Chapter 58 MIKE Nasa harap na namin ang dalawa kaya tumingil sila sa paggapang nang makita nila ang mga paa namin ni Reynald. Dahan-dahan silang tumingala at pareho pa silang nagulat nang makita nila kami at akala mo ay nakakita sila ng multo. "Anong ginagawa niyong dalawa riyan?" asik ni Reynald na madilim ang tingin sa dalawa. "Rey... Reynald.." bigkas ng asawa niya. Habang nakagapang pa rin ang posisyon nila. "Darling? Ang galing mo gumapang, ah! Mukha yatang nakalabas ka sa kulungan mo." ani Reynald na masama ang tingin sa asawa niya. "Ahh.. Ehh.. Hehehe.." ngiting aaso naman ng asawa niya sa kaniya. Si Jasmine naman ay hindi mo maintindihan ang reaksyon ng mukha. Kung ngingiti ba siya o seseryoso. "Mi.. Mike, hehehe.. Aa..anong ginagawa mo rito?" utal-utal niyang tanon

