Episode 82

1471 Words

Chapter 82 Jasmine Maaga kaming pumunta ni Ate Silvia sa Hospital para magpa-check up ako sa binububuntis ko kasama namin si Ante Josefina. Namili sila ng mga lulutuing kakanin dahil ngayon ang fiesta sa lugar nila. Bihira lang din ako lumalabas. Hindi ko alam pero ayaw ko makakita ng mga tao. Gusto ko ay lagi lang ako sa loob ng bahay. Marahil ay kasama ito sa paglilihi ko. Pag-uwi namin ay medyo marami-rami na ang tao sa bahay nila Ante. Pumasok na ako sa loob dahil ayaw ko makakita ng maraming tao. Mga dalaga at binata ang naroon na mga kasamahan nila Pearly. Nang nasa pintuan na ako ay tinawag ako ni Danica. "Ate, hali ka," tawag ni Danica sa akin. Lumapit ako sa kaniya. "Bakit Dan?" tanong ko. "Ate, gusto ka raw makilala ni Bryan," sabi naman nito sa akin. "Sinong Bryan?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD