Nadakip ng mga pulis si Claire pati ang mga bodyguard nito na ngayon pababa nang hagdan. "Masyado ka kasi nagmadali" wika ng isang lalaking nakatayo sa gilid ng hagdan. Napalingon si Claire sa pinanggalingan ng boses at nakita nito si Jonard na nakacross arms pa. "Too weak my dear cousin" dagdag pa nito. Walang nagawa si Claire kundi ang magpatianod sa mga pulis maging ang mga bodyguard nito. "Ipaghihiganti kita Claire" bulong nito sa sarili habang bahagyang nakangiti. Sa hospital; Maggagabi na nang matapos kami magamot at madala sa private room sa hospital. Iisa ang aming kuwarto ni Ivan dahil 'yun ang hiniling niya sa doctor. Kasama namin sa kwarto si Trina, Kenneth at Kaijoo na kasalukuyan namang kinakausap ni Ivan. Habang ako ay nanatiling tulog tulogan dahil hirap pa din

