16

1137 Words
Hinatid ako ni ninong sa bahay. Tumakbo ako papunta sa kwarto. Hinalughog ko lahat ng laman ng cabinet namin ni Sav para hanapin ang mga pictures namin. Mayroon namang mga picture frame na naka-display sa kwarto pero hindi pa 'yun sapat. Gusto kong makita ang mukha ni Sav kahit na sa litrato lang. Nahanap ko ang lahat ng pictures. Lahat ng pictures ay niyayakap ko at hinahalikan. Ngunit kahit na nasasaktan ako ay walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Nandidilim ang paningin ko. Gusto ko na ring mamatay. Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng malakas na hangin. Bigla kong naisip na mali ang pagkitil sa sariling buhay. “Khia, inaanak! Nandyan ka ba? Nandito na ako!” Nagmadali akong lumabas sa kwarto. Tumakbo ako pababa sa hagdan. Nang makarating ako sa pinto ay mabilis ko itong binuksan. “N-ninong...” Nakita ko si ninong na yakap ang isang grey urn. Napayuko ako. Gusto kong pagsarhan ng pinto si ninong dahil hindi ko matanggap. “Khia, ang sabi ng superior ni Sav ay dapat ay do'n sa lugar nila iburol si Sav dahil para mabigyan s'ya ng karangalan sa pagbuwis n'ya ng buhay para sa kaligtasan ng bansa.” “Hanggang kailangan ba sila magiging selfish, ninong? Patay na 'yung asawa ko 'di ba? Ano pa ba ang gusto nila? Sa akin s'ya, ninong! Sa akin.” Nakita ko na na-disappoint si ninong sa sagot ko. “Khia, ano ang nangyayari sayo? Ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo, pero kilala kita, hindi ka ganyan.” “Sobra akong nasasaktan, ninong, kung alam mo lang.” “Oo, tama ka. I'm sorry, dapat ay mas intindihin kita. Huwag kang mag-aalala, nabigyan naman kanina ng nararapat na pagkilala ang asawa mo.” Itinapat n'ya sa akin ang urn. “Ito na s'ya.” Natulala ako. Ramdam ko na unti-unti nang lumalabas ang mga luha ko. At sa bawat pagpatak ng luha ko ay sumasakit ang mga mata ko sa bigat ng mga ito. Umiling ako. “H-hindi ko kaya, ninong.” “Kayanin mo, Khia. Hindi p'wede na hindi.” “B-baka mabitawan ko, ninong. P'wede bang pasuyo na ilagay n'yo ang urn do'n sa lamesa.” Tumango s'ya ng mabilis. “Maiwan na kita, Khia. Ipangako mo sa akin na kakapit ka ha kahit na anong sakit ang nararamdaman mo ngayon.” Hindi ako sumagot. Nakatulala lang ako sa urn ni Sav. Lumabas na si ninong. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko para mahawakan ang urn ni Sav. Pero mabilis kong binawi. “Hindi... Ayaw ko. Bakit hindi ko kaya?” “Sav... Bakit naman umuwi ka na ganyan na? Hindi sa sinisisi kita, kasalanan 'to ng mga terorista na 'yun! Pero sana 'no, nakalaban ka pa. Alam ko kasi na malakas ka at magaling. Sav, bakit kaya ganu'n? Hindi ko maintindihan, Sav! Mababaliw ako.” “Sav... Bakit hindi ka sumasagot?” nalulumbay na tanong ko kahit na alam ko ang katotohanan na patay na s'ya at hinding-hindi na babalik. “Sana pala ay hindi na kita pinaalis 'no, Sav? Bago ka kasi umalis, mayroon akong masama na panaginip. Pero hindi ko 'yun nasabi sayo. Akala ko kasi'y kabaliktaran ang panaginip. I'm so sorry. Sana ay hindi ka na lang umalis. Sana... Hanggang sana na lang.” “Sav, ayaw ko pang i-let go ka! Ikaw 'yung pinakamabait na lalaki na nakilala ko. Alam na alam mo 'yan. Alam mo ba na sa tuwing inaalagaan mo ako ay ayaw ko ng matapos 'yun.” “Napakahaba ng pasensya mo, Sav. Iniintindi at inuunawa mo ako palagi.” “Tinatrato mo ako Sav na parang prinsesa. 