Chapter 84 Jasmine Habang umaalis ang dalawang mag-asawa ay tumitingin naman si Mike sa kaliwa kanang niyang tagiliran. Tinitingnan niya kung saan siya puwede tumakbo kapag sakaling sinugod ko siya ng gulok. "Huwag ka mag-alala, Mike. Hindi pa naman kita kakatayain ngayon eh! Hala! Lakad ka at doon tayo sa mga pato!" sabi ko sabay sinyas ko sa kaniya na maglakad gamit ang gulok. "S..saan ba ang daan?" tanong niya habang umaatras. Nakapa-jama pa siya ng pantulog niya at hindi pa yata siya nakamomog o nakahilamos man lang dahil gulok agad ang sinalubong ko sa kaniya. "Ate Silvia, samahan mo ako magbantay sa tukmol na lalaking ito mamulot ng itlog!" "Hay nakong batang 'to! Pati ba naman ako idamay," reklamo naman ni Ate pero nagmartsa na rin siya palabas at nauna kay Mike. "Hali ka na

