Kinaumagahan maaga ako nagluto para makakain si Mama. Hindi ito umuwi nang gabi kaya kakarating lang niya ngayong umaga. "Ma kain na po kayo" alok ko kay mama habang nag aasikaso ito sa loob ng kwarto niya. "Ma musta naman kayo sa trabaho niyo baka naman po napapagod kayo pwede naman po kayo mag request ng bakasyon sa amo niyo mama para makapagpahinga naman" "Naku anak hindi nga ako napapagod sa trabaho ko" umupo na ito sa bangkuan para kumain. Umupo na din ako para sabayan si mama sa pagkain. "Ma aalis po ako mamaya may pupuntahan lang po ako" paalam ko kay mama kasi mamaya susunduin ako ni Ivan. "Basta mag iingat ka lang" Tumango nalang ako bilang sagot kay mama. "Tumawag pala si papa at nangangamusta natanong ko na din kung kailan siya uuwi" kwento ni mama sa akin na may l

