Chapter 2 - Unang pagkikita

1504 Words
“Hindi ko gusto 'yung uri nang pakiramadam na meron ako. Kaya ayokong lumabas ng silid ko dahil ayoko makakita ng bagay na magpapasaya sa akin ng husto, tapos hindi ko naman kayang abutin.” Zaichie - - - Naaaliw akong naglalakad habang akay ni Elisa. Ang saya pala sa labas. Marami kang makikitang kakaibang bagay. Hindi ka rin mahihirapan makihalubilo kung may kasama kang katulad ni Elisa. Ang kagandahan sa nayon ay hindi gaanong mainit ang lugar rito. Marami kasing puno na siyang nagiging payong ng lahat sa sikat ng araw. “Doon tayo, Zaichie.” turo ni Elisa sa isang maliit na tindahan. May iba't-ibang uri ng mga hikaw at kung anu-ano pang mga kagamitan na gusto ng ibang kababaihan. “Napakaganda naman ng kasama mo, Elisa. Pakilala mo naman kami!” wika ng isang lalaking naka-edad lang namin. Bahagya akong nagtago sa likuran ni Elisa. Sumilip ako sa likod niya. Sa pagitan ng buhol at balikat ni Elisa ay sumilip ako para maaninag kung sino ang mga ito. May matitipuno itong katawan. Walang pantaas na damit kaya kita ang katawan nito. “Hindi pwede.” taas kilay nitong wika at dinuro ang lalaki. “Ikaw Alejandro! Wag ka maka lapit lapit sa pinsan ko, ha! Masasapak kita!” dugtong niya pa rito sabay irap. Nagsitawanan na lamang ang ilan sa kasamang binata ng lalaki at naiiling sa inasal ni Elisa. “Halika na nga Zaichie!” naiiritang wika nito. Naglakad kami palapit sa katabing tindahan. May mga tela naman itong paninda na may iba't ibang kulay. Ang uri ng telang ito ay katulad sa suot 'kong damit. “Zaichie? 'yung babaeng nakakulong sa gitna ng Hacienda ng Aerinza? Yung may bali-balitang may balabal na pula?” rinig kong wika ng isa sa mga kalalakihan. “Elisa, halika na!” wika ko nahihintakutan. Ayokong marinig ang opinyon nila tungkol sa'kin. “Ano ba 'yan, Zaichie! Hayaan mo sila. Mag-enjoy ka na lamang! Wag mo silang intindihin!” saad niya at patuloy na sinusuri ang mga tela. “Hoy, Elisa? Siya ba 'yun? E hindi naman pala totoong aswang 'yang pinsan mo?!” Pakiramdam ko ay nagpantig ang tenga ni Elisa, bigla itong humarap sa nagsalita at akmang susugurin niya ito nang hawakan ko ang braso niya. Sinenyasan ko itong 'wag. Napatigil naman ito at napabuntong hininga. “Sa ganda niyang 'yan kaya siguro tinatago siya ng mga Areinza!” kantyaw pa ng isa. “Aswang? Bakit Eduardo?! May aswang bang ganito kaganda ha!” “E, aba malay ba namin. Bali-balitang aswang raw ang nasa loob ng maliit na kubo sa gitna ng Hacienda.” sabat nito. “Aba'y Alejandro hindi naman natin akalaing, ang mala ewan nilang storya ay hindi pala totoo. Ang tatalas ng bibig at malawak rin kasi ang imahinasyon ng iba.” Makikipagtalo pa sana si Elisa ng may matandang papalabas sa tindahan ng tela. “Kung ganiyan ba naman kaganda ang anak mo, ay hindi mo ba ipagkakait sa mundo?” ani ng isang matandang marahang naglalakad palabas ng tindahan. “Aling Ising!” sigaw ni Elisa. Hinila niya ako palapit rito. Nakangiting sinalubong ni Elisa ang ginang at hinagkan sa pisnge. “Elisa, ikaw pala hija. Iyan ba ang pinsan mong hindi pinalalabas sa Hacienda?” baling nito sa'kin. Gusto 'kong sagutin na ako ang ayaw lumabas. “Opo Aling Ising!” “Mabuti naman at pinalabas pa siya.” ani nito sabay haplos ng aking mukha. “Kahawig na kahawig mo si Zamira hija.” dugtong pa nito. “Aling Ising, kilala niyo po 'yung larawan na nasa Hacienda?” takang tanong ni Elisa. Tikom lamang ang aking bibig sapagkat hindi ko alam kung paano makipag-usap sa iba. Bukod kay Elisa, ay si Tiya Tesa lamang ang nakakapasok sa aking silid. Nag-iiwan lamang ito ng malinis na kasuotan. Kadalasan ay mga pantulog lamang ang sinusuot ko at malimit lamang akong magsuot ng bistida. “Ah.. e? Hija mauuna na ako. Hinihintay na ako ni Canor.” nagmamadaling saad nito at nagsimula nang maglakad palayo. Tumango na laman si Elisa sa papalayong ginang. “Tara na nga Zaichie!” maktol na wika ni Elisa. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang magtaka sa ikinikilos ng lahat. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Aling Ising. Bakit nagmamadali itong umalis ng banggitin niya ang ngalan ng Zamira na nasa larawan ni Lola. “Zaichie! Tabi!” sigaw ni Elisa na hindi ko agad naintindihan. Masiyadong malalim ang iniisip ko kaya't hindi ko agad makuha ang ibig nitong sabihin. Isang malakas na lagabog ang narinig ko kasaba'y ng pagyapos sa akin ng isang hindi pamilyar na bulto. Napapikit ako ng marahan kaming natumba. Sa uri ng yakap niya ay pakiramdam ko ay ligtas ako. Isang uri ng yakap na tila walang sino 'mang makakapanakit sa'kin. Marahan akong napamulat ng maramdaman ang mainit na likidong dumadaloy sa aking pisnge. Napakurap ako ng masilayan ang napakaganda nitong mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matikas ang katawan nito. May kayumangging kulay at sa palagay ko ay may matitipunong katawan. May mahahabang pilikmata na halos tabunan ang maliit nitong mga mata. May di kakapalang kilay at may matangos na ilong. "Urghhh.” mahinang daing nito. Mariin itong napapikit sa sakit. Itinukod nito ang kaniyang siko sa aking ulo upang “Zaichie!” rinig kong sigaw ni Elisa. Inilibot ko ang paningin ko saka ko lang napagtanto na nabagsakan kami ng isang sasakyan na kapareho sa sinakyan namin ni Elisa. Sinubukan kong gumalaw, pero sa bawat galaw ko ay dumadaing ang lalaking nakayakap sa'kin. “Please, don't move or else you and Me might be dead meat.” ani nito sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. “Ano? Hi..hindi ko maintindihan.” wika ko at nanatiling nakatitig sa kaniya. Napairap ito sa akin bago magsalita. “Did you see those boxes?” wika niya saba'y tingin sa kahong malapit nang malaglag sa amin. “Those boxes contain sharp weapons. Such as, knives and daggers. If you keep moving we will be dead meat here.”masungit na ani nito sabay pikit. Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ng isang to. Napatitig uli't ako sa mukha nito. Malaya akong pinagmamasdan ang mukha niya ng marinig ko uli't si Elisa. “Zaichie! Malalagot ako nito kay mama.” "Senyora Elisa. Hinahahanap na kayo ng Senyora Tesa.” “Si Zaichie paki-alis si Zaichie! Nasa ilalim siya n'yan!” “So you are? Zaichie? right?” wika nitong muli habang nakapikit. Namamaang ako sa pakikipag-usap ng lalaking ito.Zaichie lang naintindihan ko sa sinabi niya. “Can't you speak? or cat got your tongue?” Napapakurap na lang ako ng ilang uli't sa pagsasalita niya sa lenggwaheng hindi ko alam. Nagmulat ito ng mata kaya bahagya akong napaatras. Niyakap ako nito balik ng magsimulang gumewang ang kahon sa itaas. Nagsihulog ang laman nito kaya't mabilis niyang pinagpalit ang posisyon namin upang protektahan ako. Nasa itaas ko siya at nasa baba naman ako habang yakap-yakap niya pa din ako. Nanlaki ang mata ko ng tumarak sa likuran niya ang ilan sa mga patalim mula sa kahon. Tumalsik ang ilang dugo sa mukha ko dulo't ng pagtarak ng matalim na bagay sa likuran nito. Isang mapait na-alala ang nagbalik tanaw sa bisyon ko. “Trunks! Hin.. hindi!” nakikita kong puno ng dugo ang isang babae habang akay ang isang lalaki. "Uuwi tayo. Uuwi pa tayo!” muling sambit nito. "Patawad, pero kayo na lamang ang uuwi ng anak natin.” ani nito sabay kitil ng sariling buhay. Nagsidaloy ang mga luha sa aking mukha at nagsimulang manikip ang dibdib. Habol ko hininga habang umiiyak. "I'm Ali.” rinig kong saad ng isang lalaki na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Sinapo nito ang aking magkabilang pisnge at dinampi ang malambot nitong labi sa aking mukha. Napamulat ako ng aking mga mata at nakita ang mapait nitong ngiti habang dumadaing sa sakit. “Senyor Ali!” rinig kong sigaw ng isang lalaki. “Senyora Zaichiela!” Nanlamig ako sa kinahihigaan ko sa ginawa nito. Nahimasmasan ako ng bahagyang bumagsak ang katawan nito sa akin. Nakatulala lamang ako sa kawalan habang dinadama ang mainit nitong katawan. Nagkaroon ng kaunting liwanag, unti-unting lumiwanag ang paligid ng maiangat na ang karwahe. “Senyor Ali!?” muling sigaw sa hindi kalayuan. Inalis ng iilan sa mga nakasaksi ang ilang nakadagan sa amin. “Zaichie!” sigaw ni Elisa. Nanghihina akong sinulyapan siya. Unti-unting nandidilim ang paningin ko ngunit nilalabanan ko lang. Gusto kong masigurong may mag-aasikaso sa lalaking nagligtas sa akin. Inangat ng ilan sa mga naka-barong itim ang lalaki. Rinig ko ang daing nito. Nagmamadali silang binuhat ang binata at sa pagtama ng paningin naming dalawa ay ang munting ngiting sumilay sa labi niya na nagbigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam. Naramdam ko ang pag-angat ko mula sa malamig na lupa. Pakiramdam ko ay may bumuhat sa'kin. “Zaichie!!” Nandilim na ang paningin ko at ang huling naririnig ko lamang ay ang pagtawag ni Elisa sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD