IVAN'S POV
Malapit na mag uwian heto ako ngayon nakatambay at sila naman ay nagkukwentuhan dahil walang guro sa last subject.Tamang tingin lang ako sa kanila at nakikinig.
Napansin kong napapadalas na ang paglapit nitong Kenneth kay Layka. Mukang pomoporma tapos lagi pa sila magkasama. Muka namang masaya sila at dahil masaya sila masaya na din ako.
Masaya nga ba ako?
Binaling ko nalang ang tingin ko sa bintana at pinagmamasdan ang pagsabay nang dahon sa ihip nang hangin. Nang mainip agad ako tumayo at lumabas para magpahangin. Kasi naman hindi ko kaya makitang nagtatawanan sila Layka at ang Kenneth na yun.
Naisipan kong tumambay saglit sa park at magpahangin. Humiga ako sa damuhan at pagkatapos ginawa kong unan ang mga palad ko at ipinikit ang aking mga mata. Ang sarap, napakatahimik.
Ilang minuto palang ang nakakalipas nang nakarinig ako nang tunog nang takong nang sapatos na papalapit sa akin. Hindi ko ito pinansin at nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang ang mga kamay ko ay nasa likuran lang nang ulo ko nakaunan.
"Ivan!" tawag nang isang babae.
Minulat ko nang bahagya ang mga mata ko. Si Claire pala 20 years old, isang 3rd year college taga MASCOM course. Matangkad, short hair, kayumanggi ang balat, maganda naman.
Nakilala ko si Claire nung time na hindi ako pinapansin ni Layka nung araw na yun, pumunta ako sa court para hanapin si Layka at yayain sana kumain sa canteen pero nung makita ko siya kasama niya si Kenneth nakaupo sa gilid ng court hindi ko nalang siya tinawag pa. Aalis na sana ako pero ayaw gumalaw nang mga paa ko parang gusto ko siyang hilahin mula sa kinauupuan niya.
Nagulat naman ako nang lumapit si Claire at nagpakilala kaya naman napashake hand ako dito saka binanggit ang pangalan ko pero hindi ko ginagawa yun dati ang makipagshakehand basta basta sa mga babae dala lang siguro nang pagkagulat ko
Mula noon panay buntot na nito sa akin nakakairita na nga. Pagtatabuyan ko nga ito ngayon para tumigil na dahil ok na kami ni Layka saka ayaw kong mag isip sya nang kung ano sa akin napagkamalan pa nga niya itong girlfriend ko kahit hindi.
"Buti nakita kita dito, alam mo tapos na rehearsal namin sana manood ka. Bali next week na yun. Ano ammmm wala kaba lakad mamaya? pwede ba ako sumabay pauwi?" tanong pa nito.
"Enough!" sigaw ko,alam kong nagulat siya sa sigaw ko.
"Don't say anything, just leave" dagdag ko pa dito, naiinis kasi ako buntot ng buntot.
Naramdaman ko ang kanyang pagtayo at naglakad na ito papalayo sa pwesto ko. Hindi ko din siya sinilip man lang, dahil nanatili akong nakapikit at nakikinig sa simoy ng hangin, hindi din naman ako interesado sa kanya. Muli ko kinalma ang sarili at ninamnam ang katahimikan nang paligid. Very nice.
Maya maya pa naramdaman kong may papalapit ulit na mga yabag, siguro bumalik ito. Naku naman makulit din ang babaeng iyon, huminto ito sa gilid ko, at ako naman ay nanatiling nakapikit.
Naisip kong magpaliwanag na sa kanya na wag na ako guluhin at wag na din magbububuntot sa akin kaya naman bumalikwas ako nang upo at nanatiling nakapikit. Saka ko siya hinarap, pero laking gulat ko nang makita kung sino ang nasa gilid ko na nakaupo.... si Layka.
Napalunok pa ako nang makita siya, parang tumigil ang mundo ko nang makita ko sya.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong nya. ibinaling ko naman ang tingin ko sa damuhan at tahimik lang.
"Hala galit kaba? " at ngayo'y nakayuko din siya at sinisilip ang mukha ko.
"Nope" humiga na muli ako at hinayaan lang siya sa tabi ko. Nailang naman ako kasi nakatitig ito sakin.
"Baka naman matunaw ako sa titig mo" biro ko sa kanya.
Nakita ko ang pamumula nang pisngi niya haha ang cute. Bigla ako umupo at tumingin sa kaniya, patuloy naman ang pang aasar ko.
"I'm I right?" sabay ngisi ko habang nakatingin sa kanya.
"Tahimik! a.... ano... kumakapal ang face mo hmmf" at napayuko siya sa hiya. "Bahala ka d'yan" dagdag pa nito, tatayo na sana siya para umalis, kaso naisip kong baka bumalik ito kay Kenneth kaya naman hinawakan ko agad ang kamay niya para pigilan. Agad itong napalingon sa akin na may pagtataka sa mukha habang ako ay nakayuko.
"Stay" sambit ko na medyo kinakabahan siguro dahil hawak ko ang kamay niya? baka nga. Pero dahil nagdududa siya pinilit niyang hilahin ang kamay niya pero hindi ko ito binitawan at nakapagsalita nalang ako nang.
"Please, stay here" habang nakayuko pa din ako. Ilang segundo pa naramdaman ko ang pag ayos niya nang upo at binitawan ko na din ang kanyang kamay nakatanaw ito ngayon sa mga naglalaro nang badminton at track and field.
"Van naisip mo naba ang sasalihan mong sports para sa PE?" tanong nito sa akin.
"Alam mo bang parang gusto ko magbadminton nalang or pwede din hindi na ako sumali" kwento pa nito.
"Tama lang na wag kana sumali patpatin ka kasi" sabay ngiti ko na nakakaloko.
"Aba talagang iniinis mo ko ah hmmf" sambit niya na nakayukom ang mga kamao.
Binuksan ko ang isa kong mata at tumingin sa kanya. "Baka nga isang hampas mo sa raketa sumama kana palipad haha" napahalakhak ako nang malakas kasi naiimagine ko ang itsura niya habang lumilipad matapos maiwave ang raketa. Lalo pa ako napatawa nang makita ang mukha niyang sambakol na sa inis.
Napigilan ko naman ang kamay niya nang akmang hahampasin ako nito. Tiningnan ko siya at salubong na nga ang kilay nito. Nginitian ko lang siya bilang pampalubag loob.
"Bitawan mo kamay ko" utos nito sakin na tila naghahamon.
"No" sagot ko at hindi pa din binibitawan ang kamao niya.
Muli akong napahiga sa damuhan pero sa pagkakataong ito hawak ko ang kanyang kanang kamay. Sa wakas tumigil na ito nang kakautos na bitawan ko ang kamay niya.
"Bakit ayaw mo bitawan ang kamay ko? mamaya n'yan may makakita sa atin" mahinahon na itong nakikipag usap sa akin.
"I don't care kahit sino pa makakita" sambit ko nalang sa kanya.
Biglang tumahimik ang paligid. Nang silipin ko ang ginagawa n'ya nakatutok ito sa court na nasa harapan lang namin.
"Van! Van!" yugyog nito sa akin gamit ang kaliwang kamay.
"Tara punta tayo d'un laban nila Kenneth sa court tara!" at patuloy pa din ang pag yugyog niya sa akin.
"I don't want to" sagot ko.
"Bahala ka diyan" dali dali ito tumayo at tumakbo na papalayo sa puwesto namin.
Dumeretso siya sa court at nanood nang laban ni Kenneth bali practice game siya para sa gaganaping Intramurals Event next month. Sinundan ko siya at pumuwesto ako sa likod niya.
Nakakainis lang kasi imbis na solo ko siya heto at nasa crowd kami nang mga taong sumusuporta sa bawat team. Todo sigawan nang mga tao sa paligid sa bawat player na nakakashoot. Nang si Kenneth na ang nakashoot hiyawan ang mga babae, ok lang kung yung mga babae lang sa paligid ang naghihiyawan kaso kasama siya sa humihiyaw.
Nakataas pa ang mga kamay nito habangkumakaway kay Kenneth para iparating na andito kami sa tabi at sumusuporta sa kanya.
Sa inis ko agad ako pumuwesto sa harap niya para harangan siya kinuha ko ang dalawa niyang kamay at iniyapos sa aking baywang sa ganitong paraan hindi siya makakakaway kay Kenneth.
"Uyyyy ano ba ginagawa mo sakin" tanong niya habang pilit binabawi ang kamay niya.
Hindi ako kumibo at patuloy pa din siya sa pagbawi ng kanyang mga kamay.
"Ano ba!" at napasigaw na siya.
Napalingon ako sa paligid lahat ng katabi naming mga istudyante ay napalingon sa amin at nagsimula nang magbulungan.
Hindi ko pa din binibitiwan ang mga kamay niya at wala akong balak bitiwan yun.
"Hindi ba mas sweet kapag ganito?" sabi ko sa kaniya at nginisian ko nalang siya.
"Sweet para sa mag jowa eh wala naman tayo commitment walang namamagitan sa atin!" sigaw ulit niya.
"Meron hindi mo lang alam" at nginisian ko ulit siya.
"Huh! wala ako maalala na meron, pwede ba bitawan mo na kamay ko! " sigaw ulit niya. "Hindi paba ito napapaos naririndi na kasi ako" bulong ko nalang sa isip ko.
Ang dami niya sinasabi sa akin at nanatiling nakasigaw. Pumikit nalang ako habang nakikinig sa mga sermon niya habang hawak ko pa din ang mga kamay niya. Nang hindi siya tumitigil kakasigaw habang sinisermonan ako binuka ko ang mga palad niya saka ko inilapat ang palad ko.
Napangiti nalang ako kasi natahimik siya sa ginawa ko at ngayon magkahawak kamay kami. Naramdaman ko nalang na nakakapit na ang isa niyang kamay sa jacket ko kaya ngayon sabay naming pinapanood ang laban ni Kenneth habang nakayapos siya sa akin mula sa likuran at magkahawak ang isa naming kamay.
END OF IVAN'S POV