'Di ba nga, Sav, never mo akong sinigawan? 'Di ba nga, Sav, kapag nagagalit ka sa akin kasi sobra na ako ay kinakausap mo ako ng mahinahon? Alam na alam mo 'yan Sav kasi ang soft ng trato mo sa akin. Kaya sabihin mo sa akin, paano ako mabubuhay ng wala ka?” “Hindi pa naman kasi ako handa... Kahit na alam ko na mamamatay ka dahil d'yan sa trabaho mo. Pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na magaling ka kasi totoo naman.” “Sav, p'wede bang bumalik ka na lang? P'wede ba?” “Sav, wala ba talagang paraan para bumalik ka? Mababaliw na ako.” “Ayaw kong isipin na wala ka na, Sav. Ayaw ko.” “Gusto kong hawakan ang urn mo. Pero ayaw ko... Hindi ko matanggap. Ayaw ko pa. Dapat nandito ka pa.” “Sav, magkakaroon pa tayo ng mga anak 'di ba? Marami pa tayong pangarap para sa isat-isa.” “Hindi ka napagod sa akin, hindi sa hindi mo na ako mahal, pero namatay ka... Dahilan para hindi na tayo magsama pa.” “Kung mamamatay ka lang din pala Sav, na hindi na talaga natin matutuloy itong pagmamahalan natin, bakit hindi na lang tayo sabay na namatay?” Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Ngayon ay kahit na pinupunasan ko ay kamay ko na ang nagiging basa dahil hindi kaya ng kamay ko na punasan lang ang mga luha kong pilit na kumakawala. “Sav, paano ako makaka-move on kung ang puso ko ay sanay na sanay na nandyan ka? Na kahit malayo ka, sanay na sanay pa rin itong hintayin ka. Paano kita makakalimutan kung ikaw ang pinaka naging mabuti sa akin? Paano?” Lumuhod ako sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang urn ni Sav. Muli na namang naninikip ang dibdib ko. Hinahawakan ko na lamang at medyo sinusuntok ang dibdib ko para malabanan ko ang pagsikip nito. Hinahabol ko na ang paghinga ko. Sobra na akong nahihirapan. Pero pinipilit kong huminga ng dahan-dahan para kahit papaano ay kumalma ako. Hindi ko makakalimutan na sobra kitang minahal, Sav. Napahiga ako dahil hindi na kaya ng katawan ko. At mas lalong sumikip ang dibdib ko. Mamamatay na ba ako? Sinubukan kong gumapang, pero nahihirapan ako. Pero gumapang ulit ako. Pupunta ako sa kusina, dapat akong makainom ng tubig. Kahit na mahirap ay pipilitin ko. Kasalukuyan akong gumagapang. Pakiramdam ko ay kaunti na lang... Kaunti na lang ay mawawalan na ako ng hangin. Parang hindi ko na kayang lumaban. Muli kong sinuntok ang dibdib ko. Hindi ko na kaya ang pagsikip nito. Gusto ko ng pumikit. Pero malapit na ako sa tabi ng lamesa. Kaya ko ito. Kasalukuyan na akong nasa gilid ng lamesa. Kailangan kong tumayo. Tatayo na sana ako pero hindi ko kaya. Mas sumikip ang dibdib ko. Nawalan na ako ng pag-asa. Kapag pumikit ako, alam kong wala na. Nagulat ako nang biglang mahulog ang bottled water na nasa gilid ng lamesa. Labis ang pagtataka ko. Pero mabilis ko itong binuksan. Nang makainom ako ng tubig ay gumaan ang pakiramdam ko. Ang kailangan kong gawin ay pakalmahin ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD