CHAPTER 2 IVAN MACFILED

4917 Words
IVANS POV Kinabukasan 3:30 am. Andito ako ngayon sa kwarto ko at pinagmamasdan ang babaeng natutulog sa kama ko, hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, siguro marahil sa pangyayaring pagkamatay ng kapatid ko. 5 years ago,reason bangungot, kinabigla ng pamilya at talagang hindi ko matanggap na wala akong nagawa bilang kuya siguro natatakot ako na maulit muli ang nangyari kaya siguro nandito ako ngayon. "Hmmm anlamig, papa...papa...huwag mo po akong iwan sasama po ako" wika ng babae at tuluyan ng humikbi habang nakapikit ito. Patuloy ang paghikbi niya kaya naman nilapitan ko na siya umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang pisngi nakikita ko ang kapatid ko sa kaniya ganito din siguro ang sitwasyon niya bago siya bangungotin. "Layka" wika ko. "Hmmm" ungol niya. Saka siya tumigil sa paghikbi dahil bahagya itong napamulat ng mata at tumingin sakin. Umupo ito at marahil kinukondisyo ang sarili sa napanaginipan. "Si papa iniwan na ako..... ang sakit.... hindi niya...ako...nililingon" at tuluyan nang humagulgol ng umiyak. Tiningnan ko lang siya hanggang sa nagsalita na ko para kumalma siya. "Panaginip lang yun wag mong seryosohin" Mukang epekto naman kasi huminto ito at tumingin sakin. Nagkatitigan pa nga kami mata sa mata ewan pero ang ganda ng mata niya ilang saglit pa ay tumango nalang ito. "Sige na matulog kana ulit" utos ko at umayos na siya ng higa upang matulog ulit. Tumayo na ako para bumalik ulit sa kuwarto nila mama, nang malapit na ako sa pintuan bigla siya nagsalita. "Wag ka maiinlove sa akin ah" wika nito sabay humalakhak ng tawa. Napangiwi naman ang labi ko sa narinig, at napailing nalang sa sinabi nito, pero napangiti ako ng konti sa malokong salitang binitawan nito. End of IVANS POV Napabalikwas ako ng bangon nang maalala na may pasok nga pala. "Hmm" himig ng isang lalaki. Hinanap ko ito ngunit walang ni anino sa harap ko. Nang mapalingon sa likod agad ko siyang nakita, nakaupo, nakadikwatro at nakatingin sakin suot pa nito ang kanyang pantulog na black padjama, ang buhok ay bagsak na kimpy hair, kaya parang nanibago ako sa ayos ng buhok niya kasi lalo siya naging cute at astig tingnan. Nag nguso lang ito at tipong may itinuturo. Napatingin naman ako sa tinuturo nang nguso nito, pagtingin ko pagkaing umuusok na soup, gatas at bread. Ang sweet mukhang alam ko na ibig niyang sabihin kaya tumango nalang ako. Tumayo na siya at naglakad papuntang pinto ng nakapamulsa, tinitigan ko lang ang likod nito. "Salamat" sabi ko nalang sa isip ko at tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Pagkatapos kumain ay nag asikaso na ako, nagulat ako pagpasok ko ng bathroom napakalaki nito, kumpara sa CR namin na maliit lang, may malaki ding salamin at kompleto din ang mga gamit panligo. "Paumanhin ma'am, ito na po ang inyong uniporme" sabi ng babae na nasa pintuan ng kuwarto. "Sige po salamat" sagot ko at inilapag na nito sa kama ang uniporme ko. Mukhang katulong ata 'yun bakit ngayon ko lang sila nakita. Akala ko pa n'ung una wala kasi si Ivan ang nag aasikaso maging sa mga pagkain ko. Bigla ako namula nang maisip na baka may gusto ito sa akin kaya inaasikaso ako at iniligtas sa mga gipit na sitwasyon. Agad ko naman binawi ang panaginip ko na iyon sa pagaakala na baka may girlfriend na ito, Imposible kasing wala itong girlfriend sa gwapo nito. Mabilis na ako nag asikaso, nang makatapos maligo at magbihis naisip ko tingnan ang mga gamit ko na marahil ay sira-sira dahil sa malakas na ulan kahapon, at hindi nga ako nagkamali malambot na ang mga notebook at may sira na ang ilan, pero dahil wala pa ako pambili at ayaw ko naman manghingi pa sa magulang ko, ito nalang gagamitin ko. Pagtatyagaan ko nalang ito. Nagulat ako nang may kumatok sa pinto. "Ma'am pinapatawag na po kayo ng señorito sa baba" sabi nito habang nakayuko. "Sige po bababa na po ako" sagot ko sa babae at binalik ko ang lingon ko sa mga notebook ko. Bahagya akong nalungkot pero wala naman ako magagawa pa. Paglabas ko ng kuwarto nagmadali na akong bumaba ng hagdan napahinto lang ako nang makita ko siyang nakatayo sa pintuan at mukhang naiinip na. "Wala kana nakalimutan?" tanong niya sakin. Umiling ako at hindi na nagsalita pa saka niya ako binigyan nang way palabas, dumeretso naman ako sa kotse niya na nakaabang sa labas, pagpasok sa kotse ay yumuko nalang ako, nalulungkot ako sa gamit ko hindi kasi ako nag iingat. Hindi nagtagal pumasok na din siya at umupo sa drivers seat, napahinto ito sa ginagawa niyang pag aayos ngunit hindi ko ito pinansin nanatili akong nakayuko. Nang maramdaman ang braso niya na tipong pupulupot sa katawan ko nanlaki ang mata ko at hinarap siya. Hindi niya ako tinitingnan, ang bango bango niya nahiya naman ako baka marinig niya ang pagsingot ko isipin pa na pinagnanasahan ko ito, nang matauhan saka ko lang napagtanto na inaabot pala nito ang belt para ilagay sakin, assumera talaga ako hmmf. Saka na ito umayos ng upo at pinatakbo na ang sasakyan, ako nanatiling nakayuko nakatingin sa bag ko. Sa kalagitnan ng biyahe naramdaman ko nalang na may kinuha siyang cellphone sa bulsa niya, hindi ko nalang inintindi at tumingin nalang ako sa labas nakatanaw sa mga sasakyang nakakasalubong. Nang makarating na kami sa iskwelahan at nasa gate palang ang sasakyan ni Ivan ay kumpulan na ang mga babae, mga nakangiti ito at kinikilig ng makita kaming paparating, as if naman kasama ako sa kilig nila, syempre si Ivan lang kinikiligan nila, Nang makababa ng kotse si Ivan grabe tilian ng mga babae, umikot si Ivan sa kabilang pinto para pagbuksan ako, hindi ito nakatingin sakin. "Salamat" wika ko. Nagbulungan ang mga babae sa paligid kasama na ang mga silahis, mga maritess nga naman. Naglakad na ako papuntang classroom, sumabay din sa akin si Ivan sa paglalakad hindi ito kumikibo at deretso lang ang tingin sa daan, ako naman nakayuko at nahihiya, bawat babae na makasalubong namin sa pasilyo ay nagbubulungan. " Bheeessttttt!" sigaw ng isang babae na nakatayo sa pintuan ng room tumakbo ako papunta sakin na may halong excitement, "Ang aga mo ngayon bhest ah" sabi nito sa akin sabay lingon sa lalaki na ngayon ay katabi ko na. Nanlaki ang mata nito at lumingon sakin. "Alam ko na nasa isip mo walang katotohanan yan" sagot ko agad sa kanya kasi naman baka ano pa isipin niya eh porket kasabay ko lang sa pagpasok ang lalaking ito Pumasok na ako sa classroom at umupo sa desk ko ganun din si Ivan, sumunod naman si Trina na nakangisi,umupo ito sa harap ko. "Bhest balita bakit sabay kayo?" tanong nito. "Mahabang kuwento bhest pero alam mo malaki ang pasasalamat ko diyan kasi iniligtas niyan ang buhay ko, muntik na ako marape kahapon buti nalang dumating siya" kuwento ko kay trina na ngayon ay nakikitaan ko nag sigla sa mukha tila namamangha at hindi makapaniwala. Patuloy ang kuwentuhan namin ni Trina nang biglang tumayo si Ivan. Lumabas ito nang room, naudlot naman ang kuwentuhan namin ni Trina ng palibutan kami ng mga babaeng naka cross arms at salubong ang mga kilay, naghawak kamay kaming dalawa