chapter 88 Mike Sinanulubong ako ng kapatid ni Ate Silvia sa airport noong pumunta ako rito sa Capiz para makita ang asawa ko. Excited na akong makita siya ng mga oras na iyon, pero pagdating ko sa bahay na kung saan siya nakatira ay sabi ni Ate Silvia ay nasa diskohan raw ito kasama ang asawa ni Uncol Berto. Kaya agad naman kaming pumunta roon ni Kuya Berto sa sayawan. Ngunit hindi ko naman roon nakita si Jasmine. Hanggang sa pinakilala ako ni Uncol Berto sa mga anak niya kina Danica at Pearly. At hindi naman ako tinigilan ng mga kasamahan nilang dalaga hangga't hindi ko sila naisayaw, kaya alas tres na ng madaling araw kami nakauwi ni Uncol Berto. Nagyaya na ako sa kaniya umuwi kahit ayaw pa ng mga kababaihan roon na umuwi ako. Gusto ko ng makita ang asawa ko kaya sabik na sabik na

