GOODNIGHT SWEETHEART Dahil alanganin na sa oras ng tanghalian ay naisipan ko na lamang na magluto ng adobong manok, steamed fish at boiled broccoli. Halos isang oras lang ang ginugol ko sa paggayak at pagluto. Nagsaing na rin ako ng kanin sa rice cooker. Pagkahanda ko sa mesa ay bumalik ako sa library. Naabutan ko si Anthony na nakasandal sa swivel chair at nakapikit. Nakakunot-noo pa ito at bahagyang nakaawang ang labi. Napakagat labi ako. Gigisingin ko ba? Lumapit pa ako lalo at niyugyog ko ng marahan ang kanyang balikat. Ayaw ko siyang malipasan ng gutom. Kahit pagkatapos ng tanghalian ay pwede itong matulog na lang ulit. "Anthony...." mahinang tawag ko. Nagbukas ito ng mata. Kinusot niya ang mga ito at bahagyang umungol. "Are you okay?" mukha kasi itong may dinaramdam. "My ey

