LOVE ME TONIGHT Maaga akong nagising. As usual, tulog pa rin si Anthony at naghihilik. Mukha nga talagang ngayon lang ito bumabawi ng tulog sa nakalipas na apat na buwan. Tumayo ako at pinindot ang button para humawi ang malaking kurtina. Ang ganda ng pagsikat ng araw ngayon. Pumapasok ang liwanag sa buong kwarto. I slid the sliding door of the balcony so that the fresh air can enter the room. Pumasok ako sa bathroom at mabilisan akong naligo at nagbihis. Bumaba ako at tumungo sa kitchen. Maghahanda ako ng almusal, total naman ay ala sais y media na. Ang alam ko ay ngayon darating ang mga tauhan ni Anthony na siyang kahalili niya sa pangangalakad sa buong Dela Silva Ranch and Farm at may pulong sila para sa kanilang weekly reports. I decided to cook a typical breakfast. Fried rice, long

