Makalipas ang isang linggo.
“Inaanak, ano ka ba! Pasensya ka na ha, kung nasigawan kita pero... Paano ka makaka-survive kung hindi ka kumakain?”
“N-ninong, i-isang l-linggo n-na p-po ang nakalipas. P-pero... W-wala pa rin tayong balita kay S-Sav,” nanghihina na bulong ko.
“Nawawalan ka na ba ng pag-asa, Khia?! Hindi na ikaw 'yung Khia na kilala ko! Kung ikaw ay nag-aalala, sana ay isipin mo na nag-aalala rin ako para sayo dahil hindi ka kumakain!”
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Gusto kong isumbat kay ninong o itanong sa kanya kung kakayanin n'ya ba ang nararamdaman ko pero wala akong balak na sabihin 'yun dahil alam kong toxic 'yun. Parehas lang kaming nag-aalala and tama naman s'ya na concern lang s'ya sa akin. Pero iba pa rin 'yung pain na nararamdaman ko. Para na akong mababaliw, para ng sasabog ang utak ko, at para ng mababasag sa pinakamaliliit na kapiraso ang puso ko.
“Kakain na po ako ninong. Salamat.” Sinimulan ko ng galawin ang mga pagkain na nasa harapan ko. Kailangan ko nga palang maging malakas.
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko at hinugasan ko na rin. Nahihiya ako kay ninong at sa asawa n'ya sa pag-stay ko sa bahay nila pero kinakapalan ko na lamang ang mukha ko. Mabuti na lamang dahil inaasikaso rin ako ng asawa ni ninong.
Napatakbo kaming tatlo malapit sa tv nang marinig namin na mayroon na raw balita sa mga sundalo na dinakip ng mga terorista.
Gumuho ang buong mundo ko nang marinig ko na ang mga sundalo raw na kabilang sa mga dinakip ay sinunog ng buhay ng mga terorista.
“N-ninong... Hindi! Ninong!” Binalot ng pighati, puot, at matinding sakit ang aking puso. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi totoo ang mga narinig ko. Hindi.
Hindi!
Hindi ako makaiyak. Ganito pala ang mas masakit, ang hindi maiyak, lalo na't wala ng luha ang lumalabas sa mga mata ko. Ganito pala 'yun. Ganito pala kasakit 'yun. Ganito pala. Hindi ko na kinakaya.
**
“Khia! Gumising ka! Lumaban ka!” sunod-sunod na narinig ko. Pero hindi ako makagalaw. Namamanhid ang buong katawan ko. At naninikip ang dibdib ko.
Makalipas ang isang araw.
“Khia, good morning,” bumungad sa akin ang mukha ng asawa ng aking ninong.
“Tita, nasaan po ako?”
“Nasa hospital ka, 'nak, kumusta na ang pakiramdam mo? Dinala ka namin dito sa hospital dahil biglang nangitim ang buong katawan mo. Ang sabi ng ninong mo ay bala naninikip ang dibdib mo. Magpahinga ka na muna.”
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil kumirot. “T-tita... Where's Sav? T-tita...”
Umiling si tita. Pinipigilan n'ya na umiyak. “Wala na s'ya. Iuuwi raw ang mga namatay bukas. But Khia... I'm so sorry to tell you that... Asahan mo ng abo na lamang ang iyong asawa.”
Umiling ako nang umiling na kulang nalang ay mabali ang leeg ko. “T-tita, no! Tita, nagpapatawa ka ba?”
Tumulo rin ang luha n'ya.
Dumating si ninong. Nagmamadali s'yang lumapit sa akin.
“Khia! Gising ka na pala.” Hinawakan n'ya ang noo ko.
“N-ninong... Where's Sav? Ang asawa ko ninong... Napaginipan ko s'ya. Ang sabi n'ya ay babalik s'ya sa akin.”
Yumuko si ninong.
“N-ninong... Please don't tell me na abo na lamang s'ya na uuwi rito. N-ninong, 'di ba hindi 'yun totoo? Ninong, ninong, ninong, tulungan mo ako, ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na po kaya ang kirot nito! Ninong!!” Pilit akong umupo sa kama. Halos mabali na ang mga kamay ni ninong kakahila ko.
“I'm so sorry, inaanak. Sorry.” Lumuhod s'ya sa harapan ko. Gumagalaw na ang balikat n'ya na ang kahulugan ay umiiyak na rin s'ya. Nakaramdam ako ng matinding awa kay ninong.
“Ninong... I'm so sorry too. Tumayo po kayo d'yan please.”
Sinuntok ko nang sinuntok ang dibdib ko dahil nahihirapan na naman akong huminga.
“Hon, si Khia! Nahihirapan na namang huminga!” hindi mapakali na sigaw ni tita.
“Tumawag ka ng doctor, dali!”
Wala ng maramdaman ang buong katawan ko. Pero hindi pa rin matatalo ng pamamanhid ang puso ko dahil naninikip ito. Mamamatay na ba ako? Susunod na ba ako kay Sav?
“Khia! Makinig ka sa akin, lumaban ka! Hindi gugustuhin ni Sav na makita kang ganyan. Please Khia, labanan mo! Kailangan mong makahinga ng maayos! Kailangan mong mabuhay! At kailangan mong magpatuloy! Kung nandito man ang kaluluwa ni Sav, labis s'yang mag-aalala sa'yo.” Niyakap ni ninong ang kamay ko.
Tumulo ang mga luha ko. Dumidilim na ang paningin ko.
**
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nang maramdaman ko na nakahiga ako sa kama ay tumulo ang mga luha ko. Buhay ako. Pero si Sav... Patay na s'ya.
Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa taas.
Paano na ako? Ano na ang magiging buhay ko? Magiging masaya pa ba ako? Kaya ko pa ba? Kakayanin ko ba?
Bakit ang bilis n'yang mawala? Marami pa kaya s'yang pangarap sa bansa. Matalinong tao 'yun, si Sav ko. Nag-aral 'yun ng ilang taon para sa mahirap na trabaho n'ya. Isa s'yang selfless na tao. Pero bakit? Bakit kailangan n'ya pang mawala?
Bigla kong naalala ang lahat ng memories namin. Lalo na kung paano n'ya ako tratuhin.
Bilang isang tao, ang kinatatakutan ko ay kamatayan. Bakit pa kailangan na mamatay ang isang tao? Pero kung ako ang tatanungin, hindi siguro ako matatakot sa kamatayan kung ako ang mauunang mamatay keysa sa mga mahal ko.
“Khia... Gising ka na pala. Magpahinga ka na muna ha please,” Umupo si ninong sa tabi ko.
Umupo ako. “Gusto ko na pong umuwi.”
“Ha? Saan? Sa bahay n'yo?”
“Opo.”
“Pero Khia, hihintayin pa natin ang ab-... Ang a-ano ni Sav... 'Di ba?”
“P'wede po ba na kayo na lang ang kumuha ng urn n'ya?”
“Sigurado ka ba, Khia? Baka kung ano ang mangyari sayo sa bahay n'yo.”
Huminga ako ng malalim.
“Okay, Khia. Ako na ang bahala.”
“Hindi ko po kasi kaya na salubungin s'ya na nasa urn na. Hindi ko po kaya. Akala ko kasi ay sasalubungin ko s'ya ng nakangiti sa pag-uwi n'ya. Hindi ko naman po akalain na abo na. Mahirap, ninong at masakit. Para bang binubutas ang lalamunan ko sa tuwing magsasalita ako patungkol sa kanya.”
Yumuko si ninong. “Naiintindihan ko.”