CHAPTER 1 TRANSFER STUDENT

4993 Words
07:30 am sa Paaralan. Unang araw ng klase at ang lahat nang mag aaral ay abalang naghahanap ng kani-kanilang silid aralan. Halos kumpulan ang mga mag-aaral, may mga nagsisigaw, may mga nagtatawanan at may mga naghahabulan, "Pupunta muna ako sa canteen ah mauna kana" wika ko sa babaeng kakakilala ko lang ngayong araw. Siya si Layka Villa Ruiz 18 taong gulang, isang 3rd year Business Administration College Student. Maputi siya na matangos ang ilong, kissable lips, bilugan ang mata, 5'3" ang taas, mahaba at itim ang buhok at balingkinitan ang katawan. Nakatira sa Visayas Street kasama ang kanyang nanay at tatay.Si Layka ay nag-iisang anak na babae sa pamilya ngunit kahit ganoon hindi siya pinalaki ng kanyang mga magulang na spoiled.Si Layka ay isang mabait na bata at kuntento sa mga bagay na mayroon sila, ang tanging hiling niya ay maging masaya ang kanyang mga magulang. Mahirap ang estado ng kanilang buhay, kaya sa kasamaang palad ay lumayo ang kanyang Ama.Nag-abroad ito para malampasan ng kanyang pamilya ang kahirapan at maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral na siyang tanging pangarap ng kanyang mga magulang para sa kanya.Ang kanyang ama ay hindi na nakauwi ng Pilipinas sa loob ng 5 taon, upang makatulong at makaipon, ang kanyang ina ay namasukan bilang isang katulong. Sa entrance gate ng paaralan, may pumasok na isang Black Honda Civic Rs Turbo Cvt saka dumiretso sa parking lot ng paaralan, "Kailan kaya ako magkakaroon ng ganoong kagandang sasakyan" sabi ko sa isip ko na tila manghang mangha sa itsura ng sasakyan, maya maya pa isang lalaki ang iniluwa ng sasakyang iyon, naka black maong, and white sporty jacket, at may suot na white sony wh-1000xm4 headphones, naghiyawan ang mga babae na nasa entrance, naglakad naman na ako papuntang canteen dahil nagugutom na talaga ako. Naririnig ko nalang ang mga babae na nagtitilian at hinihiyaw ang salitang ang guwapo mo Ivan Sa loob ng canteen, thanks GOD kakaunti palang ang nakapila, marahil nasa labas lahat at nakikiusisa sa guwapong lalaki. Pumunta ako sa soup and bread area, hindi lingid sa kaalaman ko na may kamahalan ang paninda dito sa canteen. Nang matapos mamili pumila na ako para magbayad. Nasa kahera na ako nang maramdamang tila walang mabigat na bagay sa bulsa ng pantalon ko. "Ate wait lang ah" sabi ko sa kahera na ngayon ay naghihintay ng bayad ko. "Ang malas ko naman ngayong araw" sabi ko sa isip ko na ngayo'y nakakaramdam na ng kaba kung ano na gagawin ko dahil nawawala ang pitaka ko. "Miss pakibilis nalang nahaba kasi ang pila" sabi ng kahera na may pagkainis na din ang mukha. "Mukang nahulog ata wallet ko kasi ate" dahilan ko nalang pero hindi ko talaga maalala kung saan ko nailapag ang pitaka ko. Minabuti ko nalang isauli ang kinuha kong mga pagkain dahil sa nawala ang pitaka ko. "Ate isauli ko nalang po wala po kasi akong pera" nginitian ko nalang si ate kahit hiyang hiya ako sa nangyari. "Ilagay mo nalang diyan sa tabi kuha ng kuha wala naman palang pambayad"sabi ng kahera na nakasalubong pa ang mga kilay. Hindi ko naman ginusto ang nangyari eh, "Pasensya na po ulit" sabi ko nalang. Paalis na ako sa pila nang may humawak sa braso ko. "How much" sabi nito sa kahera na may seryosong pagmumukha.Tila nagulat naman ang kahera at nanlaki pa ang mga mata nang makita ang lalaki. Ito si Ivan Macfiled 23 years old, mayaman, 5'7" ang height, maputi at matangos ang ilong, chinito, kissable lips, black kimpy hair, bali balita na madami na daw itong pinanghahawakang negosyo. Si Ivan ay nag iisang anak ng pamilyang Macfiled. Sa edad na 23 iminulat na siya nang kanyang mga magulang kung gaano kahalaga ang mga bagay bagay na pinanghahawakan nila ngayon. Pamilya ng Macfiled ang nagmamay ari ng isang sikat na mall sa manila, hawak din ng pamilya niya ang ilang naglalakihang pagawaan ng wine sa bansang Japan. Si Ivan ay klase nang tao na suplado at seryoso pero may tinatago ding bait, maalaga sa kaibigan at matulungin kahit kanino. "350 pesos pogi" nakangiting sabi ng kahera, grabe talaga nakakita lang ng guwapo nagbago na ang mood kung kanina kala mo kung sino makataboy sakin ngayon naman kala mo ay maala Maria Clarang lang. Kinuha na ng kahera ang bayad ng lalaki at sinabay na din nito ang kinuhang meal, nang makapagbayad ay umalis na ang lalaki. Nakatitig lang ako sa likod niya nang may halong pagtataka kung bakit niya nagawa yun pero nang matauhan ay agad ko siyang hinabol para sana magpasalamat agad ko naman sya naabutan at sumabay sa kaniyang paglalakad. "Ammm salamat pala ah, ang totoo kasi hindi ko malaman kung saan ko nailapag ang wallet ko kaya naman __"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdamang nasa exit door na kami ng canteen, hindi niya ako tinitingnan, wala ding word na kahit ano ang lumabas sa bibig niya, isip ko tuloy ang suplado naman nito, mabait pero may pagka suplado. Huminto ang lalaki sa mismong exit door at lumingon sakin, napatingin ako sa kaniyang mga mata na chinito na tila may gusto sabihin, parang sinasabi niya ok lang yun walang problema, saka na ulit humarap sa harapan niya at nagpatuloy na sa paglalakad.Tuluyan nang nawala ang lalaki, naghanap nalang ako nang mauupuan para makakain na. Matapos makakain ay dumeretso na ako sa silid aralan, saktong pagdating ko ay siyang pagdating ng aming prof, pumuwesto ako sa bandang likuran para kapag may recitation ay makapaghanda ako at hindi nabibigla. Nakita ko naman ang nakilala kong klasmeyt kanina, nakaupo ito sa harap ko at nginitian ako nang makita akong papunta sa gawi nya. "Musta girl? muntik kana malate" pag aalala nito. "Oo nga eh muntik na nagkaproblema kasi sa canteen nawawala kasi ang wallet ko" sagot ko naman na may konting lungkot sa boses ko. "Okey class, may transfer student and now makakasama niyo at sana kaibiganin niyo siya,pasok na iho" tugon nang aming prof. Pumasok ang lalaki, naghiyawan ang mga babae at bading sa silid aralan. Ako naman ay busy sa paghahanap pa din nang pitaka ko habang hindi pa nag-uumpisa ang klase dahil wala talaga ako pamasahe pauwi, wala ako naiintindihan sa paligid ko siguro ganun talaga kapag focus ka sa isang bagay, ang tanging alam ko nalang ay biglang naghintuan ang mga klasmeyt ko kakasigaw at nagsasalita ang aming prof. Sa kalagitnaan nang paghahanap ko nang wallet sa loob nang bag ko. Napahinto ako nang makita ko ang pares nang sapatos na nasa gilid nang mesa. Unti unti ko tinaas ang ulo ko para alamin kung sino at nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ko siya ulit, nagkatitigan kaming dalawa, mga 2 minuto din ang itinagal, napawi lang ang titigan namin nang makarinig ako nang bulungan sa paligid ko. "Sir dito nalang po ako uupo" sabi nang lalaki at naglakad na papunta sa likod ko, OMG nasa likod ko sya. Kabado naman ako sa hindi ko malaman na dahilan, pakiramdam ko kasi nakatingin siya sakin at hindi talaga inilalayo, sana nagkakamali lang ako para makapag focus ako sa pag aaral. 04:00 PM Pagkatapos nang klase, ang lahat ay nagsiuwian na iilan nalang ang natira sa campus, ako nasa exit door nag iisip paano uuwi dahil malayo layo pa naman ang bahay pwede naman lakarin kaso naulan siguro hihintayin ko nalang ang pagtila nang ulan bago umuwi abutin man nang gabi wala naman ako magagawa kasi nawala ang wallet ko. "Layka uwi na ako" sabi ni Trina, Trina ang pangalan nang babaeng una ko palang nakilala kaninang umaga bago ako pumunta sa canteen. "Ikaw ba hindi kapa uuwi?" dugtong nito. "Maya na ako konti may hihintayin lang akong sundo" pagsisinungaling ko nalang kay Trina, sorry Trina nakapagsinungaling agad ako. "Sige ingat ka besh" paalam nito. Kumuway nalang ako sa kanya nang tuluyan nang mawala si Trina sa kalsada, ako ito naghihintay pa din ng paghinto ng ulan. Sobrang dilim ng langit panigurado matatagalan pa ito. Ilang minuto pa ang dumaan at tila hindi ata hihinto ang ulan nag disisyon na akong lumusob sa ulan mabasa man ako ok lang kasi uwian na maliligo nalang ako pag uwi. Hindi pa nakakalayo sa campus ay may humarang na tatlong lalaki sa harap ko na mga nakangisi, tantya ko mga 4th year college sila kasi sa suot nilang uniporme, akmang aatras na sana ako nang biglang napasandal ako sa matigas na katawan at sabay yakap nito sa aking baywang, narinig ko ang pagtawa ng lalaki. "Bro pwede na to" sabi ng lalaking yumakap sa baywang ko "Oo bro pwedeng pwede buhatin mo na yan" kinabahan ako nang sobra wala akong makita tao sa paligid liban sa apat na lalaking to, basang basa na din kami sa ulan, akmang sisigaw na ako para humingi nang tulong pinigilan ako nang lalaking nakayapos sakin. "Tumigil kana sa pagsigaw, wag mo na tangkain pang muli, dahil masasarapan ka din naman mamaya" pagbabanta nito, nagtawanan ang mga lalaki at ako takot na takot sa pwede nilang gawin sakin kaya imbis na panghinaan nanlaban ako pilit ko tinatanggal ang kamay nang lalaki sa baywang ko. Nanatili ang pagpipiglas ko habang hinihila nila ako sa liblib na lugar kung saan walang ibang makakapuntang tao, nang makarating sa lugar agad akong tinulak nang lalaki sa kasama niya kung hindi ako nagkakamali ito ang leader nila. Nang mapapunta ako sa leader nila agad ako nitong tinulak sa pader, kaya naman napasandal ako at nanakit nang bahagya ang likod ko sa impak nangpagkakatama ko sa pader, mabilis din niyang hinawakan nang marahas ang pisngi ko ang sakit pilit ko hinahawakan ang mga braso niya at hilahin pababa para mabitawan niya ako kaso hindi ito ipektibo nanatili ang ganun hawak niya sa pisngi ko. "Bitawan mo ko!" kahit hirap nasabi ko s'ya nang buo sa lalaki, nagtawanan naman ang ibang lalaki at nang makita ko ang itsura nang lalaking nasa harap ko nakangiti ito na animoy isang mabangis na hayop, mapula din ang mga mata nito kaya nabalutan ako nang takot pero patuloy pa din ako sa pagpipiglas at pagsigaw nang tulong kahit mahina ko na ito naisisigaw dahil sa paghawak niya sa pisngi ko. Nagbabakasakali padin akong makaalis sa pagkakahawak niya at may lumapit na tulong. "Tanggalin na natin damit mo basang basa kana kasi baka magkasakit ka" sabi nito, nanlaki ang mga mata ko sa narinig lalo ako nataranta sa sinabi nya. "Hayop ka! bitawan mo ko! tulongggg! " sigaw ko agad dinamba nang malalapad nitong kamay ang damit ko sa bandang dibdib nagulat ako at naluluha na pero tuloy pa din ako sa pagpupumiglas at paghingi nang tulong. "Tulong! tulungan nyo ko!! pakiusap" habang nahingi nang tulong naramdaman ko nalang ang paglapat nang labi nang lalaki sa leeg ko, kinilabutan ako at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko habang nakapikit patuloy pa din akong humihingi nang saklolo nagbabaka sakaling may tutulong. Hindi nagtagal naramdaman ko nalang ang pagbitaw nang lalaki sa bibig ko at tuluyan itong bumagsak sa harap ko. Napamulat ako nang mata at bumungad sakin ang walang malay na lalaki na kanina lamang ay marahas akong sinasamantala. Napatingin din ako sa mga kasama nito na tila mga tulog dahil mga nakahandusay sa simento at mga naghihilik, paglingon ko sa harap ko isang lalaki ang nakatayo na hindi naman kalayuan sakin, hindi ko pa siya matingnan nang ayos dahil sa mga luhang napatak sa mga mata ko sabayan pa nang buhos nang ulan na sobrang lakas. Palapit ito sa pwesto ko, inayos ko ang damit ko at hinawakan ang bandang dibdib kasi nasira banda dun ang damit ko nawala na ang butones dahil sa pagkakahila ng lalaki kanina patuloy pa din ang paghikbi ko. "Wag po parang awa niyo na" pagmamakaawa ko sa lalaki na ngayon ay nasa harap ko na, napatagilid ako nang pwesto sabay upo at yumuko sa takot na galawin ako nang pwersahan. Nanlalamig na din ang buo kong katawan, hinang hina na din ako sa pagpupumiglas ko kanina kaya wala na ako laban kung marahas pa akong gagalawin nito at pagtangkaang gahasain. Ipagdadasal ko nalang na sana ay nagkakamali lang ako ng hinala sa lalaking ito. "Ms. Villa Ruiz right?" tugon nang lalaki. Napaangat ang aking ulo at napalingon sa lalaking nasa harap ko kanina na ngayon ay bahagyang nakaupo, sapat lang para pumantay sakin, kinusot kusot ko pa mga mata ko para maaninag ko s'ya at nang maaninag ang itsura nang lalaki nagliwanag ang mukha ko dahil kilalang kilala ko sya hindi ko mapigilan ang umiyak at yumapos sa lalaki, sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya wala naman ako narinig na salita sa kaniya, malaki talaga ang pasasalamat ko sa kaniya.. kung hindi dahil sa kaniya tuluyan na akong nagahasa. Nanginginig ang buo kong katawan tila hindi pa din makamove on sa nangyari knina habang nakasubsob sa dibdib niya at umiiyak. Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang ulo ko at idiniin ng bahagya sa dibdib niya tapos ang isang kamay nito ay tinatapik tapik ang balikat ko tila nagpapahiwatig na sige lang iiyak mo lang. Tahimik ang paligid tanging ang pagbagsak lang ng ulan ang maririnig at ang aking hagulgol na iyak.. " Maraming salamat " sambit ng isip ko na may labis na saya dahil sa pagligtas nang misteryosong lalaki. IVANS POV Uwian na nang tuluyan nang bumagsak ang malakas na ulan, nagpasya akong umuwi na dahil nakaramdam na din ako nang pagkagutom, at tila kakaunti na din ang mga istudyante sa labas kaya hindi na ako mahihirapan pang maglakad sa pasilyo pababa. Ewan ba bakit ganun mga babae hindi naman ako artista hindi din ako kagwapuhan para tilian kaya naman kapag may babae sa dadaanan ko hindi ko nalang tinitingnan, hindi na bale isipin nilang suplado ako. Sa pasilyo napatingin ako sa bintana na tila narinig ko ang familiar na boses kahit mahina lamang ito, sumilip ako sandali para tingnan ang nangyayari sa baba. Sa harap nang building na kinatatayuan ko nakita ko ang dalwang babae na nag uusap,ang isa tila namamaalam at ang isa ay nakatayo lamang sa exit door nang building, kung hindi ako nagkakamali locker room yun nang mga babae..tiningnan ko pa nang may katagalan ang babaeng nasa exit door, "Hmm siya pala" at biglang may naalala ako about sa nangyari kanina sa canteen. Wala nga pala itong pera dahil nawala ang wallet niya, "wala bang susundo sa kanya? meron siguro nakatayo lang sa exit door eh" sabi ko nalang sa isip at umalis na.. Sa parking lot napasilip pa ako sa gawi nang babae kanina pero wala na ito,siguro may sumundo na..kaya kesa tuluyan akong mabasa ay pumasok na agad ako sa kotse. Sa loob nang kotse ay hindi ko na napigilan ang gutom ko kumukulo na talaga ang tiyan ko.. pagsilip sa gawing pintuan ng canteen patay na ang ilaw nito ibig sabihin sarado na ang canteen, no choice bumaba ako nang kotse at bahala na kung mabasa ako nang ulan basta hahanap ako nang tindahan para makabili nang kahit bisquit man lang, kung may makitang tinda na payong bibili nalang din ako. Sa labas ng campus walang katao katao siguro dahil na din sa lakas ng pagbagsak ng ulan nagpatuloy ako sa paglalakad nagbabaka sakaling makakita na nang tindahan sa hindi kalayuan. Patuloy ang paglalakad ko nang may marinig akong matinis na tinig na humihingi nang saklolo.. hinanap ko san nanggagaling ang boses, kahit basang basa na ako sa ulan nakikiramdam ako sa paligid.Nang marating ang lugar kung saan ko naririnig ang boses nang isang babae, nag observe ako sa paligid, tatlong lalaki ang nsa likuran nang nakalayong lalaki at may hawak sa babae. Nagkaroon ako nang pagkakataong lumapit sa tatlo,dahil nakafocus sila sa lalaking sarap na sarap dilaan ang leeg nang babae, agad ko nilabas ang waterproof electric stun gun ko na korting flashlight at dali dali kong idinikit sa leeg nang tatlo. Salamat na din sa ulan dahil dagdag voltage din ito. Nang matapos sa tatlo ay agad kong sinunod ang lalaki na nasa harapan, agad itong bumagsak matapos ko idikit ang device sa leeg nito, napaatras pa ako nang konti para umiwas sa pagbagsak nito. Tiningnan ko ang babae, mukang familiar siya kaya tinitigan ko siya hanggang maalala na klasmeyt ko pala ito, siya din yung nawalan nang pitaka at nakita ko sa baba nang building na tila may hinihintay, akala ko pa naman nakauwi na ito, lumapit ako sa pwesto niya pero agad siyang humarap sa gilid at umupo, nakapikit ang mga mata at nakahawak sa damit na nasira sa gawing dibdib nito, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa agad sa kanya siguro dahil sa nangyari kanina, nanginginig ito at basang basa na sa ulan, wala ako maisip na paraan upang kumalma siya, hanggang sa napagpasyahan kong magsalita nalang at banggitin ang apelyedo niya, "Ms. Villa Ruiz right? " sambit ko nalang sa kaniya, mukhang umipekto naman dahil tumahan ito at tumingin sakin, yun lang hindi ko inaasahan ang pagsubsob nito sa dibdib ko, kasabay ang pagyakap habang umiiyak, nanginginig din ito, kaya naman hinayaan ko siyang umiyak, wala na ako sinabi pa na kahit ano, hinawakan ko nang bahagya ang ulo nya at idiniin pa ng bahagya sa dibdib ko, ang isa ko namang kamay ay pinatong ko sa balikat niya habang tinatapik ito.. ilang minuto pa.. nagpasya akong buhatin nalang siya, kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla, pero iniwas ko agad ang aking tingin, at dahil wala din naman ako mahanap na tindahan nagpasya akong bumalik nalang nang campus habang buhat siya, malakas pa din ang buhos nang ulan kaya nagmadali na akong ipasok siya sa kotse at ihatid siya sa bahay niya, hindi nagtagal ay umalis na kami nang campus.. Sa biyahe napalingon ako sa kaniya, tulala ito nakayuko habang nakaangat ang mga tuhod nito, nakapamaluktot at nakapatong ang ulo sa tuhod, hindi ko na tinangka pang kausapin siya marahil siguro naiyak pa din, kaya nag focus nalang ako sa kalsada, nilingon ko siya ulit baka sakali nakaayos na siya ng upo pero ganun pa din ang pwesto niya habang panay ang tulo ng tubig sa buhok nito maging sa upuan ng kotse. Iginilid ko muna ang kotse at kinuha ang jacket ko na nasa likurang upuan at iniabot ito sa kaniya, napansin ko pa ang pagkagulat sa kaniya at bahagyang pag atras sa kamay ko nang makita, siguro sa trauma kanina, nakakaawa naman, hindi ako nagsalita at tiningnan lang siya, tumingin naman siya sa mga mata ko mga isang minuto din yun, napansin ko nalang na parang uminit ang pisngi ko dahilan para napayuko ako. Ang cute pala niya, sabi ko sa isip ko. Hindi ko napigilan kasi naman ang ganda nang mga