Chapter 83 Jasmine Tuwang-tuwa naman ako nang marami kaming nakuhang maria-maria. Pagkatapos ay umuwi na kami ni Ante. Pumasok na ako sa loob ng bahay at si Ate Silvia ay matutulog na sana noong dumating kami ni Ante. "Maaga pa yata kayo umuwi," sabi naman ng matandang dalaga. "Eh, paano naghanap ng maria-maria si buntis kaya ayan nanguha kami sa daan," sabi naman ni Ante. "Dumating na ba ang kuya mo?" tanong naman ni Ante kay Ate Silvia. "Ay, oo. Kasama 'yong bisita natin. Eh, nariyan na nga sa loob ng silid ang gamit niya. Pero pumunta sila sa disco hindi ba kayo nagkita roon?" tanong naman ni Ate Silvia. "Hindi kasi umuwi na kami agad. Oh, siya sige. Akoy uuwi na," paalam naman ni Ante. "Ante, sabihin mo kay Uncol magluto siya ng kuhol bukas, ha?" sabi ko. "Oo, Iha. Buka

