Kinabukasan walang pasok at naatasan akong mag alaga ng bunsong anak ni ate Joy dahil may aasikasihin lang daw itong mahalagang bagay. Nakatingin lang ako sa bata habang naglalaro ito maya maya ay pupunta sa bintana at saka mag ngangangawa. Siya si Jim 3 years old napaka cute na bata. Nakasuot ito nang dragon costume at may hawak na bote ng dede. Napansin ko ang panay silip nito sa bintana at maya maya iiyak habang na dede. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko sa iyaking bata na ito. Napatingin ako sa orasan, 10 am na hindi pa ako nakakasaing at nakakapagluto. Minabuti kong mamasyal nalang kami sa mall at gamitin ang pera ibinigay ni ate Joy sa akin para pangkain namin ni baby Jim. Agad akong nagbihis ng panlakad. Alam kong mahihirapan ako gawa nang paa ko pero pipilitin ko n

