Chapter 4

1079 Words
Elleina Michelle Fuentes's P.O.V "Ugggghhh!!!" Nagdududuwal na naman ako sa banyo namin. Isang araw na ang nakakalipas ng malaman kong buntis ako. Morning sickness. Ughh.. kailangan kayanin ko 'to para sa baby ko. Ay! Baby pala namin ni Christian. Pagkatapos ko magmoment sa banyo lumabas na ako at bumaba ng para kumain. *sniff*sniff* Bakit parang ang baho? "Nay?" tawag ko. Napatakip ako ng ilong. Nakakasuka naman yung amoy. Ano ba yon?. "Nay!" Sigaw ko. Lumabas si Inay galing kusina na may hawak na siyanse. "Oh bakit, 'nak?" tanong ni Inay. Napasimangot ako. "Nay, bakit ang baho? Ano ba yung niluluto niyo?" tanong ko. Natawa naman si Inay. "Nagluluto ako ng longganisa. Ayaw mo ba nun?" tanong ni Inay. Umiling ako. Ayoko nun. "Eh anung gusto mo ba?" tanong niya sakin. Nagisip ako. "Parang gusto ko po ng hotdog," sabi ko. Tumango si Inay pero nakangite siya. Anong nakakatuwa? "Anong nakakatuwa, Inay?" tanong ko. Umiling lang si Inay pero nakangite pa rin. "Wala lang, Nak! Naalala ko kasi ang sarili ko sayo nung pinagbubuntis kita," sabi ni Inay tapos pumasok ulit siya kusina. Nagpunta ako sa sala at doon naupo. Oo nga pala napag daanan din pala 'to ni Inay nung pinagbubuntis niya ako. At siya lang magisa ang bumuhay sa aming dalawa. Ano kaya kung sabihin ko kay Christian na buntis ako sa baby niya, tanggapin kaya niya? I guess not. Because di naman niya natatandaan na may nangyari samin eh atsaka sabi niya di siya makikipag ganun sa babae baka sa lalaki pwede pa. Okay lang na ako ang bumuhay sa baby namin. Kakayanin ko yun. Alang alang kay baby. maya-maya natapos na rin magluto si Inay. Ibinigay ni Inay kay tiya yung Longganisa na niluto niya kanina. Eto at kumakain kami ni Inay. "Nak, bakit mo tinatanggalan ng balat yung hotdog?" tanong ni Inay sakin. Tinatanggal ko kasi yung balat gusto ko lang kasi yung laman. "Wala, Nay. Ayoko lang yung balat kaya tinatanggal ko. Gusto ko lang yung loob," sabi ko tapos sabay kain nung hotdog. Natawa naman si Inay. "Alam mo, nung pinagbubuntis kita ayoko sa hotdog. As in Ayoko talaga. Di mo talaga ako mapapakain niyan," sabi ni Inay sabay tawa. Naging interesado ako sa topic namin. "Talaga, Nay? Ano pang ayaw mo nun, Nay?" tanong ko. Nagisip saglit si Inay. "Sa ulam kasi, ayoko ng seafood dati. Tapos sa gulay, ayoko ng pechay. Sa prutas naman ay ayoko ng avocado," sabi ni Inay. napatango naman ako. "Eh ano yung mga gusto nyong kinakain noon?" tanong ko ulit. Ngumiti si Inay. "Gustong-gusto ko yung ampalaya. Sabi nga ng tiya mo noon, baka daw lumaking bitter ang anak ko. Haha, pero tignan mo hindi ka naman bitter eh noh?" Tanong ni Inay na ikinatawa ko namna. Kinuwento niya kung anung nangyari sa kanya nung pinagbubuntis niya ako. Ginagawa daw niyang Midnight snack yung keso. Tapos kung anu-ano pa. Ako kaya, anong maikukwento ko sa anak ko kapag lumabas na siya at lumaki na siya? "Anak..." Pagtawag ni Inay sakin. Tumingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sakin. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya. "Bakit po, 'Nay?" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim bago siya magsalita. "Sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo, nak?" Oh... crap! Christian Stuart Miguel's P.O.V Nasa condo lang akesha at nagwawatch lang ng movies sa T.V. Nakakabored naman ditey. *Dingdong* Ay! Nagkabisita akesha! Hehe sino kaya itetch? Hmm... Naglakad na ako palapit sa pinto para buksan at nakita nasuka ako sa nakita ko. Ang Ex-boyfriend ko. "Hi, hon!" sabi niya. Umikot ang mga mata ko. Anung ginawa ng otokong itetch sa unit ko. "Oh, Kailangan mo?" tanong ko at nagcross arms. Ngumiti lang siya at hinawakan ang isang kamay ko. Gravity! Nasusuka akesha. Kung dati kinikilig pa aketch ngayon parang gusto kong sukahan fezlak niya. "Wala, namiss lang kita," sabi niya. Akmang hahalikan niya ako sa pisngi ng tinakpan ko fezlak niya. "Kung waley kang magawey sa buhay mo. Lubayan mo akesha! Go, go, mag fly away ka na!" sabi ko at sinaraduhan ko siya ng pintuan. Kaazar siya. Hmff. "Hon! Hon! Open this f*ck*ng door!" Sigaw niya sa labas. Waley akesha na pakialam sa kaniya magkakakatok siya magdamag waley dyosang katulad ko ang magbubukas sa kanya. Hmph. Teka, matawagan nga si lukresia Ella. Kinuha ko yung cellphone ko at dinaial ang number ni Ella. *kring*kring*kri-* Hello? "Baklita! Busy ka ba?" tanong ko. Ahh? hindi naman nasa- 'Hoy bakla! Pumunta ka nga dito sa bahay nila Elleina! May paguusapan tayo!' Rhea akin na yang cellphone ko. 'Che! Dyan ka nga lang! Wag kang magkikilos!' Taray! Si Rhea girl nagsususper cyan na ata! Anyare bey? Pumunta ako sa kwarto at naghahanap ng masusuot. "Anyare ba? Anong problem?" tanong ko ulit. 'Buntis si Elleina, Christian. Kaya pumunta ka dito.' Napatigil ako sa paghahanap ng damit na isusuot ko. Shontis si Ella girl? Sinong chipopo naman ang gumawa nun sa kanya? Halos kaming dalawa lang magkasama ah. Wala rin naman siyang jowabells. Elleina Michelle Fuentes's P.O.V Magkakaharap kaming tatlo. silang dalawa ay nakatingin sakin tapos ako nakatungo lang. "Shontis ka, girl? Whylalu di ko knoslift 'to?" tanong ni bakla. As if naman na sabihin ko na anak niya 'to. Di niya ata natatandaan na may nangyari sa amin eh. "Sino ang ama ng batang iyan, Elleina?" Mukhang galit si Rhea. Di ako nagsasalita. Di ko alam kung matutuwa ako o maiiyak eh. Matutuwa kasi di natatandaan ni bakla na may nagyari samin so di maapektuhan ang friendship namin at maiiyak dahil mahirap sabihin sa kanya at baka di niya tanggapin ang baby namin. "ELLEINA TINATANONG KITA!" Sigaw ni Rhea. Nagulat ako at the same time natakot ako. Napaiyak na tuloy ako lalo. "Rhea! Kalma ka nga! Nagka cryola na siya eh! Stop na! Nalulurkey akesha sayo eh!" Naratarantang sabi ni bakla. Tumayo si Bakla at lumapit sakin at umupo sa harap ko. Napayuko ulit ako. Di ko siya kayang tignan ng mata sa mata. "Girl, stop na mag cry ah! Makakasama iyan sa baby," sabi niya sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at iniangat niya ang mukha ko kaya nagkatama ang mga mata namin. Nanlamig ako ng biglang hawakan ni bakla ang mukha ko. Naramdaman ko rin na naginit ang mukha ko. Shocks! Kahit buntis na ako ganto pa rin ang epekto kiya sakin. "Ella girl, bestie ko... Sinetch ang pudrakels ng magiging junakis mo?" tanong niya sakin ng seryoso. Nakatingin lang ako sa kanya. Kaya ko bang sabihin sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD