Chapter 80 Mike Lumipas pa ang mga araw ay wala talaga akong balita tungkol sa asawa ko. Hanggang nalaman na nila Mommy at Daddy ang totoo kaya sa halip na hindi pa sila umuwi ay umuwi na lang sila mula Amerika. At hito at puro sermon ang inabot ko kay Daddy. "Matagal na pa lang nawawala ang asawa mo tapos hindi mo sinabi. Kung hindi pa sa akin sinabi ni Bretany na nawawala ang asawa mo hindi pa namin nalaman. Ano ba, Mike! Ganito na lang ba ang gusto mo palagi? Kung ano na naman siguro ang ginawa mo at umalis ang asawa mo," sermon ni Daddy sa akin. "Hindi ko naman alam na aalis siya Dad, eh! Saka hindi ko alam na matiis niyang iwanan ang mga bata," sabi ko. "Baluktot na katuwiran 'yang sa 'yo Mike! Ang sabihin mo pinabayaan mong umalis ang asawa mo. Baka kung ano na naman katarant

