Chapter 59 Mike Makalipas ang ilang oras ay nanatili kami ni Reynald sa bar kasama ang mga asawa namin na mga lasing na at ang daldal pa ng mga ito. "Hahahaha.. Akalain mo nga naman. Akala ko ang bait ng asawa ni Kristine. Eh, mukha yatang magyera shilang dalawa mamaya," tawa pa ng asawa ko na bulol na magsalita. "Siya nga! Hahahaha.. Shaka ngayon ko lang nalaman. Pinsan pala siya ng malditong 'to!" sabay turo pa ni Bioly sa asawa niya na ang daliri ay nasa ilong na ni Reynald. Iwinaksi naman ni Reynald ang kamay ng asawa niya. "Akala ko naka-Jack pot siya. Hahahaha.. Mash malala pa yata ang ashawa niya," tawa pa ni Jasmine na slang na magsalita. Napapa-iling na lang kami ni Reynald habang pinapanood namin ang dalawa sa pag-inom. "Pero thika! Paano niyo nalaman.. Hekk!! Na n

