HINDI KO GINUSTO "Ang sabi ng doctor niya successful naman ang operation nito. Babalik din naman daw ang paningin ni Reid. Hindi nga lang namin matukoy kung kailan. We just have to wait. But Reid is being impatient. Nagiging bugnutin na ito at mainitin ang ulo palagi. " Señora sigh. Nakaupo kami sa lanai ngayon. Wala akong maapuhap na sasabihin. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako kay Señora sa nagawa ko sa anak nito. "Hija." tawag nito. Ginagap nito ang aking isang palad at pinaloob sa kanyang dalawang kamay. "Hindi kita sinisisi sa pag-iwan mo sa anak ko Isay. Nasaktan ako, aaminin ko. Pero kahit ako man ang lumagay sa kalagayan mo ay hindi rin ako magdadalawang-isip na gawin ang ginawa mo." Napakunot-noo ako. "Alam nyo po ba?" tanong ko at tumango ito. "We figured out when Jes

