5

1055 Words
Kinaumagahan. Nagising ako sa masarap na amoy na nagmumula sa aming kusina. Napangiti ako dahil alam kong pinagluto ako ng aking mister. Umupo ako sa kama. Inunat ko ang aking mga kamay. Tatayo na sana ako ngunit biglang sumakit ang aking katawan. Napangiti na lamang ako dahil alam ko ang dahilan kung bakit masakit ang aking katawan. Ngunit nabago ang aking mood nang may marinig akong sumigaw. “Hoy! Kayo dyan! Lahat ng kapitbahay ko dyan! Sino ang matapang sa inyo dyan? Lumabas kayo dyan!” sigaw ng isang lalaking lasing. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng matinding takot kaya bigla akong tumakbo papunta sa sulok ng aming kwarto. Tinakpan ko ang aking tainga. Nagsimula ng manginig ang aking buong katawan. Patuloy pa rin sa pagsigaw ang lalaking lasing. Kaya hindi ko alam kung paano ako sisiksik sa sulok na para bang gusto ko na lamang na dumikit sa pader upang hindi ko marinig ang kanyang sigaw. Hindi ko na nakayanan ang takot kaya isinigaw ko ang pangalan ni Savrioz. Hanggang sa nakita ko na bumukas ang pinto at may mabilis na tao na tumakbo papalapit sa akin. Hindi ko na sya makita dahil blurry na ang aking paningin dahil napaiyak na ako. “Khiaza, nandito na ako. Khiaza, alam kong natatakot ka. Khiaza ko, makinig ka sa akin, nandito na ako ha. Hindi ko hahayaan na mayroong manakit sayo.” Niyakap ako ng mahigpit ni Savrioz. Mas lalong lumakas ang aking pag-iyak nang marinig ko na nagwawala na ang lalaking lasing. “Khiaza... I'm so sorry...” naiiyak na bulong ni Savrioz, “hindi sya ang tatay mo... Pero go, valid naman na matakot ka. Pero nandito lang ako, Khiaza. Hindi ko hahayaan na masaktan ka n'ya.” Mas lalo akong naiyak at nanginig ang buong katawan ko nang marinig ko ang salitang tatay. Biglang sumagi sa aking isipan ang trauma na ibinigay sa akin ng aking ama noong ako'y bata pa at habang nasa piling n'ya pa ako. Umuuwi kasi noon ang aking ama na lasing na lasing, sumisigaw s'ya pag-uwi n'ya sa bahay, galit na galit s'ya kahit wala kaming ginagawa ni nanay. Hanggang sa nauuwi sa pananakit ang kalasingan n'ya sa aking ina at sa akin na kanyang anak. Patay na ang aking tatay, ngunit ang trauma na naiwan n'ya sa akin ay buhay na buhay pa. Sa tuwing nalalasing s'ya, iba 'yung takot na nararamdaman ko, na kahit yata uminom pa lang s'ya ng isang basong alak ay grabe na ang panginginig ko. S'ya ay sumasaya sa tuwing s'ya ay nakakainom, ngunit ako at ang aking ina ay labis na nagdurusa ng dahil sa kasiyahan n'ya. Patay na rin ang aking ina. Kaya ako ay labis na nagpapasalamat sa Diyos sapagkat mayroon akong asawa na katuwang ko sa buhay. Hindi ko alam kung kailan mawawala ang aking trauma. Siguro ay kaya ko pang tiisin kung ako ang kanyang sinasaktan, ngunit ang makita ko na halos mamatay ang aking ina sa kanyang pananakit, iyon ang hindi ko kinakaya noon at hanggang ngayon. “Khiaza, wait, aawatin ko lamang ang lalaking lasing. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko lamang s'ya ng mahinahon. Dito ka lamang ha. Babalikan kita agad. Hindi ko hahayaan na mayroong manakit sayo.” Hinalikan n'ya ako sa noo. “Pasensya ka na kung hindi pa tayo makalipat sa isang mas may seguridad na tahanan. Balang araw ay ititira rin kita sa isang maayos na village.” Tumango ako. Pinunasan naman n'ya ang aking luha. “Wait lang, Khiaza ha, babalik ako.” Hinimas n'ya ang aking pisnge. Mabuti na lamang dahil mayroon akong asawa na marunong umintindi at malawak ang pag-unawa. Hindi katulad ng aking ama, na sa tuwing nakakaramdam o inaatake ng trauma ang aking ina, ang palagi nyang sinasabi ay madrama ang aking ina. Na nasa bahay lamang daw ang aking ina pero nagkakaroon pa ng problema, na s'ya raw ang nagtatrabaho sa labas na mas dapat syang pinagsisilbihan at iginagalang. Wala namang problema doon ang aking ina, ngunit s'ya ay isang manipulative at ang tingin n'ya sa sarili n'ya ay palagi syang tama. Bumalik na si Savrioz. Iniupo n'ya ako sa kama. “Khiaza, okay na... Wala na.” “Salamat, Savrioz, salamat.” “Shh, valid 'yang nararamdaman mo.” Niyakap n'ya ako. “Gutom ka na ba, misis ko? Halika na po, kumain na po tayo. Gusto mo bang buhatin kita?” Bigla kong nasampal ang dibdib n'ya ng mahina dahil pinipigilan ko na maiyak. “Khiaza... Why? What's the problem?” “Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para magkaroon ako ng asawa na katulad mo, Savrioz.” Hinalikan n'ya ang noo ko. “We deserve each other, Khiaza. I know that I'm not a perfect husband, but I'm always trying my best. I know how hard it is for you to cope with your trauma, but I'm here. I'll always be with you, even when I'm in war.” Humagulhol ako. Hindi ko lubos maisip ang aking buhay kung wala s'ya. “I-I love you, Savrioz.” “I love you too, my Khiaza. Mas mahal na mahal na mahal kita.” Pinisil n'ya ang aking pisnge. “Halika na po, kumain na tayo.” ** Habang kumakain kami ay labis ang saya naming dalawa. Ngunit hindi mawala sa aking isipan na sa tuwing aalis s'ya sa bahay ay alam ko na ang ipinaglalaban n'ya ay ang buhay ng ibang tao, ang bansa, at lalo na ang kanyang buhay. Hindi ko maiwasan na mag-alala. Hindi ko maiwasan na masaktan sa katotohanan na ang asawa ko nga pala ay nagsisilbi sa aming bansa. Ngunit hindi ako selfish, ang kagustuhan n'ya ay mahal ko at tanggap na tanggap ko. Tapos na kaming kumain. Inagaw n'ya sa akin ang mga plato. “Khiaza, ako na ang maghuhugas. Prinsesa kita habang nandito ako. Dapat na pagsilbihan kita.” “Hey, Savrioz, salamat po. Pero alam ko naman na pagod ka rin sa trabaho mo doon. Oo, matagal kang wala, pero hindi ka naman nakahiga lang doon eh. Hayaan mo na pagsilbihan din kita.” Ngumiti s'ya. Hinawakan n'ya ang aking beywang gamit ang dalawa nyang kamay. “You're so cute, Khiaza. I love you so much.” Kinurot ko ang kanyang tagiliran dahil hindi ko maitatanggi ang labis na kilig na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD