Chapter 92 Mike Nang ibigay na sa akin ni Uncol Nestor ang baso na may lambanog ay alanganin ko pa itong abutin. Pero nahiya naman ako at gusto kong makisama sa kanila ay inabot ko na lang iyon at inamoy-amoy. "Bago lang ba iyan sa panlasa mo, Mike?" tanong ni Uncol Nestor sa akin. "Opo, Uncol, pero matikman nga rin ito," sabay lagok ko ng tuba. "Hummm.. masarap pala ang lasa nito at parang beer nga na may asukal manamis-namis ang lasa," sabi ko. "Kapag wala kaming pera at mabilhan ng beer o redhorse ito ang pinagta-tyagaan namin," sabi naman ni Uncol Nestor." "Gusto niyo po ng red horse?" tanong ko. "Abay, kung mayro'n, bakit naman hindi?" ani Uncol Nestor. "Ede, bili tayo. Sagot ko!" wika ko. "Ayon, oh!" tuwang wika ni Uncol Berto. Maya naman ay may nasigdatingan na apat n

