Chapter 77 MIKE Lumipas ang tatlong buwan ay hindi ko pa rin matawagan si Jasmine. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag-hire na ako ng magaling na imbistigador, pero hindi ko pa rin mahanap si Jasmine. Minsan ang mga bata ay nagtatanong kung saan na ang Mommy nila. Wala naman akong maisip na isasagot kundi sinabi ko lang na nasa bakasyon. Mabuti at bumalik na si Roshel at Yaya Lourdes, kaya may mga katulong na ako sa pagbabantay sa mga anak namin. Maaga pa akong pumasok sa opisina at sinalubong naman ako ni Samatha. ''Good moning Mr Buenaventura. Himala yata ang aga mo ngayon,'' sabi nito. ''Kailangan para maaga pa akong makauwi,'' sabi ko. ''Nahanap mo na ba ang asawa mo? Hindi kaya sumama na siya sa iba?'' wika niya. Biglang umunit ang ulo ko. ''Kung wala kang magandang sasa

