Chapter 1
" Ada! bilis na mali-late na tayo. " sigaw ng aking kaibigan na si Cielo.
" Wait! " sigaw ko rin at dali-daling sinuklay ang aking buhok ay binitbit ang aking baon sabay takbo palabas ng kwarto. Sa may gate ay naabutan ko si Cielo at Jane na halatang naiinip na sa kahihintay sa akin.
" Alam mo ikaw, first day natin tapos malilate pa tayo. " sermon ni Jane at naglakad na kami palabas ng gate upang mag-abang ng jeep.
" Kasalanan niyo, hindi niyo ako ginising ng maaga. " wika ko.
" Huy babae, ginising ka namin. Sadyang tulog mantika ka lang girl. " maarting wika ni Cielo na ikinanguso ko.
Sakto namang may dumating nang jeep kaya agad kaming sumakay, swerte naman naming konti lang ang sakay.
" Ada, kinukumusta ka pala ng kuya Aldrin mo. Hindi ka ba kumukontak sa kanila? " tanong ni Cielo na ikinakunot ng aking noo.
" Epal talaga ni kuya, feeling ko may gusto yun sayo. Kausap ko lang kahapon si mama e, umi-epal pa nga siya. " sagot ko na ikina-uwas ng tingin ni Cielo habang si Jane ay nakangisi.
Ang mga magulang kasi namin ay nasa Aurora, narito kami ngayon sa Nueva Ecija Cabanatuan para magreview sa nalalapit naming board examination. Pare-pareho kaming Education ang tinapos at ang major ay Social Studies. Ang bahay na tinitirahan namin ay bahay bakasyunan nila Jane, kaya solo namin ang bahay.
Pagbaba namin ng jeep ay bumungad sa amin ang Pacific mall katabi nito ang Robinson mall. Sa pacific mall ang venue ng aming review, sa Cinema 2.
Papasok na sana kami nang harangin kami ng guard.
" ID mam. " wika nito, nagkatinginan kaming tatlo at agad hinalungkat ang aming bag saka kinuha ang aming mga ID. Nag-enroll kasi kami sa isang review center at binigyan kami ng ID, kailangan daw ito pag papasok kami. At heto na nga, hinahanapan kami.
Pagpasok namin ng mall ay walang ibang tao dito kundi kami lang na mga magrereview dahil ang open pa ng mall ay 10 am.
" Huy grabe naman dito, para tayong nasa shooting place ng mga zombie movies. " sabi ni Jane, napatingin kami sa paligid at totoo nga. Medyo nakakatakot tuloy, palingin-lingon kami habang naglalakad.
" Tapos pagdating natin sa taas ng escalator na to puro zombie pala ang naroon. " natatawa namang wika ni Cielo habang inaakyat namin ang escalator dahil hindi pa ito bukas.
" Ayan, manood pa kayo ng mga zombie zombie na yan. " saad ko na ikinatawa nila.
Pagdating namin sa taas ay napakunot noo ako nang makita ang isang lalaking deretso ang tingin sa akin. Nakatayo ito habang nasa bulsa ang kanyang mga kamay. Sina Cielo at Jane naman tila nawala na sa sarili at nakatitig lang sa lalaki.
Nakatingin lang kami sa lalaki habang naglalakad ito papalapit sa amin at nagulat ako nang kunin niya ang ID ko na nakasabit sa aking leeg at tinignan ito.
Sa gulat at hindi kami agad naka-react na tatlo. Hindi ko siya kilala, sigurado ako roon.
" Maria Ada Saquen! " bigkas nito sa pangalan kong nasa ID.
Kunit-niong nakatingala ako sa kanya dahil may katangkaran ito, pagkatapos banggitin ang pangalan ko ay tumingin siya sa akin kaya nagtama ang aming mga mata.
Ngumiti ito sa akin, para akong kinapos ng hininga. Kumabog ng malakas at mabilis ang dibdib ko na hindi ko maintindihan kung bakit.
Napalunok ako, ang gwapo naman ng lalaking to. Para siyang photo copy ni Park Bogum, mas manly nga lang siyang tignan.
Pinantay niya ang mukha sa akin at inilapit ang bibig sa aking tainga. Mas lalong nagwala ang dibdib ko na tila ba may nagkakarerahan na mga kabayo dito.
" It's nice seeing you wife! " bulong nito saka umayos ng tayo, nilingon niya sandali sina Cielo at Jane saka mabilis na umalis habang ako ay tila nabato sa narinig.
Paulit-ulit na pumapailanlang sa pandinig ko ang sinabi niya. Pinilig ko ang aking ulo at pilit inalis sa usipan ang sinabi ng lalakung iyon.
" Huy Ada, sino yun? kilala mo? " tanong ni Jane.
" Anong binulong sayo? " tanong naman ni Cielo, wala sa sariling umiling ako at naglakad at sumunod naman sila.
Ano bang sinasabi ng gagong yun? adik ba siya? Wife? as in wife? huy gago single pa ako. Ni hindi ko nga yun kilala.
Pagpasok namin ng cinema 2 ay laking pasalamat ko dahil hindi na rin naman ako tinatanong nila Cielo at Jane. Pero ang ipinagtaka ko, narito rin ang lalakung yun. Ibig sabihin nagrereview rin siya ng board examination for Teacher.
At ang siraulo, kitang-kita ko ang pagtitig niya sa akin habang may ngiti sa labi.
" Huy, Ada sigurado kang hindi mo kilala si kuyang pogi? kanina pa yun nakatitig sayo ha. " wika ni Jane, sa tapat din kasi namin sa kaliwa nakaupo yung adik na yun kaya malaya niya akong matitigan.
" Hindi nga, ewan ko ba dyan. Adik yata. " saad ko na ikinatawa nila ng mahina.
" Ano bang binulong sayo? " curious na tanong ni Jane.
" Hay naku, nakakaloka. Ibinuling ba naman niya "it's nice seeing you wife." Jusko, kinilabutan ako doon. " mahinang kwento ko.
" Whaaaat? " napalakas na tanong ni Cielo kaya nagtinginan sa amin ang ibang tao. Agad akong napayuko sa hiya, nakakahiya talaga ang babaeng to lagi.
" Ay sorry po! " paumanhin niya sa mga tao sa paligid saka ako hinarap.
" Seryuso? " tanong niya.
" Oo nga, adik yata e. " saad ko.
" Pero imposible namang adik yan Ada, yang itsura niyang yan? " wika naman ni Jane.
" Gwapo lang siya pero may deperendiya sa pag-iisip. Sayang ang mukha mga bakla. " saad ko, napalingon sila sa lalaki kaya pati ako ay napalingon. Nakatingin pa rin ito sa akin at ngumiti pa saka kumindat kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
" Ako bahala mamaya, kausapin natin. Mukhang matino naman. " wika ni Cielo.
" Bahala kayo, basta ako narito para magreview. " saad ko.