Chapter 86 Jasmine Pagsapit ng alauna ng hapon ay nakatambay ako sa labas ng bahay sa may kubo-kubo roon na may upuan na kawayan. Nakita ko naman na dumating si Mike at si Uncol Berto. Marami itong mga pinamili at may mga prutas pa siyang dala. Nakita ko ang pagbaba nila sa trycle. Nang makita niya ako na nakaupo sa kubo ay ang tamis naman ng ngiti niya sa akin na siya lalong ikinaboboyset ko. Nang malapit na ito sa akin ay binati ako nito. "Good afternoon, Hon. May mga prutas ako ritong pinamili at mga gatas para sa inyo ni Baby. Saka may isda rin akong binili. Maganda raw ang isda para sa development ni Baby." "Anong good sa afternoon kung ikaw ang nakikita ko? Mamaya linisin mo 'yong baboyan at walisan mo ang mga dumi ng baboy para may pakinabang ka naman rito," sabi ko naman.

