Chapter 93 Mike Tiniis ko ang bugbog na iyon para lang mapansin ni Jasmine. Hindi ko nga alam kung tama ba itong ginagawa ko o hindi. "Tama na! Dumudugo na ang labi ni Mike at kilay," awat naman ni Uncol Nestor. "Lagot Mike, ayos ka lang?" tanong naman ni Uncol Berto. "Ayos lang Uncol. Basta para sa asawa ko kahit ano gagawin ko. Oh, ayan ang wallet ko. Pakibigay na sa kanila ang tig-iisang libo," sabay hagis ko ng wallet ko kay Uncol Berto at binigyan niya na ang mga ito ng tig-iisang libo. "Hali ka sa loob Mike, para makasandal ka roon at ipatawag namin ang asawa mo," sabi ni Uncol Nestor. Inalalayan niya naman ako na tumayo. "Oh, paano umuwi na kayo para hindi tayo mabuking ng asawa ko. At atin-atin lang ito, ha? Walang sino mang dapat ang makaalam," sabi ko kina Uncol Colas at

