“Kung maibabalik ang oras ay hihilingin 'kong ako na lamang at hindi ikaw.”
Makalipas ang limang buwan~
Halos lamunin ako ng lupa dahil sa uri ng tingin nila. Hindi ko gusto ang uri ng mha tingin nila. Mga tingin na alam mong hinuhusgahan ka nila.
Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili bago magsalita. “Do you know who am I?” tinaasan ko sila ng kilay at taas noong tinitigan silang lahat.
Tinanggal ko ang balabal kong pula na nakatakip sa aking mukha.
“Zachiella Mhryna Arienza. First princess of Aerinza Palace. Please do mind your own business! And stop staring at my cousin or I'll dig out your eyeballs!” mariin kong saad na ikinasinghap nilang lahat. Ang ilan sa kanila ay nagmamadaling umalis. Ang iba naman ay matamang akong tinitigan at kalaunan ay umalis na rin.
Ang iba ay nandidiri ang tingin at inirapan pa ako. Mas lalo pang dumagdag ang inis ko sa mga inasal nila. “All of you get lost!” muli kong sigaw na umalingaw-ngaw sa buong paligid.
"Will you please stop? Stop pretending that you are my fckin hero!” sigaw nito sabay patuloy sa paglalakad.
"Kung hindi ko sila patitigilin ay hindi naman nila tayo titigilan.” depensa ko rito habang pilit na inaalalayan siya.
Tumigil ito sa paglalakad at halos magdugtong ang manipis nitong kilay. Napakagat ako ng labi ko ng magsalubong ang nalapnos nitong balat sa noo.
“I don't care! Itigil mo ang pagtatapang-tapangan mo! Kahit anong gawin mo hindi mawawala ang galit ko sayo!”
"Kung sana ay ganiyan ka na agad katapang noon ay hindi sana mangyayari sa'kin to!” galit niyang sigaw sa'kin. Halos pigain ang puso ko sa mga sinabi niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Napatigil ako habang nakatitig sa kaniya.
Naglakad na ito palayo at pilit na inaaninag ang daan.
Mapait akong napangiti at napabaling sa kabilang direksyon. Pilit kong pinababalik ang mga luhang gusto nang pumatak. Kung mababalik ko ang oras ay sana ako na lang ang nasunog at hindi siya.
Isinuot kong muli ang balabal ko at nagpatuloy sa paglalakad.
“Did you saw the girl? She looks like a monster. Why does the school head allowed someone like her to enter the school.” rinig niyang saad ng isang babae. Nagpantig ang tenga niya at agad na hinablot ang braso nito at sinikmuraan.
Napadaing naman ang babae at napasinghap ang kasama nito.
“Don't let me hear it again or else I'll dig out your useless brain.” bulong niya rito sabay bitaw. Nagpatuloy si Zaichie sa paglalakad na parang walang nangyari. Pinagtitinginan siya ng mga ibang estudyante ngunit wala siyang pakialam.
“She's scary. I doww— wanna mess up with her.” saad ng isang lalaki.
“She's kinda awesome dude! I like her!”
“Okay. If you have a death wish. Just ask her already bro.” biro ng kasama nito.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Bigla siyang napayuko ng may maramdamang papalapit sa kaniyang isang patalim.
Nag-angat siya ng tingin at naningkit ang mata nito nang makita ang isang lalaking nakangisi sa harap niya. Wala siyang panahong makipaglaro rito kaya hindi niya ito papatulan.
Tumayo lamang siya ng tuwid na parang walang nangyari hindi na nito pinansin ang binata.
“A donde vas señyora?” tanong ng isang baritong lalaki. Tumaas ang kilay niya at inirapan lamang ito. Hindi niya sinagot ang lalaki at nagpatuloy lang sa paglalakas.
“A dónde crees que vas?” muling tanong nito sa kaniya ngunit hindi niya pinansin.
"Soldado deténgala!” ani nito. Maya-maya ay may mga guwardiya ng pumalibot sa kaniya. Masama niyang tinignan ang lalaki ngunit nanatili lang itong nakangisi.
“Mucho tiempo sin verte Mi Amor.” wika nito na hindi niya maintindihan.
“Let me go!” tanging saad niya na ikinatawa ng binata. Napahawak sa panga ang binata at ngumiti ng nakakaloko.
“No puedes reconocerme, Mi amore?” batid ng binata na hindi siya maintindi ng dalaga. Mas lalo pa siyang natutuwa sa reaksyon nito kapag nagsasalita siya sa ibang lenggwahe.
“So you really can't remember me, ha?” ulit na tanong nito sa kaniya. Binigyan lamang siya ng matatalim na tingin ng dalaga. Nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ng mga guwardiya sa isip niya ‘Kapag ako nakawala sa pagkakahawak ng mga ito. Nunca na hindi kita magigilitan!’
“If staring can't kill, I might lying in the coffin. Bueno, set her free.”
“Yes your majesty.”
Mabilis naman siyang pinakawalan ng mga ito. Nang sandaling mabitawan ang kaniyang braso ay agad niyang sinugod nang suntok ang binata. Hindi ito nakailag at sapul na sapul ang kaniyang pagmumukha sa kamao ng dalaga. Napasinghap ang mga nasa paligid. Nagulat sila sa nasaksihan. Mabilis na pumalibot ang mga guwardya. Itinutunok sa kaniyang leeg ang mga patalim nito ngunit hindi man lang siya nahintakutan.
Sinensaysan ng lalaki ang mga guwardiya na ibaba ang patalim.
“Your majesty.”
“So, maybe it wasn't you.” Pinahid ng binata ang dumadaloy na dugo sa gilid ng kaniyang labi at matamang siya na tinitigan bago tuluyang umalis.
“Weirdo.” bulong niya sabay lakad na rin palayo. Masiadong madaming nakiki usosyo sa pangyayari kanina. Hindi man niya inaasahang makakasalamuha siya ng sang weirdo sa unang araw ng pamamalagi niya sa skwelahang ito.
Nakalimutan niyang kailangan pala niyang sundan si Elisa. Bukod sa lapitin ito sa gulo ay wala rin itong kakayahang makakita. Limang buwan na ang nakalipas ng mawalan ito ng paningin at siya ang dahilan nito kaya ganoon na lamang niya ito kung protektahan.
Siguro ay kung nagising siya agad ay hindi napilitang pumasok ang kaniyang pinsan sa kaniyang silid upang protektahan siya.
“Ey, Mr. Did you see a girl with a yellow scarf.” tanong niya sa lalaking nakasalubong. Natulala ito ng ilang segundo sa kaniya ang lalaki bago sumagot.
“Amm. Yes, she goes to library. She has, sca... scary marked on her face.”
“Thank you.”
Naglakad na siya patungo sa silid-aklatan. Natanaw niya ang mula sa hindi kalayuan si Elisa. Tahimik lang itong naka-upo at nakatulala sa kawalan.Huminga siya ng malalim at lumapit sa isang babae. Nagtatakang tinitigan siya nito.
“Can you go to that lady and introduce yourself to her.” Hindi tanong o paki-usap ang salitang binitawan niya kundi isang utos. Naiinip siya sa sagot nito kaya itinutok nito ang maliit na kutsilyo sa leeg ng babae. “You'll do it. or,” binitin niya ang sasabihin at inilapa ang patalim sa leeg nito ng mas mariin. “Or I'll do this.” dugtong niya pa. Nangingin na tumango ang babae at sinunod ang inuutos niya. Nakita niya ngiti sa labi ni Elisa ng sandaling may kumausap sa kaniya. Ang mga ngiti nitong kay Zaichie niya pinapakita, noon hindi na ngayon.