mata niyang bilogan, isama pa ang labi nitong kissable lips at pinkish na mukha, napaka inosente din nang kanyang aura. Nang makuha na sa kamay ko ang jacket pinatakbo ko na ulit ang sasakyan. End of IVAN'S POV LAYKA'S POV Nasa kotse kami ngayon nang lalaking nagligtas sa akin hindi ko alam pero kinakabahan pa din ako, napapalingon ako sa gawi niya habang nagdadrive siya, "Amm salamat nga pala sa pagligtas sa akin sir __" hindi ko natuloy ang sasabihin. Hindi ko nga pala alam ang pangalan niya kahit magkaklase pa kami,, kasi naman hindi ito nagsasalita sa klase kanina kaya naman hindi ko na inalam pa ang pangalan, in short boring siyang tao. "Ivan" sagot niya habang nakatingin pa din sa harapan at nakafocus sa kalsada. "Thank you Ivan sa pagligtas sa akin" Ivan pala ang pangalan niya, now may itatawag na ako sa kaniya hindi na SIR.. Napahinto kami sa convenient store malakas pa din ang ulan,siguro may bibilhin siya, bumaba ito nang sasakyan at agad pumasok sa store. Naghintay ako sa kotse, nanginginig ako sa lamig, bakit kasi may aircon, kaya naman pinulupot ko ang jacket niya sa katawan ko, nakakaramdam din ako nang pagkahilo , gusto ko na umuwi, para makapagpahinga,wala din pala si mama ngayon sa bahay, nasa trabaho, si papa naman lumuwas pangibang bansa sa Japan. 5 taon na ang nakakalipas, para daw iahon kami sa hirap, siguro matutulog nalang ako pagkadating ko nang bahay medyo matagal din siya sa loob mga 6 minutes pero hindi pa din siya nalabas. Maya maya pa lumabas na siya ng store my bitbit itong plastik bag. Pagkapasok niya sa kotse agad niya kinuha sa plastik bag ang cup noodles, umuusok ito, kaya siguro natagalan siya sa loob,, tinititigan ko siya habang hinahalo ang cup noodles at nang matapos agad niya itong inabot sakin.. hindi na ako nagdalawang isip, kinuha ko ito at unti unting kinain, napatingin pa ako sa kanya, at nakatingin ito sa akin, medyo nanlalabo talaga paningin ko.. pero hindi ko ininda kumain lang ako at hinigop nang hinigop ang sabaw para mainitan ako. Pag lingon ko sa kanya kumakain na din ito, napangiti pa ako kasi sinasabayan niya akong kumain, mabait pala siya kahit may pagkasuplado. Natapos ako kumain at nilagay ko sa harap ang cup, bahagya ako huminga ng malalim at napapikit, hindi ko alam pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko at nanlalabo talaga ang paningin ko, "Tara na Van iuwi mo na ako" nakapikit ako habang binabanggit ang mga salita. "May tao ba sa inyo" tanong nito sa akin. Bakit kailangan pa tanungin?ang mahalaga iuwi na niya ako hmmf. "Wala" sagot ko nalang, at napasandal na ako sa bintana. Isang mainit na palad ang humawak sa noo ko, parang kamay ni papa, nangingilid ang luha ko kasi namimiss ko na si papa at naalala ko siya dahil sa mga palad ni Ivan..Naramdaman ko nalang tumakbo na ang sasakyan, at may kausap siya sa phone, hindi ko maintindihan ang pag uusap nila kasi masama na talaga ang pakiramdam ko.. hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nang magising ako wala nang liwanag sa labas ibig sabihin gabi na, naku hahanapin ako ni mama nito, hinawakan ko pa ang ulo ko kasi kumikirot, meron ding towel sa noo ko na amoy alcohol, dahan dahan ko minulat ang mata ko, napabalikwas ako ng upo nang makita si Ivan nasa gilid ko nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sakin.. "A... asan ako?" tanong ko agad kay Ivan habang hawak pa din ang ulo ko sa sobrang sakit. "Nandito ka sa kwarto ko" sabay tayo nito at tumalikod na sa akin. Oo nga pala nasa kotse niya ako kanina pero sabi ko ihatid ako sa bahay, bakit dito ako diniretso. "Diba sabi ko sa bahay mo ko ideretso?" "Paano kita idederetso sa inyo hindi ko naman alam ang bahay niyo, isa pa nakatulog kana sa sasakyan at nagliliyab sa lagnat kaya diniretso muna kita dito" "Ganun ba, hala magagalit ang mama ko" wika ko na may pag aalala. "Tawagan mo" wika nya "Wala akong cellphone" "Bakit wala? " "Wala akong pambili hello hindi ako mayaman" "Bakit wala?" "Puwede ba!! " napalakas na ang hiyaw ko.. nakakainis kasi sya eh ang daming tanong akala ko pa naman tahimik siyang tao.. "Kamusta pakiramdam mo may masakit pa sayo?" wika niya na nakatitig sakin.. bigla namang nanlambot ang pakiramdam ko at napawi ang pagkainis ko kanina, ang hinahon nang pananalita niya at tila may halong pag aalala. "Masakit pa yung ulo ko saka nanlalamig pa ng konti, pero kaya ko naman na siguro, ihatid mo na ako pauwi " sagot ko sa kaniya. Inabot niya sa akin ang phone niya, wala siyang sinabi na kahit ano, pero base sa kilos niya at pag abot nang cellphone sakin nangangahulugang idial ko ang number ng mama ko. Agad ko kinuha ang phone at nag dial nang number ni mama, nang mag ring hinablot niya sakin agad ang phone at siya ang sumagot. "Hello Mam ito po si Ivan Mcfiled kaklase po ni Layka, nandito po siya sa amin mam at masama ang pakiramdam. Huwag na po kayo mag alala at nasa maayos naman po siyang kalagayan, bukas panigurado makakapasok po siya sa paaralan at isasabay ko na din po siya sa pagpasok salamat po" at inoff ang phone. Hindi ako makapaniwala na habang binabanggit mga salitang iyon ay nakatitig siya sa mga mata ko na akala mo naghahamon na ewan, "Hoyy ano ba sinasabi mo kay mama?" tanong ko na may halong inis kasi naman sinabi niya yung mga ganung bagay. Hindi niya ako inintindi sa halip tumalikod sakin at naglakad papuntang pintuan para lumabas na. Sa inis ko at gusto ko siyang pigilang lumabas, kumilos agad ako at ibinaba ang isang paa ko mula sa kama, nang tatayo na ako at ibaba na sana ang isa ko pang paa bigla akong nanlambot, kumirot ang ulo at ngayon ay nagbabadyang bumagsak sa sahig na tiles. Naramdaman ko nalang na may humawak sa mga balikat ko, agad niya akong binuhat para ilapag ulit sa kama, paglapag sa kama napamulat ako nang mata, nanlaki ang mga mata ko kasi ang lapit ng mukha niya, nagkatitigan pa kmi nito, matagal din, walang nagtangkang magsalita sa amin habang eye to eye contact kami.. "Tsk now you know?" sabi pa niya sakin medyo napahiya pa ako ng konti.. "Hahatiran nalang kita nang makakain at gamot magpahinga ka nalang" sabi niya habang naglalakad na nakatalikod sakin hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng kwarto. Ang bango nang loob nang kwarto napaka fresh, at talagang malaki, iba talaga ang pamumuhay nang mga mayayaman,pinikit ko ang mga mata ko at ang init nang pakiramdam,mahapdi parang kala mo nasabuyan nang katas ng sili..kinalma ko ang sarili ko hanggang sa nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan. Nang maalimpungatan minulat ko nang bahagya ang mga mata ko at tiningnan ang oras sa orasang nakasabit sa bandang paanan ko, 10:30 pm na pala muli ako napapikit, pinakiramdaman ko ang sarili ko at talagang masakit pa din ang ulo ko, "Kamusta kana?" boses nang isang lalaki, hindi na ako nagmulat pa nang mata at napahawak nalang ang isa kong kamay sa noo ko.Bahagyang lumubog naman ang kama, alam kong nasa ibabaw ko sya,hindi naman na ako nakakaramdam nang takot kasi alam kong siya yun, bahagya kong minulat ang aking dalawang mata at hindi ako nagkamali nasa ibabaw ko siya nakatungkod ang dalwang kamay sa magkabilaang gilid ko habang nakaupo sa gilid nang kama, tiningnan ko ang mukha niya may halong pag aalala, bakit? "Masakit pa din ang ulo ko" sagot ko. "Upo ka muna at kumain susubuan nalang kita" alok nito saka ako umupo. Sinubuan niya ako nang sinubuan nakakahiya naman kung tatanggi ako at ayaw ko kumain.. "Ms. Villa Ruiz after nito uminom ka nang gamot" dagdag pa nito. "Layka nalang" nakakailang naman kasi eh. Nakita ko nalang ang pagtango nito at sinubuan na ako muli. "Salamat pala ah kahit first day palang sa klase ay marami ka nang naitulong sakin, grabe ang malas nang first day ko hehe" natatawa kong sabi sa kanya. Totoo naman eh puro kamalasan ang nangyari sakin kanina.. buti to the rescue siya..parang night and shining armor.. "Asan mga magulang mo?" umpisa ko ulit. "Business" sagot nya "Business dito sa pilipinas? " " Ibang bansa" Hmm so solo lang siya dito "Kapatid?" "Wala" "Aso?" Napatitig ito sakin, siguro nabigla sa pagbanggit ko ng aso hahaha ang cute nang pagkagulat niya haha napangiti ako ng bahagya at sinubo nalang ang pagkaing nasa kutsara na isusubo sana sa akin kaso naudlot knina. "Sige na uminom kana nang gamot mo" utos niya sa akin at inabutan ako nang tubig. "Matulog kana pagkatapos mo uminom" utos niya ulit sa akin. "Paano ka saan ka matutulog?" tanong ko na may halong pag aalala kasi parang nakakahiya na gamitin ko ang kwarto niya "Sa kwarto nalang ako nila mommy, sige na matulog kana para makabawi ka agad nang lakas. Maya maya pa ako matutulog. Sa sala muna ako magpapalipas ng oras" at tumayo na ito bitbit ang pinagkainan ko,, tinitigan ko lang ang kanyang likod habang papalayo ito, na may ngiti sa mga labi. Sinong mag aakala na ang lalaking kakakilala ko lang knina, ang aura sa classroom na hindi mo makausap, at ang asta nitong may pagkasuplado ay kabaligtaran ang pinapakita ngayon, napakabait, napaka alaga nya at maalalahanin. Nagtalukbong agad ako ng kumot at kinikilig sa mga tinarato niya sa akin kanina hindi na mawala sa isip ko ang mukha niya, ang cute cute sarap pisilin ang mukha. "Bukas sabay kaming papasok" sabi nang isip ko na bahagyang napangiti pa ako. Sa sala kung saan naroon si Ivan ay hindi maalis sa isip niya ang mukha nang binibini, hindi niya alam kung bakit. Kaya naman hindi ito makafocus sa panonood na tv at laging napapalingon sa pinto ng kwarto nya, iniisip kung nagpapahinga na ito at kung kamusta na ang lagay nito,gusto niya puntahan kaso malalim na ang gabi at siguro naman nakatulog na ito, kaya naman nanood muli sya nang tv, sa panonood nang tv bigla siyang may naalala, hindi pa pala sya naghahapunan kaya naman pumunta sya sa kusina para kumuha nang makakain, pagkakuha ay bumalik na ulit ito sa sala para manood nang tv. Habang kumakain mayroong presensyang papalapit sa pwesto ko. "Señorito gusto niyo po ba nang mainit na gatas?"sabi ng katulong na kakarating lamang. "Sige" sagot ni Ivan bagoumalis ang katulong. Habang naghihintay sa katulong kinuha niya ang kanyang cellphone at saka nag dial, nang may sumagot sa kabilang linya, "Kayo nang bahala" sabay off nito sa phone at nagfocus na ulit sa tv, maya maya pa ay dumating na ang katulong dala ang mainit na gatas. "Señorito ito na po" wika ng katulong. "Sige palagay diyan at makakaalis kana" utos niya sa katulong. Nang makaramdam nang antok ay agad na itong umakyat para matulog, bago dumeretso sa masters bed room, napahinto muna ito sa tapat nang pinto nang kanyang kwarto, binuksan ito ng dahan dahan para silipin ang magandang binibini, nang maaninag ang natutulog na dalaga, pumasok siya para tingnan ang lagay nang dalaga, bahagya nitong hinipo ang noo, at nang maramdamang bumaba na ang lagnat nito, saka siya nagdesisyon lumabas nang kuwarto para matulog na,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD