Kabanata 2

1444 Words
PTSD "But how are they now?" Chad asked me again, he was asking about my brother and my bestriend, Amy. (Read their story: Tears of Love - Amy's Endeavor ). "It's all messed up. Kuya Ricky's fault, kung sinabi lang sana niya ng maaga kay Amy lahat, hindi aabot sa ganito." Malungkot kong balita, inaamin kong nasasaktan din ako para sa kanila. We are talking about what had happened to my brother and my bestfriend. It's a very long story. I just arrived here in Paris all the way from the Philippines. Chad offered me this job before.. at ngayon nga ay bumalik na naman ako, medyo matagal tagal na din akong nakatira dito. Kinailangan ko lang umuwi para bisitahin si Amy at Kuya. But I am glad that I am here now. I finally escaped. Nakita kong sumimangot si Chad. "Grabe ang Kuya mo. Akala ko ba mahal niya si Amy." "He does! Of course he loves her so much. Kaya lang ay naglihim siya kay Amy. Diba nga dapat ay honest ka kung mahal mo ang isang tao." sabi ko because I had to defend my brother. My brother cried a lot when Amy left him, galit man ako ay naawa din ako kay Kuya. He went through a lot of pain, until now.. kung tutuusin. Maybe this is our fate? Magkapareho ba kami ni Kuya? Kinakarma na ba kami? Ito ba ay kapalit ng pagkakamali ng ibang mga tao? Kung oo, bakit kailangang kami ang makarma? "Kaya mahirap magtiwala ulit, eh. Maraming mga sinungaling.." Sambit ni Chad, dahilan para tumingin ako sa kanya. I know why he said that. I sighed. "Eh, ikaw? Inamin mo na din ba kay Amy na alam mo iyong mga nangyari simula noong una pa lang?" He asked. Yumuko ako at umiling, iyon ang isa pa sanang sadya ko kaya ako umuwi ng Pilipinas ngunit hindi kami nakapag usap ng mabuti ni Amy. Ayokong isipin na sinungaling ako dahil hindi ako sinungaling. I just didn't tell her.. yet, I was very scared, hanggang ngayon. "Not yet. We didn't have much time when I went home. She has changed a lot, Chad and I can't blame her. Tsaka huli nga naming pag-uusap ay tinulugan niya ako." Ngumiti ako ng mapakla. Remembering little things makes me want to see Amy and hug her. Dapat nga ay siya ang kasama ko ngayon. Chad didn't say anything but he cleared his throat after a while. "N-Nakita mo si.. ano noong umuwi ka?" "Sino?" I asked. Pero syempre ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. I just wanted to make sure, at kung pwede ay gusto kong iwasan ang tanong niya. He stood up and sat beside me. "You know who." "Sino nga?" "Travis." Napayuko ako.. I was right. "Hindi. What do you expect? He's done with his plans already, why would he show his face to me?" Bigla na namang sumakit ang dibdib ko. Bakit ba niya pinapaalala ang lalaking iyon? Does he even know that for just simply remembering him is like a t*****e to me? "Ay! Tinanong talaga ako?" Natatawang sabi ni Chad. I didn't talk. Ayokong makipagbiruan kung ganitong bagay, lalo lang akong nasasaktan. It's all fresh for me at kahit ngayon ay hindi pa nawawala ang sakit. Mas masakit pa nga ngayon kung tutuusin. "Anyway, napag-isipan mo na ba ang sinasabi ko sa'yo?" Sabi niya. I looked down, he has been telling me to see a Psychiatrist. Simula kasi noong pumunta ako dito sa Paris ay hindi na ako masyadong kumakain. Ewan ko pero wala akong gana, naisip kong baka choosy lang ang tiyan ko sa mga pagkain dito sa Paris. I want Filipino dishes at hindi niya ako masisisi dahil sa Pilipinas ako pinanganak at nagkaisip. "Don't be so paranoid, Chad. Hindi lang ako masyadong kumakain dahil naninibago ang tiyan ko sa mga pagkain dito.." Umiling si Chad. "No, Myla. Naninibago? Mag iilang buwan na tayo dito. Naninibago pa din?" I stood up, kung sabagay, tama siya. Ilang buwan na kaming nandito actually pero hindi parin ako masyadong kumakain. "Pero hindi naman siguro kailangan ng Psychiatrist. I feel normal, normal naman ang pag-iisip ko. " I concluded. Naglakad ako papunta sa Kitchen at naramdaman kong nakasunod siya. "Hindi naman porke Psychiatrist ay may sakit ka na sa utak. Psychiatrists are medical doctors! They are evaluating patients to determine whether symptoms are results of a physical illness, a combination of physical and mental, or a strictly psychiatric one." mahaba niyang sabi. Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya pero gusto kong pumalakpak. Magaling! Humarap ako sa kanya. "Oh-kay." Iyon lang ang sinabi ko at inirapan siya. Tumuloy na din ako sa paglalakad. Sinundan niya ako. "Pero seryoso ako, Myla. You maybe need one! Hindi ba ay tuloy tuloy pa din iyong panginginig mo tuwing umaga?" He asked again. I sighed. Yes, I tremble almost every morning, I don't know. It's maybe because I always dream of Travis. That's kind of weird but it is true. Hindi naman palaging siya ang nasa panaginip ko pero minsan ay lagi akong gumigising na pinagpapawisan at nawawalan ng hininga. Always nightmares. Tuwing umaga ay parang nauulit iyong umaga na sinabi ni Travis ang lahat sa akin, na planado lang niya lahat, iyong araw na pinagtabuyan niya ako. Pero syempre ay ayokong mag isip dahil sa pelikula lang nangyayari ang mga iyon. Siguro ay guni guni ko lang ang mga iyon. And I hate it! "Oo nga. But I will be fine, Chad." I tried to convince him. Totoo naman, though I can't handle it sometimes dahil minsan ay nagigising akong umiiyak. "Pero hindi rin naman masama kung magpacheck ka." Sabi na naman niya. Gusto kong ma offend sa pamimilit ni Chad pero sinusubukan ko ding intindihin na kapakanan ko naman ang iniisip niya. Lumingon ako at tinitigan siya, he was also looking at me, sinusukat kung gaano ako kaseryoso. Kung sabagay ay wala nga namang mawawala kung magpapatingin ako. It would really help me, maybe. "Sasamahan mo ba ako?" I asked. Pagbibigyan ko siya kung ganoon. Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Oo naman!" Hinampas niya ng mahina ang braso ko. "So ano? Magpapacheck ka na?" He asked. Parang mas masaya pa siya sa akin. What's so good about it? Sana nga ay walang problema. Sana maging okay na ako. I am so tired of being like this. It has been months already. "Yeah. But come with me.." "Trembling and shaking in trauma release are normal." Sabi ng babaeng kaharap ko ngayon na nagpakilalang Irene kanina. May trauma ako? "Yes, according to the details and stories you told me earlier. The event was traumatic and it scares you so much, thinking that it would happen again." Patuloy niya na parang nababasa talaga niya ang mga tanong sa utak ko. Kanina ay kinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa past five months ng buhay ko because she asked for it. Kaming dalawa lang dito sa loob ng opisina niya na parang malawak na kwarto. Nasa labas naman si Chad at hinihintay ako dahil bawal siya dito sa loob, dapat ako lang. Hindi nga ako makapaniwala na nandito ako ngayon. "A person who experience extreme symptoms of stress long after a traumatic event may have post-traumatic stress disorder or PTSD which can also lead to severe depression." sabi na naman niya. Napakurap ako ng ilang beses. Napalunok din ako. Depression? "W-What do you mean?" I asked. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinisil ang mga iyon. "You have PTSD. It can lead to a continued feeling of intense sadness that interferes with your ability to function normally or it is called depression." Huminga siya ng malalim. Ako naman ay napakurap lang dahil pumapasok pa sa isip ko ang sinabi niya. "But.." She smiled. "We can fix this. If you continue coming here. We can fix this.. of course." Sabi niya na parang kinukumbinsi at pinapasigla ako. Napayuko ako dahil hindi ako makapagsalita. Sana hindi nalang pala ako pumunta dito, sana hindi ko nalang nalaman. Mas lalo akong mag iisip ng kung anu ano nito. I thought I was okay. "Honey, you will be fine. It's not the worst." Nagkibit balikat siya. "Just don't think about what happened. I know it hurts a lot but, just focused on your new lifestyle. " sabi na naman niya. Tumingin ako sa kanya, is she even real? Parang alam na alam niya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano kami nakauwi ni Chad. Basta't natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa loob ng apartment ni Chad na nakaupo sa tabi niya. "Can you talk? Kaya mo pa naman?" Sabi ni Chad. Alam kong kanina pa siya nagtatanong pero tango lang at iling ang isinasagot ko sa kanya. Hindi lang talaga ako malapaniwala. Napapikit ako nang maisip ko si Chad. Oo nandito si Chad sa tabi ko. I am not alone. He is here with me. "I have PTSD." Mahinang sabi ko pagkatapos kong humugot ng malalim na hininga. I need to tell him, anyways.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD