Chapter 78 Jasmine Tatlong buwan na ang nakalipas mula noong umalis ako sa amin, ngunit walang araw at gabi na hindi ko maisip ang mga anak namin ni Mike. Kahit na minsan ay nalilibang ako sa kakapanood ng pag-harvest ng palay. Ginagapas nila ito. Pagkatapos ay hakutin at igiling para maging botel ng palay. Ang hirap pala mag-ani ng palay, kaya minsan sumasama ako kay Ate Silvia sa palayan at namumulot ng mga tirang palay na ginapas ng mga kalalakihan at kababaihan na naroon. Habang nagpupulot ako ng palay ay tuwang-tuwa ako. ''Ate, puwede ko bang masubukan gumapas ng palay?'' tanong ko kay Ate. ''Puwede naman, Ma'am Jasmine, pero baka masugatan ka,'' ani Ate Silvia. ''Ate, Jasmine, na lang kasi ang itawag mo sa akin. Hindi na ako sanay na tawagin akong Ma'am. Tingnan mo naman oh! P

