Kinaumagahan.
Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal namin ni Savrioz. Inagahan ko talaga ang aking gising dahil sigurado ako na aagahan n'ya rin para ipagluto ako ng aming breakfast. Pero mas gusto ko na ako ang nagsisilbi sa kanya kahit hindi n'ya sabihin.
Ipinatong ko na ang mga niluto ko sa lamesa.
Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na music.
At nang pumunta ako sa living room ay bigla akong natawa dahil nakita ko na sumasayaw si Sav. Iyung klase ng sayaw na nakakatawa.
“Hey, Sav, umagang-umaga, napaka-cute mo dyan.”
“Halika, Khia, magsayaw tayo dali!” Umabante s'ya para makalapit sa akin habang nagsasayaw. Nang mahawakan n'ya ang kamay ko ay mabilis n'ya akong niyakap. “Mahal na mahal kita, Khia.”
Para bang kinuryente ako sa saya na aking nararamdaman.
Hanggang sa tumigil ang music. Napalitan ito ng mahinahon na kanta, isang kanta na maaari kaming magsayaw ng slow dance.
“Nahihiya pa rin ako sayo, Khia,” natatawang bulong n'ya.
“Ha? Saan po?”
“Sa tuwing itatanong ko sayo 'to.” Hinawakan n'ya ang isang kamay ko.
“Ang alin, Sav?”
“Khia... P'wede ba kitang isayaw ng dahan-dahan? Hanggang sa mag-connect ang ating mga puso sa sobrang lapit natin sa isat-isa...”
Pinalo ko ang braso n'ya at napahalakhak ako. “Para ka namang bago, mister ko!”
Hinawakan n'ya ang ilang buhok ko na nakakalat sa mukha ko. Ang ilang buhok na 'yun ay ipinatong n'ya sa tainga ko. “Napakaganda mo, Khia. Mayroon ka mang makeup o wala, napakaganda mo. Blessing ka sa buhay ko, aking anghel.”
Mabilis ko syang niyakap. “Hey, oo, p'wede mo akong maisayaw. I love you!”
“I love you more, my Khia!” Humiwalay s'ya sa akin. Hinawakan n'ya ang isang kamay ko sabay ang isa nyang kamay ay inilagay n'ya sa beywang ko.
Habang kami ay nagsasayaw ay hindi maalis ang aming pagtitig sa isat-isa. Hindi namin maiwasan na mapangiti sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Wala pa ring nagbabago sa kilig na nararamdaman ko sa kanya.
“Uhm... Sav... Kung dumating man ang araw na mawala na ang kilig na nararamdaman mo para sa akin, ako pa rin ba ang gusto mong makasama habambuhay?”
Bumuntonghininga s'ya, “Opo, Khia! Alam ko naman kasi na dadating tayo sa punto na ganu'n, na mayroong mga mangyayari sa ilan pang taon nating pagsasama na magca-cause na mapapagod ka sa akin o ako sayo. Pero ang mahalaga, humahanap pa rin tayo ng maraming dahilan para manatili sa isat-isa.”
“Sav... Thanks,” hindi ko alam pero naging sobrang emotional ako.
“Hey, huwag kang magpasalamat, ganda. Deserve mo lahat ng ginagawa ko sayo. Ako ang dapat magpasalamat sayo kasi 'yung lawak ng pasensya mo at pag-unawa sa akin ay walang kapantay.”
Humikbi ako. Sumandal ako sa dibdib n'ya. “Sav, huwag mo akong iiwan ha? Sayo na ako comfortable at sayo ko na ibinigay lahat.”
“Hindi kita iiwan, Khia. Alam ko sa sarili ko na ikaw na hanggang huli. Pasensya ka na kung marami akong pagkukulang sayo.”
“Sav...” Kinagat ko ng mahina ang braso n'ya. “I love you so much. 'Yang mga pagkukulang natin sa isat-isa, pipilitin nating balikan para punuin.”
“I love you more, ganda. Halika na, kumain na tayo, susubuan kita.” Humiwalay s'ya sa akin. Hinawakan n'ya ang kaliwang kamay ko.
Pumunta kami sa dining area. Inayos n'ya ang upuan para makaupo ako.
“Khia, susubuan kita ha.”
“Eh, huwag na, Sav. Kaya ko naman po.”
“I know. Pero gusto ko kasi na pagsilbihan ka. Alam mo naman, kapag umalis ako ay ilang buwan akong mawawala. Nakakatawa nga, pero habang nasa camp ako, ang palagi kong iniisip ay ang umuwi dahil gusto kong ako ang magsubo sayo ng mga pagkain. Nakakaiyak na wala ka sa tabi ko, pero kailangan kong magtrabaho para sa future natin.”
Hinawakan ko ang pisnge n'ya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. “I love you.”
**
Hapon na. Pero hindi pa rin ako umaalis sa bintana. Hinihintay ko kasi si Sav. Ang sabi n'ya sa akin ay bibili lang s'ya ng ulam pero hanggang ngayon ay wala pa rin s'ya.
Hindi ko alam pero nandito pa rin 'yung kirot na nararamdaman ko sa tuwing umaalis s'ya. Hindi ko mapigilan na mag-alala kahit na alam na alam ko na isa s'ya sa pinakamagaling na sundalo sa aming bansa. Sa katunayan ay marami na s'yang parangal na nakuha, hindi lang sa kanyang taglay na galing kundi sa kanyang pagiging tapat sa serbisyo.
Pupunta na sana ako sa pinto ngunit natanaw ko sya na mayroong dala na higanting bouquet of flowers. 'Yung bouquet ay parang magiging kasing laki ko na.
Hindi ko napigilan na mapangiti. Aksidente ko pang nakagat ang aking labi dahil sa kilig na parang sumasakop sa buong puso ko.
Tumakbo ako papunta sa pinto para abangan s'ya.
“Hey, Sav! Ano 'yan?” kunwaring walang alam na tanong ko. Pero ang totoo ay kinikiliti na ang buong katawan ko.
“Wala ito, itatanim ko sa likod,” biro n'ya. Kunwari akong umirap.
“Ewan ko sayo, Sav.” Tatalikod na sana ako pero bigla n'ya akong niyakap.
“Khia, tanggapin mo sana itong dala ko. Para sayo ito. Pasensya ka na kung natagalan ako ha.”
Dahan-dahan akong tumingin sa mga bulaklak na red roses. Gusto kong tumalon sa sobrang saya at gusto kong suntukin s'ya ngunit pinipigilan ko ang aking sarili.
Tinanggap ko ang bouquet. Inamoy ko ang mga bulaklak. Hindi ko namalayan na bigla akong napapikit. Napakasarap ng ganitong pakiramdam.
“I love you, Khia. Nagustuhan mo ba?”
Tumulo ang aking luha, “Malamang!” kunwaring naiinis na sagot ko. Pero bigla ko s'yang niyakap.
“Khia, shh, don't cry. Deserve mo 'yang mga bulaklak na iyan. I love you, my wife. Pasensya ka na kung 'yan lang muna ang kaya kong ibigay.”
“Sav, napakalaki na ng binigay mong 'to para sa akin. Hindi mo alam na 'yung puso ko ay tumatalon sa sobrang saya. Nakakainis ka! Kinikilig talaga ako. Salamat ha!”
Hinimas n'ya ang pisnge ko. “Hindi ako mapapagod na pasayahin ka, Khia ko. Tara, mag-picture tayo para mas marami tayong mabalikan na memories natin kapag wala tayong magawa. Smile ha, in one, two, three.”
Halos umabot sa aking tainga ang aking ngiti. Hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay ang saya na nararamdaman ko ngayon.