Magkasunod lamang ang kotse namin ni Dash na dumating sa tapat ng condo. Kahit na alam ko na mabilis s'yang magmaneho, hinihintay n'ya pa rin ako, nananatili s'ya sa likod ko. Ang sweet. Nauna akong bumaba sa kotse. Maya-maya'y nasa tabi ko na s'ya. “Khiaza, the mushroom...” “Uhm?” medyo nahihiya na response ko. “K-Khiaza, g-gusto ko sanang hingiin ang permiso mo na... Na l-ligawan ka.” Tumawa ako. Pero hindi para ipahiya s'ya kundi para iparamdam sa kanya na ako lang 'to. Ang kaibigan n'ya. ”Bakit nanginginig ka?” Umiwas s'ya ng tingin. “Ikaw kasi si Khiaza.” “Ano bang meron sa 'kin? Matagal na tayong magkakilala 'no.” Ang arte ko. “Hindi lang ikaw si Khiaza Halrin na kilala ko. Ikaw si Khiaza na noong una kong makita, kinabahan ako. 'Yung klase ng kaba na hindi ko maipaliwan

