses n'ya. “Here are the printed papers outlining what your responsibilities and duties are. You can read it now.”
Dali-dali kong kinuha ang mga papel. “Copy, sir.”
“Don't address me as sir. Just call me Dashioff or Dash. It's up to you. Your name is Khiaza, right?”
“Y-yes, D-Dash.”
Tumango s'ya. Ibinaling n'ya ang atensyon n'ya sa laptop n'ya.
Nandito na kaya sa mga papel kung ano ang gagawin ko bilang nanny ng mother n'ya? Kinakabahan ako.
“Dash, p'wede na po ba akong umupo rito sa couch?” mahinang paalam ko. Baka kasi magalit s'ya.
Tumango s'ya. Salamat naman.
Binasa ko ang isang papel. Tumatango ako dahil may mga nakalagay rito na nagawa ko na before as virtual assistant. But of course, mayroon pa rin silang pagkakaiba.
Makalipas ang ilang minuto. Tumayo na si sir Dash.
“Khiaza, are you done reading?” Lumapit s'ya sa akin. Natulala ako sa tangkad n'ya. Hindi ko mawari kung ano ang mayroon sa mga singkit n'yang mga mata, ngunit napakakalma nila. “By the way, I'll take you home. You will see my mother there. Don't worry; I have no bad intentions towards you. All I want is someone who can take care of my mother and who has a lot of patience.”
I bowed. “Yes, Dash. Tapos na po akong magbasa. Huwag din po kayong mag-alala, sir... I mean Dash, kakayanin ko po kung ano man ang trabaho.”
“You don't need to worry about your salary. I will pay for all your efforts.”
“Noted, Dash,” bahagya akong ngumiti sa kanya. Pero nag-nod lamang s'ya.
“Let's go.” Nagsimula na s'yang maglakad. Dali-dali akong sumunod sa kanya.
Kasalukuyan kaming naglalakad. Papalapit na kami sa entrance.
Walang empleyado o kahit sinumang tao ang hindi tumitingin kay sir Dash. Hindi na rin ako magtataka dahil guwapo s'ya at elegante tingnan. Nakakatuwa ang isang katulad n'ya, na successful sa buhay. At pakiramdam ko naman ay mabait s'ya.