Chapter 87 Jasmine Dalidali naman siya lumabas at nagdala ng kutsilyo. Hindi ko pala naitanong sa kaniya kung nakakaalala na siya, pero mamaya ay itatanong ko iyon sa kaniya. Hindi ko na matiis ang gutom kaya lumapit ako sa kalan. Binuksan ko ang luto ni Mike pero napaso naman ako. Muntik ko pa masagi ang kaldiro. Mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ito pero natapunan naman ng sabaw ang kamay ko kaya napangiwi ako sa hapdi at impit na sumigaw. "Ouch! ouch !ouch," tili ko. Hindi ko alam kung bakit napakalampa ko pagdating sa kusina, kaya ito ang ayaw ni Ate na tumambay ako rito na may niluluto siya. Agad namula ang kamay ko na natapunan ng sabaw, kaya napaipit ko ang kamay ko sa dalawang hita ko. Napaiyak ako sa subrang hapdi. Parang gusto kong itapon ang niluto ni Mike. Mabuti at p

