MAY PAG-ASA PA Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak. Kahit kumatok kanina ang Señora ay hindi ko pinagbuksan. Alam kong mali pero gusto ko lang talaga munang mapag-isa. At ngayon lang talaga ako umiyak ng husto. Ilang buwan kong inipon ang lahat ng ito sa puso ko pero sa puntong ito, hindi ko na talaga kaya pang magmukhang matatag sa harap ng tao. Pakiramdam ko parang lobo ang puso ko, nasobrahan na ng ihip kaya sumabog na talaga. At ang masumbatan ng ganun at harap-harapan mula sa taong mahal mo ay maituturing kong pinakamalakas na sampal sa buong pagkatao ko. Kailangan kong pakawalan ang lahat ng ito kasi alam ko, sa susunod pa na mga araw ay pupunuin pa ito lalo ni Anthony ng mga masasakit na salita at panunumbat. I sigh. Umupo ako sa higaan at unti-unting pinapakalma ang

