"I want to talk to Travis again.." pinigilang kong maiyak pagkatapos kong sabihin iyon kay Mama at Daddy. Nandito kami ngayon sa hapag at katatapos lang naming mag dinner. Ang galit ko kay Travis ay natabunan ng takot at pag aalala para sa anak ko. Pagkatapos ng sinabi ni Dr. Obrien ay hindi na ako masyadong makatulog sa gabi. Kahit pa ang sabi niya ay normal lang na mag ka insomnia, hindi parin ako kumbinsido na iyon ang dahilan. Dahil sa dalawang gabing nakaraan ay halos hindi na ako makatulog ng matino. Pero hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Kailangan kong alagaan ang sarili ko especially now that I stopped taking antidepressants. That's what I promised myself. Nagkatinginan sina Mama at Daddy at mukhang hindi nila inaasahan ang sasabihin ko. They were fine already, I think. And I

