6

1073 Words
4 PM. “Khiaza, nasaan pala ang ating fortable chairs at isang table?” tanong ni Savrioz habang nakahiga sa lap ko. Nanunuod kami sa tv. “Nasa kwarto natin, Sav. Bakit?” “Tara pumunta tayo sa ilog. Dyan lang naman ang ilog malapit sa ating likuran. Kaunting lakad lang ay nandoon na tayo. Ano, game ka?” Kinurot ko ang pisnge n'ya. “Hey, sure ka ba? Baka kasi gusto mong matulog.” “Gusto kong pumunta ro'n, Khia. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Oo, nakakalanghap ako ng sariwang hangin sa gubat kung saan ako nagtatrabaho, pero iba pa rin kapag kasama kita na makalanghap ng sariwang hangin.” Tumawa ako ng malakas at pinalo ko ang braso n'ya. “Ikaw talaga. Tara na! Tumayo ka na dyan.” “Ay, wait, Khia, magluluto ako ng ham, hotdog, at egg para dadalhin natin sa ilog.” “Wow, ang sarap! Hmm, ako naman ay ihahanda ko ang mga prutas na dadalhin natin. Gosh, excited na ako!” Dali-dali akong pumunta sa kusina. ** Nakaupo kaming mag-asawa sa dalawang itim na folded na upuan. Kasalukuyan naming pinagmamasdan ang kalmadong ilog. Ina-appreciate namin kung gaano kaganda ang nature. Sa kabilang side kasi ay mayroong maliit na talon na umaagos ang tubig. Hinawakan ni Sav ang aking kamay. “Khia, kung ako lang ang tatanungin, ayaw ko ng iwan ka. Ayaw ko na iniiwan kita ng mag-isa. I'm so sorry... Na sa kabila ng kagustuhan kong maglingkod sa ating bansa ay ang pag-iwan ko sayo ng mag-isa. Alam kong responsibilidad ko bilang partner mo na samahan ka palagi... I'm so sorry.” Hinimas ko ang kamay n'ya at ngumiti ako ng matamis. “Shh, okay lang, Sav. Wala akong problema sa paglilingkod mo sa ating bansa. Oo, tao rin ako na nakakaramdam ng sakit at labis na pag-aalala lalo na kapag umaalis ka... Pero kailangan kong tanggapin na kailangan mong maging malaya. At kailangan ka ng ating bansa.” Nakita ko na mayroong tumulong luha sa mga mata ni Sav. Aaminin ko, nanikip ang dibdib ko sa aking nasaksihan at kumirot ang puso ko. “Thank you, Khia. Dalawang taon pa lamang tayo bilang mag-asawa, ngunit sa dalawang taon na iyon ay ilang araw pa lamang kitang nakakasama. Salamat sa palaging paghihintay sa akin... Kahit na walang kasiguraduhan ang aking pagbalik.” Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng aking luha, “Hindi madali ang ating relasyon, ngunit kakayanin natin, Sav. Kakayanin natin ha.” “Yes, Khia... Uhm, Khia...” “Yes, Sav?” “Hmm, alam kong gusto mo ng magkaroon tayo ng anak... Kahit ako ay gustong-gusto ko na rin. Pero Khia pasensya ka na dahil wala pa tayong sapat na ipon. Pero malapit ng mapuno ang aking ipon, Khia.” “Hey, Sav, okay lang po. Ako rin naman po 'di ba? Mayroon ng ipon. Pero kasi, hindi pa rin tayo handa sa responsibilidad. Alam natin parehas na ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking responsibilidad. Dapat paglabas ng anak natin ay handa tayo na hubugin s'ya sa alam nating magiging mabuting tao s'ya.” “Naiintindihan ko, Khia. Tsaka ayaw ko rin na maiwan ko kayong dalawa. Kailangan ay maging mas mabuti pa akong tao, kailangan ko lang mag-adjust at ganu'n ka rin... Kasi sa kabila ng lahat, alam nating dalawa na ayaw nating maging katulad tayo ng mga taong naging cause ng ating trauma. Kailangan nating basagin ang nakasanayan na 'yun.” “Naniniwala ako sa ating dalawa, Sav. Naniniwala ako.” Tumayo si Sav sa kanyang kinauupuan. Pumunta s'ya sa harapan ko sabay hinalikan n'ya ang aking noo. “I love you so so much, Khiaza. Ikaw ang aking buhay.” “Uhm, Khia, ano ang gusto mong kainin? Susubuan kita.” “Hoy, ikaw talaga, huwag na, kaya ko naman eh.” Pumunta s'ya sa table. Kumuha s'ya ng isang paper plate at kutsara. “Alam kong gusto mo ng hotdog. 'Di ba nga'y paborito mo ang hotdog.” Pakiramdam ko ay mayroong ibang meaning ang kanyang pagkakasabi dahil kumindat s'ya sa akin. Humalakhak lamang ako. “Sav, kain ka ng mangga dyan oh, hinog 'yan. And matamis pa. Para sayo lahat ng 'yan.” “Talaga, Khia ko? Mamaya ko na kakainin 'yan. Susubuan muna kita ng hotdog.” Ngumuso s'ya sa akin habang papalapit s'ya. Mas inilapit n'ya ang kanyang upuan sa aking upuan. “Say ah, Khia.” Hinampas ko ang braso n'ya. “Hey!” Tumawa s'ya. Para bang tumigil ang mundo ko sa pagtawa n'ya, napakaganda kasing pagmasdan. Kung mayroong camera ang aking mga mata, panigurado na hindi mabubura ang kanyang mga pagtawa at pag ngiti. Ngumanga ako nang itapat n'ya ang hotdog sa bibig ko. Hindi ko alam pero, gusto kong umiyak dahil sa saya na nararamdaman ko. Sa kanya ko lamang naramdaman na safe ako, kasi una palang, alam ko na hindi n'ya ako sasaktan. “Sav, mayroon akong tanong.” “Ano 'yun, Khia?” “Dati ba, noong bago pa lamang tayo as married couple, na sobrang tigas ng ulo ko at makulit ako, at nakakainis talaga minsan... Bakit hindi mo ako magawang sigawan?” Tumitig s'ya sa mga mata ko, “Kasi... Sa totoo lang, oo, naiinis talaga ako and for me, normal lang naman na maramdaman 'yun ng tao. Pero kasi... Pinalaki ako ng tama ng nag-alaga sa akin na lola ko eh. Pero syempre unfair din talaga ang buhay dahil nasaksihan ko rin kung paano sigawan ng aking lolo ang aking lola na hindi naman bingi ang aking lola pero kung sigawan n'ya ay para bang wala itong naririnig. Masakit para sa akin 'yun. At habang lumalaki ako, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magiging ganu'n. But yeah, mahirap lagpasan 'yun kasi alam mo na mayroon din akong ugali na hindi ganu'n kaganda.” Tumayo ako. Niyakap ko s'ya ng mahigpit. “Pareho talaga tayong nag-a-adjust noon 'no, noong mga bata pa tayo. Mahirap pala talagang lumaki sa ganu'ng setup ng buhay. Ang mahalaga rin talaga, tayo ay natuto, hindi tayo nagpadala sa mga ganu'ng klase ng ugali. I love you, Savrioz. Kung paano mo alagaan at respetuhin ang ating bansa ay ganu'n na ganu'n ka rin sa akin na asawa mo kahit na hindi ko naman hiniling sayo.” Dahan-dahan nyang inilapit ang kanyang labi sa aking pisnge, dahilan para mapangiti ako ng matamis. Hinalikan n'ya ang aking pisnge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD