CHAPTER 4 WEAKNESSES

4251 Words
Ang lakas nang t***k nang puso ko at the same time naiilang din ako sa ayos namin kasi naman nakayapos ako kay Ivan at holding hands pa kami hindi ko tuloy makita ang laban ni Kenneth tapos medyo kinakabahan din kasi baka mamaya and'yan na ang Ivan's Fans Club at lusubin ako. What the f**k! lahat pala ng mga nanonood sa laro na malapit sa amin ay mga nakatingin sa pwesto namin oh my God! halos ibaon ko mukha ko sa likod ni Ivan. "Badtrip ka Ivan!" sabi ko nalang sa isip ko. "Bitawan mo na kamay ko Van" sabi ko habang nakasubsob pa din ang mukha ko sa likod nito. Grabe hiyang hiya na ako sa paligid baka mamaya nito mga fans na niya ang lumusob at baka batalyon pa. Tatakbo talaga ako once na mangyari yun. "I don't want to" sagot nito at lalong hinawakan ang kamay ko. "Ang hirap mo paki usapan hmmf!" nakakainis talaga itong taong to. Naghiyawan na naman ang mga tao at sinisigaw ang pangalang Kenneth. Great hindi ko alam ang mga nangyayari pasaway talaga. Natapos ang practice game nakaupo ako ngayon dito sa gilid nang court kasama ko ngayon si Trina ang best friend ko. "Grabe besh ang galing pala maglaro ni class president haha ngayon ko lang nalaman sayang nga at saglit lang ang laban nila pero ang galing nang pinakita niya, no best?" kwento nito habang may akto pang nagtatatalon at kinikilig. "Ah gan'un ba besh sana all no napanood" sabi ko nalang habang nakahalumbaba dahil sa inis. Kasi naman buong laro lang naman hinarang ng lalaking yun ang katawan niya sa harapan ko dahilan para hindi ako makapanood ng laban isama mo pa ang mga matang nasa paligid na nakatutok sa amin kanina, nakakahiya ano nalang iisipin ng mga nakakita. "Hoy babae!" hiyaw nang isang babae na papalapit sa amin. Ito na ang Ivan's Fans Club nag umpisa na sila. "Bakit?" sagot ko sa babaeng tumawag sa akin. "Anong karapatan mo para yakapin ang prince charming namin ha! isa pa boyfriend 'yun ni Claire tapos aagawin mo? mahiya ka naman!" sigaw ulit ng babae. Tumayo na ako para harapin sila. "Hoyy besh huwag mo na patulan mga yan mga papansin lang yang mga iyan" pigil ni Trina sa akin. "At ikaw sino ka naman huh? at anong papansin ang pinagsasabi mo. Gusto mo upakan kita" hamon ng isa sa kasama nang leader nila. "Diba ako lang ang kailangan niyo pwede ba huwag niyo siyang gagalawin." sabay harang ko sa kaibigan para madepensahan ito sa isang babae na gusto manapak. Lumapit ang leader ng grupo sa akin sabay hawak sa pisngi ko. Napahawak naman ako sa mga braso nito para pigilang mapisil ng husto ang mga pisngi ko. "Ako kailangan mo diba? wag mo na idamay ang kaibigan ko" pakiusap ko ngayon sa leader nila para iwas disgrasya. "Kayo d'yan!" sabay lingon nito sa likod niya kung saan andun ang iba niyang kasama. "Dalhin n'yo sa CR" sabay tulak sakin sa gitna papunta sa mga kasama niya. "Uyy bhest" napatayo na si Trina, "teka ano ba! hoyyy ano ba! bitawan niyo yung kaibigan ko" sigaw ni Trina na ngayon ay natataranta sa nangyayari. Hinila na ako ng grupo at dinala sa CR. "D'yan ka!" sabay tulak sa akin ng isang babae. Napasubsob pa ako sa simento kaya nagkasugat ako sa pisngi at ngayon ay nagdudugo. "Grabe ang landi mo ah pati 'yung may girlfriend na tao inaagaw mo pa hindi mo ba alam na sikat ang Ivan and Claire couple sa campus. Iniidolo sila tapos papapel ka sa kanila. Mahiya ka naman!" sigaw ng leader ng grupo nila sa akin na nanginginig pa sa galit. "Tapos lead parang dumidikit din yan kay Kenneth yung class president sa Business Ad. section" sabi nang isang babae. "So nilalandi din pala nito yung isa pang sikat na lalaki sa Business Ad. section? bravo! haha malupet ka girl" dagdag pa nito. "Nakita nga sila na inaakbayan siya ni Kenneth papasok noon sa campus." wika naman nang isa pang babae sa kanilang grupo. Ayos daig pa nila ang dakilang maritess sa pagsagap nang balita. Hindi ako umiimik, nakikiramdam lang ako sa paligid at kung ano ang maari nilang gawin sa akin. Maaaring totoo mga nakita nila pero isa lang ang kasinungalingan sa mga sinasabi nila, hindi ako MALANDI. "Pwede ba walang katotohanan ang mga sinasabi niyo hindi ko nilalandi ang mga lalaking binabanggit niyo!" pagtatanggol ko sa sarili. Natawa lang ang leader nila sa sinabi ko, lumapit ito sa akin saka ako sinampal ng ubod ng lakas sa kaliwang pisngi. "Iyan ay para kay Miss Claire" muli ako nitong sinampal pero sa kanang pisngi naman "Iyan naman ay para sa akin", matapos ang pagsampal sa akin ay tumayo na ito ngunit sa pagtayo niya agad akong nitong tinadyakan sa tagiliran dahilan para mamilipit ako sa sakit at mapasigaw. Sa sobrang sakit nangilid ang luha ko, nakasubsob ako ngayon sa sahig habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa gilid ng baywang ko. "Iyan ang napapala ng mga malalandi!" sigaw ng leader nila sa akin. Sa silid aralan habang busy ang lahat nilapitan ni Kenneth si Ivan sa upuan para kausapin. "Ivan" tawag nito at lumakad na papalapit kay Ivan. "Nakita mo ba si Layka?" tanong nito kay Ivan ngunit hindi ito nilingon ni Ivan at nanatiling nakadungaw sa bintana. "Hmmm ask lang tol, may_may gusto kaba kay Layka? napansin ko kasi ang closeness niyo saka sa tingin ko pomoporma ka din sa kanya? kung hindi naman ammm gusto ko sanang ligawan siya. Tingin mo tol may pag asa kaya ako?" sambit nito na tila nahihiya. "Bakit mo sinasabi sa akin yan?" tanong ni Ivan kay Kenneth. "Syempre tol kaibigan ka ni Layka, lahat nang kaibigan niya ay kaibigan ko na din, so ano sa tingin mo? may pag asa kaya ako?" sabi nito kay Ivan habang nakangiti. Seryosong lumingon ito kay Kenneth at walang paliguy ligoy na nagsalita, "Don't waste your time". Tumayo ito para tapatan si Kenneth sa tindig. Nagkatitigan ang dalawa tila naghahamunan ang kanilang mga mata. Napalingon ang mga kaklase namin sa kanilang dalawa. Wala kasing gusto magpatinag. Sa gitna nang mainit na tinginan ng dalawang binatilyo biglang dumating si Trina na naghahabol pa nang hininga dahil sa pagtakbo lumapit ito sa dalawa at pilit na pinaglalayo ang dalawa sa isa't isa. "Umayos nga kayo hindi oras nang pag aaway ngayon sa pagitan niyo. May nang yaring masama" pagsisimula ni Trina. "Anong nangyari?" sabay pa ang dalawang lalaki sa pagbigkas. Umayos naman ng tayo si Trina saka kinausap muli ang dalawang lalaki. "Ivan ang fans mo sinugod kami ni Layka kanina sa court at ngayon ay hawak nila si Layka." pag eexplain nito. "Saan siya dinala?" tanong ni Ivan kay Trina. "Sa C.R. sa groundfloor" pagconfirm nito. Hindi na nagdalawang isip ang dalawang lalaki at agad na pinuntahan ang C.R. sa groundfoor kahit malapit na mag time. Todo ang takbo nila tipong nag uunahan marating ang finish line. Sumunod si Trina sa dalawa para maituro ang lugar na pinagdalhan kay Layka. Habang nasa hall way at tumatakbo; "Trina ilan sila?" tanong ni Kenneth habang natakbo at nag-aalala sa dalaga. "Grupo sila class president eh, ah basta madami" sagot naman ni Trina. Si Ivan naman ay nanatiling tahimik at sumulyap saglit sa dalawa na nakasalubong na ang mga kilay habang tumatakbo. Bakas sa itsura nito ang pag aalala nang may maalala sa sinabi ng dalaga "natatakot ako baka dumugin ako ng fan's club mo" lalong kumaripas ito ng takbo pababa ng building para agad makarating sa sinasabing lugar. Nang makarating sa C.R., huminto agad si Ivan upang hintayin si Trina at makompirma kung dito ito dinala. "Trina!!_dito?" sigaw nito kay Trina na medyo may kalayuan pa. Nag thumbs up naman si Trina at agad sumigaw "sa girls room!". Hindi na nagdalawang isip pa si Ivan at sinipa na ang pinto ng C.R. ng mga babae. Bumagsak ang pinto at agad bumungad ang grupo ng mga babae mga nasa sampu ang bilang ng mga ito. Sa dulong bahagi ng C.R. nakita ni Ivan na hawak ng tatlong babae si Layka na tinututukan ng kutsilyo sa mukha ng kanilang leader. Naawa siya sa sitwasyon ng dalaga puro pasa at sugat na ito. Agad niyang tiningnan ng masama ang mga babaeng envolve sa pangyayari pero mas sumama pa ang tingin nito nang mabaling niya ang tingin sa leader ng grupo. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong niya sa babae sa mababang himig tama lang upang marinig ito habang nalalakad papalapit sa pwesto ng leader. Ang babae naman ay hindi maipinta ang mukha sa takot nang makita ang idol niyang si Ivan. "A....e....wala nagkakasiyahan lang kami Ivan saka pinagsasabihan ko lang si Layka na layuan ka kasi girlfriend mo na si Claire 'yun lang naman" pagpapaliwanag nito. "Get out of my way" utos ni Ivan na agad sinunod naman ng leader. Agad naman binitawan ng tatlong babae si Layka na ngayon ay nakatitig sa kanya at umiiyak. Umupo siya sa harap nang dalaga sapat lang para pumantay ito sa kanya. "Let's go" pag aya niya dito na agad namang kinatango ng dalaga. "Layka!" sigaw ni Trina mula sa pinto ng C.R. sumunod naman si Kenneth. Binuhat na ni Ivan si Layka papalabas ng pinto. Nang makarating sa exit door lumingon ito sa grupo ng mga babae na binigyan nang matatalas na tingin. "Huwag niyo tangkaing umalis dito, all of you" banta nito sa mga babae. Natahimik nalang ang mga babae at nagkatinginan sa isa't isa. "Van ibaba mo na ako" utos ko dito. Nang maibaba ako ni Ivan agad naman akong nilapitan nang dalawa. "Bhesh buti at ligtas ka" sabay yakap ni Trina sa akin. "Tara sa clinic ihahatid ka namin" aya ni Kenneth sa akin. Tumango naman ako bilang tugon kay Kenneth. Nang papaalis na kami biglang napahinto si Kenneth at humarap kay Ivan. "Tol linisin mo muna yan, kami na bahala kay Layka" tumuloy na kami sa paglalakad habang naiwan si Ivan para ayusin ang naging problema. Hindi nagtagal ilang adviser nang bawat course ang pumunta sa Guidance matapos maireport ang insidente, pinaliwanag ni Trina kung paano nag simula, sinamahan naman ito ni Ivan. Hindi nagtagal nag desisyon ang Guidance na isuspende ang bawat istudyante nang tatlong araw liban sa leader dahil drop-out na ito, hindi pinahihintulutan ng paaralan na magdala ng matatalim na bagay ang mga istudyante kung wala naman permiso mula sa mga adviser nila. Sa hall way habang naglalakad si Trina at Ivan, hindi mapakali si Trina dahil sumasabay ang lakas ng t***k ng puso nito na ngayon ay panay sulyap sa binata. "Kung may gusto ka sabihin, sabihin mo na" sambit ni Ivan. Ikinagulat iyon ni Trina at lalong lumakas ang t***k ng puso nito. Napahinto ito sa paglalakad at napakagat nang labi sa sobrang kaba. Huminto din ang binata at lumingon sa dalaga na lalong nagpalakas nang t***k ng puso ng dalaga habang nakatitig sa mga mata nito para siyang matutunaw sa taglay na kagwapuhan nang binata. "Ano kasi_ may gusto akong sabihin" pag-uumpisa ng dalaga. "Bakit hindi mo nalang pabayaan si Layka, I mean layuan nalang sya?" dagdag pa nito. "Bakit ko gagawin yun?" sagot nang binata na ngayon ay parang nagtataka sa inaasta ng dalaga. "Kasi_ kasi_ nasasaktan kasi ako!!" sigaw niya sa binata na nakaangat pa nang bahagya ang mga kamao. Tahimik lang ang binata at hinihintay ang susunod na sasabihin ng dalaga. "Lagi kayo magkasama ni Layka mula nung pumasok kayo ng hapon nang sabay. Lagi mo siya nilalapitan at niyayaya kahit saan samantalang open din ako para yayain mo kahit saan." Nagsimula nang pumatak ang luha ng dalaga habang naglalabas ng sama ng loob sa binata. "Tapos lagi mo siya kinukulit, kapag nakikita ko nga kayong nag-aasaran nasasaktan ako Van. Ngumingiti ako pero may kirot eh tapos kanina sa practice game ni Kenneth nakita ko kayo ang sweet niyo. Hindi ko kinaya kaya lumayo muna ako saglit sa inyo, bumalik lang ako 'nung tapos na ang practice game at nagkahiwalay na kayo ng landas. Van ang sakit! Siguro__siguro___MAHAL NA KITA!" pag-amin ni Trina kay Ivan na ngayon ay nakaderetso ng tingin kay Ivan. Hindi umimik si Ivan, nakatingin lang ito sa dalaga. Maya maya ay lumapit ito at hinawakan ang tuktok ng ulo saka ginulo gulo ang buhok nito. "Let's Go" aya nito kay Trina saka naglakad na papalayo. "Wala ka man lang bang sasabihin?" sigaw nitong muli kay Ivan. "Salamat" at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Nadismaya naman si Trina sa isinagot ng binata. Wala man lang itong reaksyon sa sinabi niya at ang tanging naisagot lang nito ay salamat. Sa clinic nang paaralan kung san nagpapagaling ako, panay pa ang kamusta sakin ni Kenneth sa kalagayan ko ngayon. "Kamusta ang sugat mo? mahapdi paba?" at sinubukan pang hawakan ni Kenneth ang sugat sa bandang pisngi ko na ngayon ay nakabenda na. "Oo masakit natural sariwa pa" at napangisi nalang. "Ano gusto mong kainin? dadalhan kita" tanong niyang muli sa akin. "Huwag na class president ok na ako uwian na din naman kaya huwag na, nga pala ang galing mo kanina ah sana napanood ko nang buo yung laban mo" kwento ko naman dito. "Ay bakit hindi mo ba napanood?" umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya at nginitian ko lang ito. "Bakit naman hindi?" "Mahabang kwento class president" at ngumiti muli ako. "Sige bilang kabayaran sa hindi mo pagnood sa laban ko, sabay tayong umuwi para ma treat kita nang meryenda ok ba yun?" sabi niya na may ngiti na din sa mga labi. Sasagot na sana ako nang biglang may isang tinig nang lalaki na nagmumula sa pinto ng clinic ang biglang humimig. "Ako! ang maghahatid sa kanya" diin nito na ngayon ay nakasandal sa pintuan ng clinic. "Sige ganito nalang para fair, bakit hindi natin tanungin si Layka kung sino ang gusto niyang maghatid sa kanya. Tama ba yun baby girl?" at nakafocus na sa akin si Kenneth. Hindi ako makapagsalita, hindi ko din alam ang isasagot kaya naman nagdesisyon ako nang wala sa oras. "Pabor naman sa akin ang offer niyo guys pero salamat nalang sa offer niyo ah kasi kaya ko naman umuwi mag isa, ok po? kaya sa tingin ko ok na ako uuwi nalang ako ng maaga at kayong dalawa paki guide nalang si Trina para ligtas din makauwi" tiningnan ko silang dalawa at mukhang mga disappointed sa isinagot ko. Sumakay na ako nang jeep, tiningnan pa ako nang tatlo habang pasakay ng jeep. Sana ihatid nila si Trina napagod din yun kakatakbo may hika pa naman yun. Sa kalagitnaan nang byahe naabutan pa nga ako ng traffic, 7:00 pm na wala pa ako sa bahay. At itong mga pasa at sugat ko sigurado akong magtatanong si mama kung ano nangyari sa akin iisip nalang ako ng dahilan. Nakarating ako sa kanto namin 8:00 na nang gabi, medyo malayo pa ang lalakarin hanggang sa amin. Sinumulan ko nang maglakad at medyo binilisan ko na din, naramdaman kong parang may sumusunod sa akin hindi ako nalingon sa likuran ko binilisan ko lang ang paglakad ko halos lakad takbo ang ginawa ko. Naglakas loob akong huminto para silipin kung may nasunod ba talaga sa akin. Napalingon ako sa likod ko ngunit wala namang tao kaya nagkibit balikat nalang ako at humarap muli sa harapan ko para maglakad muli ngunit laking gulat ko nang may lalaking nakatayo sa mismong harapan ko, napahawak ako sa dibdib ko nang makita kong si Ivan pala ang lalaking nakatayo. "Grabe aatakihin ako sayo" sumbat ko dito. "Bakit mo ko sinusundan? diba sabi ko umuwi kana?" sabi ko pa dito na may pagtataka din sa mukha. "Sinundan kita para ma sure kong safe kang makakauwi, masama ba?" sabi nito. Parang biglang nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Para hindi mahalata ay yumuko nalang ako, ramdam ko ang bilis nang pagtibok ng puso ko. "Actually kanina pa ako dito, ang tagal mo ngang dumating" sabi pa nito na naka cross arms pa. "Ah kasi traffic sa dinaanan ng jeep na sinakyan ko" paliwanang ko dito. "Let's go" sabay abot ng palad niya sa akin. "Ano gagawin ko dyan?" pakunwari kong tanong sa kanya habang namumula pa din ang mga pisngi ko sa kilig. "Tara na maglakad na tayo" sabi ko nalang at naglakad na, iniwan ko siya dahil iniiwas ko ang itsura ko na ngayon ay namumula pa din at hindi maalis ang ngiti sa mga labi. Naramdaman ko nalang na halos kapantay ko na siya sa paglalakad. Nakataas ang dalawang kamay nito na nakalagay sa likod ng ulo. Nagkakwentuhan kami about sa mga past namin. Madami kaming napagkwentuhan halos kulang nga ang oras kasi napasarap kami ng kwentuhan. Nang makarating sa bahay patay pa ang mga ilaw mukhang wala pa si mama. "Paano dito na ako, ingat ka sa pag uwi mo" kumaway na ako sa kan'ya para makauwi na ito kasi gabi na. Pero hindi pa ito umaalis ano kaya problema nito. "Pasok ka na, saka ako aalis kapag nasa loob kana." wika niya na seryoso pa din ang mukha. Ang gwapo talaga niya ang cool lagi tingnan. Pumasok na ako sa loob gaya ng utos niya. Nang makapasok na ako ng bahay agad akong sumilip sa bintana tanaw tanaw ang gwapong lalaki habang naglalakad papalayo. "Ingat ka crush" wika ko sa mahinang tono sabay ngisi dahil sa kilig. Nagluto na ako nang pagkain para pagdating ni mama ay kakain nalang. "Bakit kaya ginabi na si mama", medyo nag aalala na din ako kasi 9:00 na nang gabi at wala pa ito. Nanood muna ako ng TV habang nag hihintay kay mama. "Layka iha" sigaw ng kumare ni mama na nasa labas ng gate namin. "Ay yes po ate joy ano po yun." tanong ko agad dito nang mabuksan ko ang pinto namin. "Hindi daw makakauwi si mama mo nag text sa akin, kasi may birthday party daw sa amo niya need daw na andun ang mga katulong kaya hindi siya makakauwi baka bukas pa nang umaga" sabi ni ate Joy sa akin. "Ganun po ba sige po salamat po" nalungkot naman ako sa ibinalita ni ate Joy pero wala naman ako magagawa at saka mukhang ayos na din para hindi niya alam itong mga pasa at sugat ko baka bukas naman ay ayos na ito at hindi na halata. Kumain nalang ako mag isa at pagkatapos kumain naghugas na din ako nang mga pinagkainan, pagkatapos pumunta na ako sa kuwarto para maligo at makatulog na. Matapos akong maligo nakarinig ako nang katok sa bintana na nakasara, Sliding window siya kaya maririnig mo agad. Sinilip ko ang labas nang hindi muna ito binubuksan, mahirap na sa panahon ngayon. Nang maaninag na wala namang tao nag asikaso na ako para magbihis ng pantulog. Nang makapag bihis, muling may kumatok sa bintana. Sumilip muli ako kaso laking gulat ko nang makita si Ivan na nakatayo sa labas ng bintana. Agad ko siyang pinagbuksan nang bintana. "Hoy anong ginagawa mo dito kala ko nakauwi kana. Mag aalas dyes na oh" pinakita ko pa ang relo sa kanya. "Yup kaya nga after ko kumain sa labas at kunin ang kotse bumalik ako dito kasi gabi na. Hindi kasi ako mapakali nang marinig ko sinabi ng kapitbahay niyo na hindi raw makakauwi si mama mo kaya andito ako, sasamahan kita" sabi pa nito na nakacross arms ulit. Nagulat ako sa sinabi niya at natataranta na baka may makakitang kabitbahay kaya naman pinapasok ko agad sya. "Makinig ka ah hindi ka pwede mag-stay dito kailangan mong umuwi" sermon at utos ko dito na ngayon ay naka pamaywang sa harap niya. "No, babantayan kita, delikado na sa panahon ngayon" pagmamatigas nito. "Van naman ano ba parang awa mo na baka maabutan ka ni mama bukas pag uwi nun pagagalitan ako" sabi ko dito na naka please sign pa. "No" at kumuha na ito nang kumot at unan sa kama ko. Inilatag sa sahig at saka humiga. Wala na ako nagawa kahit anong sabihin ko dito hindi talaga ito aalis. Isinet ko ang electric fan sa gawi niya para nahahanginan ito. Saka ako humiga sa kama ko at siya naman sa sahig. "Natatamaan kaba nang hangin Van walang aircon dito ah kaya wag kang maarte" sabi ko dito. "Sakto lang hindi naman mainit" wika nito. "Sige sabi mo eh" saka ako dumapa nang ayos para silipin ito, mukhang komportable naman siya sa ayos niya. Napahinto ako bigla nang marinig ang mahinang kulog mula sa malayo napaupo pa ako saka sumilip sa bintana. Isinara ko ito nang ayos, napapapikit pa ako sa bawat kidlat at kulog na naririnig ko. Umayos na ako ng higa at nagtalukbong nalang nang kumot, pilit kong binabalewala ang kulog na mahina at pinupwersa ang sarili na makatulog agad. Mukhang tulog na si Ivan kasi naririnig ko na ang mahinang paghilik nito. Alas dose na nanghating gabi, malakas ang buhos ng ulan at malakas ang bawat pagkidlat na sinasabayan nang malalakas na pag kulog. Hindi pa din ako nakakatulog, nakapamaluktot ako habang nakaupo na nakakumot hanggang tuhod at may yapos yapos na unan. Aaminin ko may trauma ako sa kidlat at kulog dahil minsan na ako muntik matamaan nito noong maliit pa ako. D'un nagsimula ang takot ko na dala dala ko hanggang magdalaga ako, kaya ganito nalang ang takot ko dito. Naiiyak ako sa takot sa bawat ilaw na nagliliwanag at sasabay naman ang kulog, todo ang subsob ko sa unan at todo takip ng dalawa kong kamay sa tainga ko, walang tigil din ang pagpatak nang luha ko habang nakasubsob sa unan. "Aba malakas ang ulan ah" sabi ng binata na nagpupunas pa nang mata. Napaupo ito na tila may hinahanap. "Asaan kaya yung headset ko? ah ito" at sinet na ang headset sa music. Napalingon ito sa kama, nanlaki ang mata niya nang makita ang kalagayan nang dalaga, napabalikwas ito nang bangon at lumundag sa kama. Dali dali itong pumuwesto sa harap ng dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito para makita ang mukha. "Anong nangyari?" tanong nito pero tanging pag iling lang ang isinagot nang dalaga sa kanya habang umiiyak pa din ito. Bigla namang kumidlat at sinabayan ito nang malalakas na kulog, nagulat si Ivan nang agad napayakap ang dalaga sa kanya at agad ding nagsubsob ng mukha sa dibdib niya na nanginginig, hindi na niya muling tinanong pa ang dalaga mukhang alam na niya ang dahilan ng pag iyak nito. Niyakap nalang niya ang dalaga para mabawasan man lang ang takot nito. Pinaayos niya ng pwesto ang dalaga, tinabihan niya ito sa pagkakaupo. Habang nakatakip pa din ang dalawang kamay nito sa magkabilaang tainga at patuloy sa pag iyak. Naisipan ni Ivan na kunin ang headset nito sa baba lang ng kama kung saan siya nakahiga kanina at pagkatapos inilagay ang headset sa dalaga para musika ang naririnig nito at hindi ang malalakas na kulog. "Ayos ka na? hindi mo na ba masyado naririnig ang kulog?" tanong nito habang pinupunasan ang luha sa pisngi nang dalaga. "Hindi na masyado, salamat" nagpunas na ito nang luha niya at nagkumot muli hanggang balikat. "Good matulog kana" hinawakan niya ang ulo nang dalaga at isinandal ito sa balikat niya saka niya inihiga nang bahagya ang ulo niya sa ulo nang dalaga sabay pikit para makatulog na. Ang dalaga naman ay naging komportable na sa tugtog na napapakinggan at sa pwesto nito kung saan nakaupo silang dalawa at nakahiga siya sa balikat ni Ivan. Kinumutan niya ang binata hanggang sa mga hita lang nito at saka pumikit na din para makatulog na. Umaga na nang maalimpungatan ang binata, tiningnan niya nang bahagya ang dalaga na ngayon ay sarap na sarap na sa pagtulog. Napangiti nalang siya dito saka niya hinalikan ang noo nito nang bahagya lamang para hindi ito magising. Dahan dahan siya umalis sa pwesto, nais niyang pahigain ang dalaga para hindi ito mahirapan kaya naman binuhat niya ito nang dahan dahan para hindi magising. Dahan dahan niya inihiga ang dalaga at nang maiayos na ay agad niya itong kinumutan sabay halik sa noo nito bilang pag paalam dito, isa pa maaga pa naman para mag asikaso. Nag desisyon na siyang lumabas nang bintana para umuwi at sinigurado naman niyang naisara nang ayos ang bintana pagkatapos niyang lumabas dito. Nang magising ang dalaga naisipan niyang kapain ang bandang gilid ng higaan pero wala na siyang katabi. Napabalikwas siya ng upo at hinanap ang binata, nang hindi niya ito makita naisip niyang siguro ay umuwi na ito. 7 o'clock na nang umaga at kailangan na niyang mag asikaso para pumasok. "Anak andyan kapa?" sigaw ng mama niya na ngayon ay nasalabas ng pintuan. "Opo ma wait lang" sabi nito at binuksan na ang pinto. "Pasensya na anak ah ngayon lang ako nakauwi nagkaroon kasi ng event eh, teka nag almusal ka naba?" tanong nito sakin na kahit pagod na ay nakangiti pa din. "Opo ma sa katunayan nga may almusal ka na po d'yan, kain ka na po at magpahinga kasi papasok na din po ako " Nagpaalam na ako sa aking ina at pagkatapos nagsimula na akong maglakad para maaga makarating sa paaralan. Nang makarating sa kanto kung saan ako nag aabang palagi ng jeep sa umaga may nakapark na Black Audi R8 V10 Plus Spyder model. Napahinto ako saglit at maya maya pa lumabas dito si Ivan. Napangiti naman ako nang makita ko siya. Kaya sumakay na agad ako nang yayain ako nitong sumakay bago maya maya pa ay pinatakbo na ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD