Chapter 81 Mike Bigla akong nabuhayan ng pag-asa kaya ibinigay ko sa kaniya ang cellphone number ko. Pagkatapos kong maibigay ang number ko ay ibinaba niya na ang telelepono. Nakahinga ako ng maluwag. "Ano ang sabi Mike?" tanong ni Daddy. "Si Jasmine, kasama niya si Jasmine, Dad! Sana totoo na kasama niya ang asawa ko," tuwang wika ko kay Daddy. Nabuhayan ako ng loob dahil alam ko na kung paano ko makasama muli ang asawa ko. "Sana nga! Sana tinanong mo kung ano pangalan ng tumawag," ani Daddy. "Narinig ko Dad na tinawag siyang, Silvia," sabi ko kay Daddy. Gumuhit naman sa mukha ni Daddy ang tuwa. "Si SIlvia? Ibig sabihin kasama ni Silvia si Jasmine." ngiti ni Daddy. "Dad, sino si Silvia?" tanong ko. "Kasambahay ng Tito Leo mo. Matagal na siyang naninilbihan sa mga magulang ni Jas