ni Trina dahil nababalutan kami ngayon ng takot. "Ang landi mo girl, pati prince charming namin sinasabayan mo sa pagpasok, hindi nga kami makalapit at hindi din namin maka usap tapos ikaw!" galit na sabi ng isa. "Oo nga at bakit sabay kayo kanina? sinundo ka ba niya sa bahay niyo o nagpasundo ka lang ? ang landi mo" sabi pa nang isa. At nag salita na silang lahat. Tinakpan ko nalang ang mga tenga ko ng mga palad ko ganun din si Trina, gusto man namin umalis pero pinalilibutan kami nang Ivan's fans club haha, binigyan ko na nang code name ganun naman kasi pinapakita nila eh. "Anong nangyayari?" sigaw nang lalaki sa hindi kalayuan, "Ano meron bakit binubully niyo yung dalawa?" dugtong pa nito sa mga babaeng nakaikot samin. "Class President siya kasi eh" sabay turo sakin ng babae. "Oh ano naman problema sa kaniya?" tanong nito sa babae. "Inaagaw kasi niyan yung prince charming namin" sagot nito. "Bumalik na nga kyo sa mga upuan niyo, hala balik darating na guro natin" pagtataboy niya sa mga babae habang winiwave ang kamay na tila nagtataboy ng aso. Napaangat na kami ni Trina ng ulo, sa wakas wala na sila, tumingin ako sa class president namin at nakatingin ito sa akin, siya si Kenneth 22, matangkad, kasing height niya ata c Ivan, gwapo din siya at maputi,matangos ang ilong,lagi naka salamin kasi malabo na ang mata, matalino at class president ng room. Nasali din siya sa mga contest basta patagisan ng talino. "Salamat President" sabay na tugon namin ni Trina "Wala iyon naabutan ko kasi nagkakagulo kaya umawat na ako, I'm Kenneth pala ikaw?" sabay abot ng kamay niya sakin. "Layka" at nakipagshakehandsako ang kanyang kamay, " kilala na kita kahapon pa" sabay nginitian ko siya. "Ganun ba " sagot niya nang nakangiti din. Napansin ko na parang nag iba ang temperature ng classroom. Nang mapalingon ako sa likod ni Kenneth habang hawak pa din ang kamay nito, nakita ko si Ivan nakatayo sa pintuan at naka cross arms, ang sama ng tingin nito sa akin. Naglakad si Ivan papunta sa puwesto namin, derederetso lang ito hanggang umupo nalang sa kanyang bangko at ibinaling ang tingin sa bintana. Bumitaw naman na ako sa pakikipag shake hand kay Kenneth at nang uupo na ako sa desk ko, nanginginig ako na tila may mabangis na hayop sa likod na nakatitig sa akin at anytime puwede niya ako lapain. Natapos ang klase at nagmamadali na ako magligpit ng mga gamit ko para sana makauwi ng maaga. "Sumama ka sakin bago ka umuwi" sabi ni Ivan na ngayon ay nasa harapan ko. Hindi siya nakatingin sakin nakatingin ito sa bintana. Tumango nalang ako para malaman kung ano yun. Pagbaba namin sa groundfloor dumeretso kami sa parking lot, habang naglalakad may apat na lalaking nakatayo sa gitna, nakahelera ang mga ito, tinitigan ko sila ng mabuti at parang sila yung apat na lalaking nagtangkang gumahasa sakin kahapon, napahinto ako sa paglalakad, kinabahan ako bigla, baka hinihintay nila ako at akmang gahasain muli, nangingilid ang luha ko nang makita sila. Napatingin naman ako sa taong umakbay sa'kin. "Tara" wika n'ya sa mahinang boses. Nakatingin ito sa daanan, ako naman kahit takot na takot at pigil na pigil ay lumakad padin ako paabante habang nangingilid na din ang luha sa mga mata ko, nagpatianod ako kay Ivan sa paglalakad, bahala na. Nang makalapit na kami ay agad nagsiluhuran ang apat na lalaki ang pagluhod nilang 'yun ay gumawa ng eksena sa buong campus. "Patawarin mo kami" paulit ulit na sabi ng apat, napatingin ako kay Ivan na nakatingin din sa apat na lalaki ilang saglit pa my lumapit sa amin na nakatoxedong lalaki at yumuko ito sa amin, nag taas lang ng bahagyang kamay si Ivan at yumuko ulit ito bago umalis. Binalik ko naman ang tingin sa mga lalaki at lumapit ng bahagya sa mga ito. Nawala bigla ang takot ko at hinarap ang mga ito. "Pinapatawad ko na kayo" sabi ko nalang sa kanila para matapos na, nakaikot ang mga istudyante samin na tila dumadami kaya naman hinila na ako ni Ivan bago sinakay sa sasakyan saka agad pinatakbo ang kotse. Habang nasa biyahe; "Ikaw may gawa nun?" lakas loob kong tinanong sa kanya yung nangyari kanina. "Accident" tugon nito. "Weee accident lang ba talaga? wala ka kinalaman doon?" Tumango lang ito ng isang beses. "Eh yung lalaking nakatoxedo kanina bakit ka niya nilapitan?" tanong ko muli. "Para ipamukha sakin na ang guwapo ko" sagot nito. Parang napangiwi naman ang bibig ko sa sinabi nito, napataas din ang isa kong kilay. "May kakapalan din pala ang mukha mo no kung susukatin kasing kapal ng exterior ng gulong ng truck" napa cross arms pa ako habang sinasabi ang mga salitang yun. "Why? guwapo naman ako hindi ba?" pagyayabang pa nito. "Oo na guwapo ka hindi ko ikakaila yun pero hindi naman kailangang ipagyabang" bulong ko nalang sa aking isipan. " Sus kung hindi ko pa nararamdaman unti unti nang nahuhulog ang loob mo sa akin" sabay napatawa ako ng malakas. "Who?" tanong nito. "Edi ikaw" sagot ko na may pagngisi pa. "Hindi naman ako maiinlove sa gaya mo patpatin" sabi pa nito. Aba talaga ginagalit ako nito patpatin pala ah... hmmf. Nakasambakol padin ang mukha ko nang makarating sa mall, hindi ko alam na dadaan pala kami sa mall. "Ginagawa natin dito?" tanong ko na may halong pagtataka hindi ako pinansin nito kaya naman nagmadali na ako bumaba at sumunod sa kanya. Sa entrance halos nag bow sa kanya ang mga security guard, nung ako na ang papasok hinarang ako ng braso ng isang security guard. "Wait lang ma'am for security checking muna po" sabi nito sa akin. Lumingon naman si Ivan sa amin; "kasama ko sya" agad naman akong niyukuan ng security guard saka dumeretso na ako nang pasok. Nakasunod pa din ako kay Ivan at inililibot ang paningin sa paligid nang biglang huminto si Ivan dahilan kaya nasalpok ang mukha ko sa likod niya. Napahawak pa ako sa ilong ko, sakit eh, "Bakit ka huminto?" tanong ko. "Tsk pasok kana d'yan kunin mo ang kailangan mo" utos nito sa akin. Nakahinto kami sa bilihan ng school supplies. "Pe.. pero.. wala akong pera pambili" pag aalalang sambit ko. "Poor" sabi nito sa mababang himig. Aba talaga ginigigil ako ng lalaking ito ah tiningnan ko siya nang masama. "Ano 'yung sinabi mo, paki ulit nga!!" hindi ko na napigilan pang mahampas siya sa braso nito. "Come" sabi niya at hinila na ako papasok ng boot. Inutusan niya akong pumili ng kailangan ko. Ako naman kesa makipagbangayan ay sinunod nalang ang lalaki, mabilis lang ako natapos kasi konti lang naman ang kailangan ko. "Ok na yan?" tanong nito sa akin. "Oo ok na ito saan puwede magbayad?" tanong ko habang hinahanap ang cashier. Inakbayan lang ako nito habang naglalakad palabas, napadaan kami sa manager saka yumuko ito sa amin, kaya naman yumuko din ako. Nag wave naman ng bahagya si Ivan sa manager hanggang sa nakalabas kami ng boot. "Uyy teka hindi pa tayo nagbabayad" sabi ko kay Ivan na may halong pag aalala. "Bayad na" sabi niya habang naka akbay pa din sakin at deretso lang ang tingin sa daanan. "Bayad? pa_paano?" mahina kong sabi sa kanya pero hindi ako inintindi. Napadaan kami sa food section ng Mall. "gusto mo kumain?" tanong nito sa akin. "Nope busog pa ako" sabi ko sa kanya kasi talagang busog pa ako. "Ok bumili nalang tayo ng pizza for take out" sabi nito kaya naman dumeretso kami sa Shakey's. Sa labas lang kami kasi for take out lang naman. Nakatayo ako sa gitna kung saan may ring na pwedeng tambayan, napatanaw ako sa ibaba para malaman kung ano ang mga event na meron, maya maya pa biglang may umakbay sakin. "Ano tinitingnan mo?" tanong nito sa akin. "Wala naman, ano uuwi naba tayo?" "Yep lets go?" naglakad na kami habang nakaakbay pa din ito sakin. Feeling girlfriend ah kala mo naman, tsk pero aminin ko gusto ko din ang ganitong sitwasyon namin. Nang makarating sa bahay, agad na ako nagpaalam kay Ivan at nagpasalamat. Pumasok na ako ng bahay ngunit isang malakas na sampal ang ibinungad ni mama sa akin, napahawak ako sa pisngi ko sa sakit. "Sino ang lalaking 'yun? may relasyon ba kayo? sinabi ko bang makipagrelasyon ka?!" galit na galit ang mukha ni mama. Hindi ko naman masisi si mama kasi isang gabi ako hindi umuwi tapos naabutan pa niya akong hinatid ni Ivan. "Ma hindi ko po siya boyfriend hinatid lang po niya ako iyon po ang totoo" pagpapaliwanag ko kay mama habang hawak pa din ang mukha ko. "Pumasok ka sa loob at mag asikaso kana kakain na! ginigigil mo kong babae ka!" galit na sermon si mama, sinunod ko nalang ang utos ni mama sa akin inilapag ko nalang ang pizza sa mesa at agad na pumasok sa kuwarto para makapag asikaso. Sa hapagkainan magkaharap kami ni mama kumakain. Panay ang silip ko sa kanya gusto ko magsalita pero wala ako lakas ng loob. "Sino yung lalaking naghatid sa'yo?" pagbasag ni mama sa katahimikan. "At sino yung kausap ko kagabi na lalaki na ang sabi nasa bahay ka daw niya at nagpapahinga ano ba nangyari?" dagdag pa nito. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita."Ma, muntik na kasi ako magahasa kahapon," panimula ko. Nanlaki ang mga mata ni mama at bahagyang nanahimik tila hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Nawala po kasi ang wallet ko kaya hindi ako makaalis sa campus tapos sabayan pa nang malakas na ulan, kaso parang hindi titila ang ulan kaya umalis na ako nang campus pero may humarang sakin na apat na lalaki. Tapos ayun po tinulungan ako ni Ivan pero dahil nag aapoy ako sa lagnat kaya minabuti niya munang ideretso ako sa bahay nila kasi nakatulog po ako sa kotse kaya hindi na niya nagawa pang tanungin ako kung saan ako nakatira. Siya din po yung naghatid sa akin Ma. Malaki po ang utang na loob ko sa kaniya mama dahil sa pagtulong po niya. Sa katunayan nga ma binilhan niya ako ng gamit kasi nabasa na lahat ng notebook ko at nasira kaya ngayon lang po kami nakauwi. Sorry po Ma wala naman po ako cellphone kaya hindi ako nakapagsabi agad. Sorry po" Napansin ko si mama na bahagyang huminahon napabuntong hininga pa ito matapos malaman ang nangyari. "Sige na ubusin mo na ang pagkain mo at magpahinga kana, kamusta kana ngayon? may masakit pa sa'yo?" tanong nito sa akin na ngayon ay may halong pag aalala na. "Ayos na ako mama, yung sampal mo lang po ang masakit" pabiro ko. "Ikaw kasi eh, teka may langis dun sa kuwarto lagyan mo nalang yan bago ka matulog" paalala nito. Nagkakwentuhan kami ni mama habang nakain, kahit kami lang ayaw ko talaga siya nagagalit sa akin mahal ko kasi si mama mahal na mahal. Kinabukasan nag asikaso na ako para pumasok balak ko kasing mag lakad para naman ma excercise ako. "Ma alis na po ako" paalam ko. "O anak may vocation mga boss ko at mukhang isasama nila ako kaya maiiwan ka mag isa dito siguro mga three days din kami sa pupuntahan. Magsara ka nang bahay ah heto ang susi" pagpapaalam ni mama sa akin. "Opo ma mag iingat po kayo ah" sabay halik sa pisngi ang ibinigay ko kay mama at umalis na ako. Sa paglalakad ko iniisip ko pa din ang mga nangyari ang itsura niya na hindi na maalis sa isip ko napapangiti nalang ako kapag naaalala ko. Nagulat nalang ako nang may umakbay sa akin, napalingon ako kung sino. "Hey baby girl nag iisa ka ata, delikado pa naman sa daan" sabi nito habang nakatingin sa akin, "Wala naman ako magagawa eh, meron ba?" sabay dila ko dito. "Meron gusto mo sunduin kita palagi haha" sabay kindat sa akin. Tinangka ko siyang sipain pero pabiro lang para lang umalis lang ang pagkaka akbay niya sa akin. "Asa class president" muli ko siyang dinilaan at saka ako tumakno palayo. "Ho.. hoyyyy hintayin mo ko delikado sa daan!" saka siya humabol sa akin Muli ko siya nilingon at huminto sa pagtakbo, hinintay ko nalang siyang makarating sa pwesto ko. Nang maabutan niya ako muli niya ako inakbayan at naglakad na kaming muli. Habang naglalakad may bumusina sa amin sa likod kaya naman tumabi kaming dalawa nang mapadaan ang sasakyan sa gilid namin nakita ko si Ivan, sinundan ko ito nang tingin parang kinabahan ako bigla. "Baby girl matanong ko lang may relasyon ba kayo ni Ivan? kasi yun ang sabi sabi sa campus" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya hindi ko inaasahan iyon. "Hindi po kuya este president, wala po kaming relasyon may nangyari lang po kaya lagi ko siya kasama kahapon, Tama! may nangyari lang po nung isang araw" pagpapaliwanag ko. "Ano nangyari nung isang araw?" tanong muli nito. "Sekreto nalang po kung ok lang sana" pakiusap ko kay Kenneth. "Hmmm ok" sabay pingot nito sa ilong ko at naglakad na kaming muli. Nang makarating sa campus nakita ko si Ivan may kausap na babae parehas sila nakasandal sa side nang kotse. "Baby girl tara na!" sabi ni Kenneth. "Ah eh" tumingin pa ako sa puwesto ni Ivan at napatingin din ito sa akin. "papunta na po" sabay yuko ko at umalis na para sumunod na kay kuya Kenneth. "Siguro yun ang girlfriend niya, hmmm maganda yung babae ano laban ko dun at mukhang mayaman din" bulong ko sa isip ko habang naglalakad sa pasilyo papuntang silid-aralan. Pagpasok ko sa room ay umupo na ako sa desk ko na may lungkot sa mga mukha ko. Napatuktok nalang ako sa ulo gamit ang aking kamay. Ano ba ang ginagawa ko wala naman KAMI! "Hays umayos ka Layka tinulungan ka lang niya noon hanggang doon nalang yun wag ka mag hangad pa ng kahit ano" utos ko sa sarili ko na napabuntong hininga nalang ng malalim. Mag sisimula na ang klase nang kalabitin ako ni Ivan mula sa likod, "Psst anyare d'yan?" tanong nito sabay turo sa pisngi ko. "Ah wala" sagot ko na tila wala akong kagana ganang kausapin pa siya hindi na din siya nangulit pa, buong maghapon ding wala kaming kibuan ewan ba pero nawalan ako ng gana kausapin pa sya. Kada maramdaman kong papalapit siya ay umiiwas na ako kunwari hindi ko siya nakikita o kaya naman binabaling ko ang mukha ko sa pwedeng makausap at aalis na sa pwesto. Siguro ayaw ko lang ma involve sa kanila ng girlfriend niya. Pagkatapos nang klase ay agad na akong umalis nagdesisyon akong sumakay nalang nang jeep kung maglalakad ako baka kulitin naman ako ni Kenneth sa paghatid sa akin. Nang makarating ako nang bahay agad akong nag asikaso. Naligo muna ako bago nagluto wala kasi pala ngayon si mama kaya ako lang ang taong bahay. Nilibang ko ang sarili sa panonood ng TV. Pero tila naaalala ko ang nangyari sa parking lot kung saan nakita ko siya at may kasamang babae. Napabalikwas ako ng tayo at pinatay ko nalang ang TV saka dumeretso na ako sa aking kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumingin sa kisame. ”Tama iiwasan ko na siya" pinikit ko ang aking mga mata para makatulog na para sa pagpasok bukas. Lumipas ang limang buwan same senaryo walang kibuan at tinginan, iwas dito iwas dun, para kaming mga baliw. Buti nalang itong si Kenneth ay madaming baon na biro at kalokohan kaya naman naaaliw kami ni Trina. Lagi din kami sinasamahan nito kung saan man kami magpunta at isa pa malaya na din akong maglabas pasok sa room hindi na ako dinudumog pa nang Ivan's fans club. Breaktime at nandito kaming tatlo sa canteen nagkakakwentuhan katabi ko si Kenneth at nasa harap namin si Trina. Panay tawa namin sa bawat kuwento ni kuya Kenneth hindi sinasadyang napalingon ako sa glass window ng canteen, nakita ko si Ivan nakaupo may kasamang babae nakatalikod ito sa canteen. Hindi ko alam pero parang naghihintay ako nang susunod nilang gagawin, hindi nagtagal nakita ko nalang na lumapit ang babae kay Ivan at walang alinlangan na humalik kay Ivan dali dali ako yumuko at naramdaman ko nalang na humahapdi ang mga mata ko. "Guys CR lang ako" sabi ko sa dalawa ng hindi man lang sila tinitingnan tumayo na ako at tumakbo agad agad para magtungo ng CR. Nakarating ako sa CR at buti naman walang tao. Napaharap ako sa salamin at isang tubig ang ngayo'y dumaloy sa aking pisngi. "Hala ano to? umayos ka self sasaktan kita" sabi ko sa babaeng kaharap ko sa salamin. "One day lang yun girl, one day na naging knight and shinning armor mo, gumising ka! walang namamagitan sa inyo maliwanag" pagpapatuloy ko pa. "Pero bakit ang sakit?" tuluyan na akong umiyak hinayaan ko lang na dumaloy ng dumaloy ang luha ko. Pinikit ko lang ang mga mata ko, magiging ok din ang lahat after nito. Nang makaraos ay lumabas na ako ng C.R. hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nakita ko si Ivan nakatayo sa poste ng canteen at naka cross arm ito nagkatitigan pa kaming dalawa pero agad ko binaling sa sahig ang tingin ko at maglakad na. Nang makarating ako sa tapat niya bigla niyang hinawakan ang braso ko, napahinto ako pero nanatili akong nakayuko. "Umiyak ka?" tanong nito sa akin pero umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya. "Tsk let's go" at hinila na ako palabas ng canteen Sa parking lot; "Saan tayo pupunta?" tanong ko habang pinupunasan ang mga mata ko. "Get in" sabi nito habang hawak ang pinto ng kotse. "No! saan tayo pupunta? baka kapag nalaman pa ng girlfriend mo na may kasama kang iba ako pa pagbalingan tawagin mo nalang ang girlfriend mo" "I said get in!" napalakas na nito ang pagsasalita habang nakayuko. Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya kaya naman sumunod nalang ako. Habang nasa biyahe, tahimik lang namin binabagtas ang highway hanggang sa hindi na ako nakapagpigil kaya naman nagsalita na ako. "Amm dapat hindi ako ang sinasama mo dapat yung girlfriend mo Van ayaw ko ng gulo na trauma na ako" nang marinig ang sinabi ko agad niyang kinabig ang manobela pagilid ng kalsada. Napasigaw naman ako kasi nabigla ako sa ginawa niya. Nang mapatay ang engine nang sasakyan agad itong nagsalita. "Kanina mo pa sinasabi na may girlfriend ako. Sino naman nag papakalat nyan?" tanong nito nang nakayuko pa din. "Ano kasi nakita ko kayo noon sa park__" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla s'yang sumagot. "Hindi ko siya girlfriend wala akong girlfriend" wika nito. Hindi ko alam kung sasaya ako sa sinabi nya pero parang natatakot ako ngayon sa asta niya. "Ammm ganun ba amm sorry" humingi nalang ako nang tawad alam kong may mali din ako. Umayos na ito ng upo, sinandal ang ulo at katawan sa upuan at bumuntong hininga. "Kaya ba hindi mo ko pinapansin dahil akala mo may girlfriend ako?" sabay lingon nito sakin at tinitigan ako sa mata. Naluluha ako na ewan, sobrang miss ko ang mga matang iyon natameme naman ako sa tanong niya hindi ako halos makasagot basta ang alam ko tinititigan ko ang mga mata nya. "Look iki clear ko lang ha wala akong girlfriend" sabi nito at tumango lang ako. Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa pisngi ko tila may pinupunasan. "OMG naiyak ba ako?" pagtataka kong tanong sa sarili saka ko lang naramdaman ang patuloy na pagbagsak ng mga luha ko habang nakatitig sa mga mata niya ganun din siya sakin hindi niya nilalayo ang tingin sa mga mata ko. Niyakap niya ako, sobrang miss ko talaga siya kaya naman hinayaan ko lang na yakapin niya ako hindi ko namalayan na tumugon ako nang yakap sa kanya kaya naman magkayakap kami ngayon sa sasakyan. Hindi siya naalis sa pagkakayakap sa akin hanggat hindi ako tumitigil sa pag iyak. " Na..na... ammm namiss Kita" sabi niya sakin habang yakap pa din ako. Nagulat naman ako at hindi agad nakatugon sa sinabi niya pero nang matauhan; "mas.. na..miss.. kita" sagot ko sa mahinang boses putol putol pa ang pagkakabanggit ko dahil patuloy pa din ang pag iyak ko. Hindi ko mapigilan, parang lahat nang naramdaman kong sakit sa loob ng limang buwan ay naibuhos ko ngayon. Lalo namang humigpit ang yakap niya sa akin hinayaan ko nalang kasi naman talagang namiss ko siya. Lumipas ang 10 minuto kumalas na siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin "ok kana?" tanong nito sa akin, tumango naman ako bilang sagot sa kanya. "Let's go? " "Saan ba tayo pupunta?" "Babalik na sa school saan paba?" sagot nito. "Huh?" "Oh bakit? kaya lang naman kita ibinayahe kasi para makausap ka yun lang" pagpapaliwanag nito sa akin. "Gusto mo lang ako masolo" biro ko pa dito. "Sus sino kaya at ako pa talaga ah wala sa vocabulary ko iyan" nakita ko ang bahagyang pagngisi nito. "Talaga lang ah haha" sabay tawa ko sa pambabara ko sa kanya. "To be honest, ammm oo gusto kita masolo para makausap bigla ka kasi nagbago nang pakikitungo kaya naman naghintay ako ng pagkakataon. Nag observe din kasi ako at nag isip nang nagawa kong pwede mo ikagalit pero wala talaga ako maisip" pagpapaliwanag nito habang nakayuko at ang isang kamay ay nakahawak sa bangko ko sa bandang uluhan. Ramdam ko ang sincere niya sa mga sinabi nakaramdam din ako nang lungkot at konsensya kasi tila ako ata ang may problema. "Sorry" tanging salitang nasambit ko. Hinawakan ako nito sa ulo at ginulo gulo ang buhok ko. "Lets go malelate na tyo" sabi nito. "Sige " pagsang ayon ko dito. Agad na niyang hinarurot ang sasakyan para umabot sa oras. Nang makarating sa paaralan at naipark na din ang kotse sa parking lot. Agad bumaba si Ivan ganun din ako, hindi na ako naghintay pang pagbuksan pa ng pinto, pagkababa ay sabay na kaming tumakbo, lakad takbo ang ginawa namin hanggang makarating sa classroom. Buti nalang at wala pang titser nang makarating kami nang room agad kami umupo ni Ivan sa mga desk namin. Napahiga pa ako sa desk ko sa pagod. Napansin ko naman ang pagtataka ni Trina sa amin nang humarap ito sa pwesto namin. Hindi na ito nagtanong pa. At s'yang dating na ng aming guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD