Makalipas ang isang linggo. Nakaabang ako sa labas ng kompanya nila Dash. Sa ilang araw na pag-iisip ko, nakita ko na ang totoong liwanag. Napaisip man ako ng matagal, alam ko naman na hinding-hindi ako magsisisi. Kumaway ako nang makita ko na lumabas si Dash. Inayos n'ya ang transparent eyeglasses n'ya para siguro mas makita ako. “Khiaza!” Nagmadali s'yang tumakbo papalapit sa akin. Ako na sana ang tatakbo papunta sa kanya pero hindi ko inaasahan ang pagtakbo n'ya. “D-Dash...” Inilagay ko sa likod ko ang mga kamay ko. Iniipit ko ang ngiti ko. “Mayroon din sana akong gustong sabihin sa 'yo.” “Ano po 'yun, Khiaza?” “Dash, mahal din kita.” Humarap ako sa kaliwa. Hindi ko kaya na humarap sa kanya. “Ang saya-saya ko nang malaman ko ang totoo, Dash. Dash, siguro... May panahon pa naman p

